Chapter 16

996 Words

Nakamasid lamang ako sa labas ng bintana sa buong biyahe namin sa pauwi ng Metro. May ilang oras na nakatulog ako at nagising nang maramdaman kong nakahinto kami, pagtingin ko sa labas ng bintana ay nasa isang palengke kami, kung saan maraming taong paroo't-parito, mga nagtitinda sa ipinagbabawal na pwesto na dapat sana ay dadaanan pa ng mga tao kaya ang nangyari ay masikip at mahihirapan dumaan ang sasakyan. "Bakit dito tayo dumaan, RJ?" baling ko sakanya at umayos ng upo. "Bibili kasi sana ako ng fruits para kay Mommy kaso na-stuck tayo dito." aniya at bumuntong hininga. "Fruits? Bakit hindi na lang sa supermarket?" "Mas fresh daw kasi kapag sa mga palengke na gaya nito, ayon kay Heaven." Pagrarason niya. Hindi na lang ako umimik at napahalukipkip na tumingin sa labas ng bintana.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD