Gumising ako ng maaga, kinabukasan upang pumunta sa St. Bernadette University para mag-inquire.
Pagkatapos ko maligo at makapagbihis ay tumungo ako sa kusina para maghanda ng breakfast ko. Binuksan ko ang kitchen cabinet at kinuha doon ang pancake mix pagkuwa'y itinimpla na, nilagay ko ang frying pan sa may stove at nilagay ang butter. Ilang sandali pa ay nagluluto na ako ng pancake.
Napabuntong-hininga ako habang inilalagay sa plato yung pancake. Umupo narin ako sa dining chair at nag-umpisa ng kumain. Habang kumakain ay palinga-linga ako sa buong apartment ko.
Marami pa pala akong kailangang bilhin na mga kitchen tools at kailangan ko rin bumili ng TV if ever ma-bored ako. Wala din fridge dito
Magkano kaya ang magagastos?
May laman na kaya yung ATM Card na ibinigay sa akin ni Mrs. Sandoval?
Last time kasi nung nag-withdraw ako sa ATM na bigay ni Mr. Allegre ay chineck ko ang isa kong ATM only to find out na Php.2000 lang ang laman.
Tumayo ako agad nang maubos ko ang niluto kong pancake at inilagay sa kitchen sink. Naghugas na ako ng kamay at naglakad patungo sa kwarto.
Mamaya ko nalang yan huhugasan. Isa lang naman.
Kinuha ko sa ibabaw ng kama ang bag ko at tumungo na sa pintuan. Ni-locked ko ito at maglalakad na sana ng mapadako ang tingin ko sa pinto na pinasukan ni L Pogi kahapon.
Nandyan kaya siya? D'yan ba siya nakatira?
Naglakad ako patungo doon hanggang sa nasa tapat na ako ng pinto. Itinaas ko ang aking kamay upang kumatok ng bigla ko rin itong ibaba.
Ano sasabihin ko?
Napahinga ako ng malalim at idinikit ang aking tenga sa pinto. Walang tao?
Itinaas ko muli ang kamay ko at kakatok na sana nang bigla itong bumukas. Napaatras ako at pinanuod ang dahan-dahan nitong pagbukas. Nakahinga ako ng maluwag ng bumungad sa akin ang isang babae na may mahabang buhok at maputi. Nakataas ang kilay nitong nakatitig sa akin.
“What the hell?” mataray na saad nito.
Napalunok muna ako bago sumagot, “Ah..eh.. wala. Napadaan lang.” mabilis na wika ko at walang lingon likod na naglakad papalayo.
Sino yun? Akala ko pa naman doon nakatira si L.
“Fill up this form first then lapit ka sakin. I-e-explain ko sayo ang mga courses at tuition fees dito.” wika ng Regristrar sabay abot sakin ng isang papel. Tinanggap ko naman ito at umupo sa isang upuan na may mesa sa harap at kinuha ang ballpen sa bag ko pagkuwa'y inumpisahan ko ng sagutan.
Nandito na ako ngayon sa St. Bernadette and I must say na this school is huge. First time ko na makapasok sa isang school and it's really fun na maglakad-lakad. Nagkandaligaw-ligaw pa ako kanina kaya nagpasama na ako sa babaeng guard ng may makasalubong ako kanina.
Ang sabi din ng registrar ay nasakto ang pag-enroll ko dahil enrollment pa lang ngayon.
August pala nag-s-start ang pasukan nila then nag-e-end ng May. Cool!
At buti na lang din ay kinuha ko sa bahay nila RJ ang mga requirements ko, talagang sinearch ko pa sa google kung ano ang mga requirements na kinukuha sa school, pero hindi ko pinlano na sa St. Bernadette mag-aral. Destiny lang talaga ang lahat.
I handled at the registrar the paper as soon as natapos ko na itong masagutan. So far nasagutan ko naman lahat liban nalang sa section about parents.
“Wala kang parents?” tanong ng registrar at saglit na sinulyapan ako.
“None.” simpleng sagot ko.
“Then sinong bumubuhay sayo?” tanong niyang muli.
Napahinga ako ng malalim. Kailangan pa talagang tanungin.
“My relatives. My Parents both died the day I was born.” iritableng sagot ko. Nakita ko ang pagtango-tango nito pagkuwa'y in-explain na sakin ang lahat.
She told me about the courses available and the fee. Pinili ko ang business administration course dahil Business Course din ang itinuturo sakin ng tutor ko before. Medyo may kamahalan nga lang ang tuition fee ng school na ito. I read from the internet na ito ang nag-iisang prestigious School sa buong bayan na ito, ang Aldwyne. At talagang mayayaman at powerful ang nag-aaral dito.
Nagpaalam muna ako saglit sa registrar upang mag-withdraw.
Napabuntong-hininga ako. Sana ay magkasya pa ang pera ko at sana may pambili pa ko ng mga gamit ko, pati groceries.
Pagkalabas ko ng registrar office ay agad kong natanaw ang SBU Diner at sa gilid niyon ang ATM Corner. Naglakad ako patungo doon.
Habang naglalakad ay palinga-linga ako.
Iilan lang ang mga mukhang estudyante dahil karamihan mga yaya base narin sa uniform. Halata ngang mayayaman ang nandito dahil pananamit at itsura pa lang ay sumisigaw na ng karangyaan. I grew up at the rich family kaya alam ko and kung gugustuhin komg makisabay sa mga ito ay makakaya ko. After all, I am an Allegre by blood.
Napabuntong hininga ako. Allegre by blood? Ipinilig ko ang ulo ko at itinuon ang atensyon sa aking paglalakad hanggang sa makarating ako sa ATM Corner. Pumasok ako doon at hindi ko maiwasang ma-amaze dahil halos lahat ng banko ay may ATM dito. Ang cool talaga ng School na'to!
Kinuha ko ang ATM card ko sa aking wallet at ipinasok sa machine. Chineck ko ang balance nito at napangiti ako nang makita kong nadagdagan ang laman. Wow! Nag-withdraw lang ako ng Php. 20,000 nung isang araw para sa rent ko sa apartment. Dapat ay Php.30,000 nalang ito dahil Php.50,000 lang ang laman pero ngayon ay Php.100,000 na.
Nilagay kaya ito ni Mommy Reina, o ni Mr. Allegre?
I-wi-nidraw ko ang Php.85,000 dahil iyon ang amount ng tuition ko pagkatapos ay kinuha ko ang isang ATM para i-check ang balance. And wow ulit, may laman na siya.
Lumabas narin agad ako sa ATM Corner at hindi ko maiwasang mapangiti habang naglalakad. At least kahit sa ganitong paraan ay hindi nila nakakalimutan yung responsibilty nila bilang mga magulang.
Nang makabayad ako ng tuition at ibigay sakin ang student handbook, school ID at uniform ay agad akong umalis.
Pagkalabas ko ng school campus ay agad akong pumara ng tricycle para pumunta sa bayan to buy groceries and some kitchen tools.
Frying Pan
Caldero
Can opener
Knife
Spoon and Fork
Utensils
Mug and Glass
Soup bowl and Plate
Inisa-isa ko ang mga kitchen tools na nasa push cart na tinutulak ko.
Thank God, at ang lugar na ito ay hindi masyadong out-of-this-world dahil may isang mall. Hindi na ako mahihirapan pang makipag-siksikan sa mga tiangge katulad ng nadaanan namin kanina.
Huminto ako sa paglalakad at pagtutulak ng cart upang kunin ang rice cooker. Hindi ako marunong magsaing through stove lang. At least sa rice cooker ay hindi masusunog. Kinuha ko rin ang airpot at isang plantsa then nagpa-assist sa isang salesboy papuntang counter.
Sana magkasya. Next time na lang siguro ang TV.
Nang mabayaran ko na ay iniwan ko muna sa baggage counter. Ang dami pala ng nabili ko kaya paano ko madadala ang mga iyon?
Agad akong nagtungo sa department store para bumili ng shoes and other clothes kung may magustuhan ako. Nagmana kasi ako kay mommy Reina na mapili sa damit. I have this allergy kasi sa mga tela na hindi cotton or yung mainit sa katawan. Ewan ko kung may ganito ang biological mom ko dahil sabi ni Mommy Reina ay sa kanya raw ako nagmana.
Pagkapasok ko sa department store ay agad akong nagtungo sa shoe section. Namimili ako ng mga sapatos doon sa stand ng may marinig akong maarteng tawa. Nagpatay malisya nalang ako dahil baka guni-guni ko lang iyon ngunit mas lumakas ng lumiko ako sa isang stand. Hinanap ko ang pinanggalingan nito at dahan-dahan na sinilip.
Natigilan ako sa nakita!
The man of my dreams is kissing the other girl's neck! Magkatabi sila sa isang upuan. Nakahawak ang isang kamay nito sa bewang nong girl habang nagsusukat ng sapatos 'yung girl ay hinahalikan nito yung neck niya kaya pala tumatawa.
“Babe stop it. May mga tao, baka tumingin sila.” narinig kong wika ng babae. Agad akong nagtago ng mapansin kong patungo ang tingin ni L sa akin.
“Don't mind them.” narinig kong wika ni L at tumawa na naman yung babae.
Naglakad ako papalayo doon at muling naghanap ng sapatos. Nang makita kong maganda at komportableng suotin ito ay binayaran ko na t lumabas na sa department store.
Lutang ang isip ko habang naglalakad.
'Yung babae, siya din yung babae na nagbukas ng pinto ng kuwarto na pinasukan ni L kahapon.
Girlfriend niya kaya yung girl?
Nakaramdam ako ng lungkot sa naisip kaya napabuntong-hininga ako.
Kung girlfriend niya na yun, does this mean na wala na akong pag-asa?