Ayaw niya sanang pagbuksan ang kung sino man ang nasa labas ngunit naalala niya na baka isa ito sa mga hotel staff na nagpanhik ng kanyang mga shopping bags. Tama nga ang hinala niya. Ang taga- concierge nga ang nasa labas!
"Thank you, sir." nagpasalamat siya at binigyan ng tip ang lalaki. Tumanggi ito ngunit ipinagpilitan pa rin niya ang pagbibigay ng tip.
Nang makaalis na ang lalaki, naglagay siya ng "Don't Disturb" sa labas ng pintuan at siniguradong naka-lock ito. Inilagay niya sa sofang naroon ang mga nabiling gamit. Malamig ang klima ng Hong Kong dahil malapit na ang Winter pero bearable naman. Ganunpaman, bumili pa rin siya ng turtleneck na blouse, jacket, rubber shoes at jeans.
Napansin niya kanina na bukas pa ang mall sa ibaba ng hotel ngunit tinamad na siyang bumaba pa. Sa mga susunod na raw na lang. Marami pa namang pagkakataon. Bukas ng umaga, maaga siyang aalis patungong Disneyland.
Itinabi na niya ang blue jeans at black na blouse na susuotin bukas. In Hong Kong, it's advisable to wear rubber shoes than sandals. Nadala na siya. Unless you'll take a taxi everytime, sandals were okay. Balak niya kasing mag MTR lang sa lahat ng kanyang mga lakad para feel na feel niya ang HK. At isa pa, napaka-efficient naman ng MTR nila. Iyon nga lang, kailangan pa niyang maglakad ng ilang metro galing sa Tsuen Wan Station patungo sa Panda Hotel.
Kaya nga siguro bihira lang ang overweight sa mga tao doon dahil halos lahat ay naglalakad. Istrikto sila sa proper loading at unloading area. Napansin ni Daniella na disiplanado ang mga tao o takot lang sa multa.
Bakit kaya ganun? Kapag nasa Pinas, walang paki maski saan magtapon ng mga basura pero kapag nasa ibang bansa, sobrang maingat naman na hindi magkalat. Kailangan pa ba talagang may malaking penalty sa bawat pagkakamali upang sundin ang isang regulasyon? Katulad na lang ng bawal kumain o uminom sa loob ng mga public transportation.
Naglaro muna siya ng Temple Run sa kanyang smartphone bago natulog. Ngunit bigla na lang siyang nagising nang marinig ang kakaibang ingay sa kabilang kwarto. Teka, hindi ba soundproof ang nakuha niyang kwarto o nanaginip lang siya?
Idinikit niya ang kanyang teynga sa dingding at nakinig. Totoo at hindi panaginip. Binuksan na lang niya ang television at naghanap ng palabas na magugustuhan. Sa bandang huli, sa Disney pa rin ang bagsak niya dahil wala namang magandang palabas sa mga oras na iyon.
Maski malakas na ang volume ng kanyang tv, naririnig pa rin niya ang magsing-irog sa kabilang silid. Kaya lumapit siya sa kinaroroonan ng telepono. Binasa niya ang instructions kung paano makatawag sa kabilang kwarto at nag-dial ng numero. Ngunit patuloy lang na nagri-ring ang telepono sa kabila.
Napakasalbahe talaga, naisip niya. Hindi niya ito tinantanan hangga't sa may sumagot na. After 10 times of trying, finally, someone answered the phone. Lalaki ang sumagot. At kahit gaano pa kagandang pakinggan ang boses nito, wala siyang pakialam. Naimbyerna na siya.
"Excuse me, mister. But please minimize your voice while lovemaking. If you must know, I can report you to the front desk for causing a public disturbance." litanya ni Daniella at nang hindi sumagot ang lalaki sa kabilang linya, napamura na siya. "Putang-ina!" Hindi na niya napigilan ang sarili pa dahil sa inis.
"Ano'ng sabi mo?"
Nagulat si Daniella nang marinig ang tanong ng lalaki. Kung ganun, isang kababayan ang kanyang napagalitan. But it doesn't matter. He deserved to be reprimanded! "Wala akong pakialam kung magkababayan man tayo. Aba'y nakakaistorbo na kayo. Daig n'yo pa sina Gardo Versoza at Rosanna Roces, ah!" tuloy-tuloy ang ratsada ni Daniella.
"Just mind your own business,” he said.
Antipatiko! Aba'y binabaan lang naman siya ng telepono. Bukas, makikita nito ang hinahanap. Bumalik siya sa kama at pinilit ang sarili na muling matulog ngunit hanggang sa kanyang panaginip ay naiinis pa rin siya.
While at the next room, Marcus was disappointed after he talked with the woman next door. Her rudeness and callousness were beyond his imagination! Binuksan niya ang kanyang smartphone at binasa ulit ang email na ipinadala ni Alexander Ortega sa kanya. Baka mali ang pagkaintindi niya sa sinabi nitong may breeding ang babaeng pinasusundan ng client nito.
Did he perhaps followed the wrong woman? Nah, there’s no way he made a mistake and Marcus shook his head in disbelief. He was one hundred percent sure that he followed Daniella Reyes from Mactan airport to Hong Kong. Kanina habang nakabuntot siya dito, napansin niyang may class nga ito. And his impression on her was great - until now.
So what if she heard them? She was supposed to just keep quiet and ignored them because that was the proper thing to do! Pero ano ang ginawa nito? Tumawag sa telepono at sinermunan siya na parang isang bata. At dahil sa ginawa nito ay hindi siya natapos sa kanyang ginawa hanggang sa mawalan na siya ng gana at pinaalis na lang ang kasama niyang babae. Na-bwesit talaga siya sa babae. Naghintay siya ng dalawang oras, bago tumawag sa frontdesk at nagpakonek sa room ni Daniella.
“Hello,” pagod ang boses ng babae ng sumagot ito sa telepono.
“Miss, paki-check kung tumatakbo pa yong maliit na kamay sa relo mo,” sabi ni Marcus at habang hinintay ang sagot ng babae, pinigilan niya ang kanyang sarili na matawa.
“Bakit ba? Tumatakbo pa naman siya,” sumagot ito, at sa tingin ni Marcus ay sandaling nakalimutan ng babae kung nasaan ito. Siguro ay inisip lang ni Daniella na isang kaibigan ang tumawag.
“Ah ganun? Sige, habulin mo.” Sabi ni Marcus at narinig niya ang malakas na pagmura ni Daniella bago niya ibinaba ang telepono.
Tinanghali ng gising si Daniella dahil sa isang tao na walang magawa sa kanyang buhay! Kaya't ipinagpaliban na muna niya ang pagpunta sa Disneyland. Mas maigi kasi na kapag pupunta sa isang themepark ay umalis na ng hotel bago mag-alas otso ng umaga. Samantalang siya ay kagigising pa lang at malapit ng mag eight-thirty.
Pagkatapos niyang mag-shower ay bumaba na siya sa third floor upang kumain ng breakfast. She's starving. Konti lang kasi ang kinain niya kagabi. Malapit lang ang restaurant sa front desk kaya madali lang niya itong natunton.
Kumuha siya ng rice, chicken curry at hard-boiled egg. Nagpaluto din siya ng omelette. Gusto niya sanang maupo malapit sa mga nakahilerang pagkain kaya lang baka hindi siya makakain ng maayos dahil sa dami ng taong dadaan sa harap niya upang mag-refill ng pagkain.
May nakita siyang bakanteng mesa sa may dulong bahagi ng restaurant at doon siya naupo. Bago sinimulan ang pagkain ay tiningnan niya muna ang buong paligid. Kadalasan sa mga kumakain ay mga Indiano at Intsik. Mangin-ilang lang ang hindi niya tukoy ang nationality. Tulad ng isang lalaki na mag-isang naupo sa mesang malapit lang sa kanya.
Tiningnan niya ito from head to foot. Infairness, hindi na masama ang isang iyon. Masasabi niyang pasok ang hitsura nito sa mga lalaking gusto niyang maging ama ng kanyang anak. Matangkad, matipuno, long hair at blue eyes. Blue eyes plus brown skin equals super hot! Ano kaya ang nationality nito?
Nang tiningnan niya ulit ang mukha nito ay nahuli siya ng lalaki kaya agad siyang nagbaba ng tingin at hinigop ang mainit na kape. Halos mapaso ang kanyang dila sa init kaya napamura na naman siya. Nakita niyang natawa ang lalaki at nagtaka si Daniella kung may kalakasan ba ang kanyang boses nang magmura siya kanina o baka naman iba ang dahilan kung bakit ito natawa. Masyado lang talaga siyang assuming.
Nakadalawang tasa pa siya ng kape bago tumayo at bumalik sa kanyang kwarto. At habang naghihintay ng elevator, naabutan siya ni Mr. Blue Eyes. So, silang dalawa lang magkasabay sa elevator?
“Hello,” binati ni Marcus ang babae dahil silang dalawa lang naman ang nasa elevator. Mukhang nagulat ang babae dahil sa kanyang kapreskuhan kaya ngumiti siya para dito.
Ilang beses siyang napakurap nang ngumiti si Mr. Blue Eyes sa kanya. Tahimik niyang tinanong ang Diyos kung bakit pinadalhan siya ng isang anghel? “Hi. Sorry pala kanina kung nahuli mo akong nakatitig sayo,” humingi siya ng dispensa sa kabastusang ginawa. OMG! Ngunit panandalian lamang ang kanyang tuwa dahil biglang may pumasok na seksing babae bago magsara ang elevator. Panira talaga ang bagong dating.
At habang paakyat ang elevator, napansin niyang panay ang pagsiksik ng katawan ng babae sa nakatayong lalaki kahit na malaki pa ang espasyo sa loob. She was flirting in broad daylight! Dahil sa inis ay nakalimutan niyang pindutin ang 19th floor. Magkasabay na lumabas ang dalawa sa 18th floor.
Bagsak ang kanyang mga balikat nang makarating sa 19th floor kasi first time pa niyang magka-crush sa isang lalaki, kasawian kaagad ang inabot niya. Nang makapasok siya sa kanyang silid, agad siyang humarap sa salamin at tiningnan ang sarili.
Masakit man aminin, pero walang-wala siya sa kalingkingan ng babae sa elevator kanina. Bago pa tuluyang malugmok sa kalungkutan, kinurot ni Daniella ang kanyang singit at pinagalitan ang sarili.
Bitbit ang kanyang pouch ay bumaba ulit siya. May mall sa ibaba ng hotel at mayroon din sa kabilang kanto. Magwi-window shopping muna siya. Sa dinami-rami ng mga turistang naka check-in sa Panda, imposible naman na walang magkakagusto sa kanya maski isa.
Pero wala talaga. Ni isa ay walang nangahas na lumapit sa kanya. At this rate, natitiyak niyang hindi na talaga siya makakahanap ng dyowa. Bumalik siya sa itaas na isang biguan.
Habang si Marcus ay hindi natutuwa sa ginawa ni Daniella. As per order kasi, kailangan niyang harangan ang sinumang lalaki na gustong lumapit sa babae. Nahirapan tuloy siya kanina sa dami ng lalaking gustong makalapit sa dalaga. Kung bakit ba kasi napakaganda nito at nagsuot pa ng seksing damit na lalong nagpapalibog sa mga kalalakihan – including him of course. Mabuti na lamang at natauhan ang babae at bumalik sa kwarto nito.
He made a mistake this morning when he followed her to the elevator. And it was late when he realized his error. Mabuti na lang at may pumasok na isa pang babae at lantarang nakipag-flirt sa kanya. He had no choice but to allow her advances or risk being caught on by Daniella.This time, he made sure that he was invisible to her beautiful eyes. But fate has a different plan for him.
“Hey, going somewhere?” Marcus waited for the right timing before he showed up near Daniella.
Nilingon ni Daniella ang lalaki at pasimple niya itong tiningnan ng masama. “Yes. Mag-isa ka lang yata, nasaan na ang girlfriend mo?”
“Hindi ko naman ‘yon girlfriend, eh. Actually, single pa ako at available din. Can I get your name, Miss Beautiful?” Alam ni Marcus na hindi kasama sa kanyang job description ang makipag-flirt kay Daniella pero type niya kasi ito. May kung anong katangian ang babae na hindi niya kayang ipaliwanag pero kaya nitong gisingin ang kanyang natulog na damdamin.
“Daniella Reyes, and your’s if you don’t mind?” Napansin na kaagad niya na magaling mambola si Mr. Blue Eyes, at naisip ni Daniella na subukan ang kanyang kakayahan na lumandi.
“Marcus Madrigal,” sabi niya at nagtaka siya sa kanyang sarili kung bakit ibinigay niya sa babae ang tunay niyang pangalan. “Ah, but you can just call me Marcus, Dani.”
Dani? Wow ha, feeling close lang kumag! She became uncomfortable when he called her Dani because nobody called her that! However, she loved it how he pronounced her new nickname, and Daniella smiled at Marcus. “Hmmm, Marcus suits you. Para kang mandirigma sa nakaraan at gusto ko ang kulay ng mata mo.” sabi niya.
Dapat sana ay mag-enjoy lang siya sa HK ngunit nang makilala niya si Mr. Blue Eyes ay nagbago ang kanyang plano. Buo na ang kanyang desisyon pagdating kay Marcus Madrigal. Anyway, halata namang malibog ang lalaki kaya sigurado siyang hindi to magrereklamo sa kanyang gagawin.
Marcus wasn’t surprised at her bluntness. Well, ma-shock siguro siya kung nagbait-baitan ito sa kanya. “I like your honesty,” sabi niya ngunit parang may mali kay Daniella, hindi lang siya sigurado kung ano ‘yon.
Ngumiti si Daniella at binigyan ng calling card si Marcus. “So, friends na tayo? Tawagan mo lang ako kapag kailangan mo ng kausap, naka-roaming ang number ko.”
Nadismaya si Marcus sa ipinakita ni Daniella. Napaka-arogante ng dating lalo na ng tiningnan siya nito mulo ulo hanggang paa. Did she just looked down on him? Ang paraan ng pagbigay nito ng calling card ay parang siya na ang magaling at mayaman sa lahat. “Hindi ko kailangan ng kaibigan Dani, ngunit kung kaya mo akong paligayahin sa kama, welcome kang puntahan ako sa aking silid kahit anumang oras.” Nang mapansin niya ang pagtiimbagang ng dalaga ay lihim na natuwa si Marcus.
“Ganun ba? See you around then,” sabi ni Daniella dahil kahit isa itong babaero ay wala siyang pakialam. Katawan lang ng lalaki ang kanyang kailangan! Nang magbukas ang elevator ay sabay na silang pumasok at nauna na siyang pindutin ang kanyang floor number at saka tinanong ang lalaki. “What floor?”
“Nineteen,” sumagot si Marcus.
Pareho sila ng floor? Nagkibit siya ng balikat ngunit bigla siyang may naisip na isang magandang ideya at hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon at kaagad na isinagawa ang kanyang plano. “Oh no,” she massaged her head and tightened her hold at the handrail.
Nang marinig niya ang kakaibang boses ng lalaki, kaagad niya itong tiningnan at nanlaki ang kanyang mga mata nang mapansin niya na para itong matumba. “Okay ka lang?” Tinanong niya si Daniella ngunit na ito nakasagot nang mawalan ito ng malay. Nang makarating sila sa nineteenth floor, kinarga ni Marcus ang babae palabas sa elevator at nagpasalamat siya na magkatabi sila ng silid. Gamit ang isang kamay ay binuksan ni Marcus ang bag ng babae at kinuha ang card key nito.
Nagtaka si Daniella kung bakit alam ni Marcus ang kanyang room number. Inakala niya kanina na dadalhin siya nito sa silid ng lalaki. Kaya lang, hindi pa siya pwedeng magsalita dahil sa paningin ni Marcus ay wala siyang malay.
Nang makapasok si Marcus sa silid ni Daniella, kaagad niyang dinala sa kama si Daniella upang mahiga ito, at kaagad niyang minasahe ang mga daliri nito. Nalipasan kaya ito ng gutom? O baka naman may sakit ito?
Ang paraan ng pagmasahe ni Marcus sa kanyang kamay ay sobrang masakit at hindi niya ito kayang tiisin kaya napahiway siya sa sakit. Mahina siyang umungol upang panindigan ang kanyang pagdadrama.
“Sa wakas ay gising ka na, ano’ng nangyari?” Tinanong ni Marcus ang babae. “Okay ka lang ba?” dagdag pa ni Marcus sa nag-alalang boses.
“Okay lang ako, salamat.” Sumagot si Daniella.
“Mabuti naman kasi may gagawin pa ako,” sabi ni Marcus at saka ito tumayo at naglakad papunta sa may pintuan.
Nagpanic si Daniella nang makitang paalis na ang lalaki. Ni hindi man lang ito nag-attempt na halikan siya o kahit hawakan man lamang! Mabilis siyang bumangon at patakbong sinundan si Marcus. Bago pa nito nabuksan ang pintuan, naabutan niya ito kaya hinarang niya ang lalaki na umalis. Sandali lang naman ang kailangan niya, eh. “Aalis ka na? Hindi pa nga kita napasalamatan ng maayos,” sabi ni Daniella.
“Okay lang. By the way, ang galing mong umakting,” sabi ni Marcus, at napangiti siya ng mawalan ng kulay ang pagmumukha ni Daniella.
So he knew and yet, he stayed mum and didn’t react. Plan A has failed and for sure, she would never have a second chance to be this close to him! “Actually, mas magaling ka nga eh, kasi napansin mo ‘yon. Sandali lang ha, may ibibigay lang ako.” Sabi ni Daniella at nang tumango ang lalalaki, nagtungo siya sa mini-fridge at kinuha ang bote ng wine na binili niya kagabi.
“Wine?” Napakunot ang noo ni Marcus nang makitang may bitbit na wine si Daniella. Ngumiti siya at hinintay na ibigay ito sa kanya.
“Salamat ha, at sana ay mapatawad mo ako.” Sabi niya at mas lalong kumunot ang noo ng lalaki. Matamis siyang ngumiti rito upang ma-distract ito, at bago pa nakahuma si Marcus, malakas niya itong hinampas sa batok. Bumagsak sa sahig sang katawang ng lalaki at tinakpan ni Daniella ang kanyang bibig nang makita itong nakahandusay.
She bent her body and placed a finger below his nostrils to know if he was breathing. Delikado ang kanyang ginawa kanina at pwede iyong ikinamatay kapag hindi magawa ng maayos. Nang makumpirma na buhay pa ang lalaki, hinatak niya ang katawan nito papunta sa kama, kaya lang ang bigat ni Marcus. Pinagpawisan ang kanyang kilikili sa kanyang ginawa pero hindi niya kinaya na pahigain ito sa kama kaya hanggang sa sahig lang ito.
Bago pa ito magising, mabilis na kumilos si Daniella upang itali ang mga kamay at paa ng lalaki. “I’m sorry,” muli siyang humingi ng paumanhin sa lalaking walang malay bago niya kinuha ang mga biniling leash para sa kanyang aso na si Sky at maingat na itinali ang mga kamay ng lalaki at pati na rin ang paa nito. Ipinasuot rin niya kay Marcus ang nabiling pet cone para kay Sky upang hindi nito makita ang kanyang pagmumukha kapag gagawin na niya ang bagay na ‘yon!
Disoriented si Marcus nang magising siya. Nasaan siya? Sinubukan niyang bumangon pero hindi niya magawa. Bakit? May sakit ba siya?Saka lang niya napansin na nakagapos ang kanyang mga kamay at paa. At may suot pa siyang kung ano ngunit wala siyang makita kundi ang putting kisame. Para siyang isang injured na aso o pusa sa kanyang hitsura. Mabuti pa ang isang aso kapag injured dahil hindi naman nakagapos. Sino ang pangahas na gumawa nito sa kanya?
"Hi Marcus, mabuti at gising ka na pala.” Binati ni Daniella ang kanyang guest.
Nagulat si Marcus nang biglang tumambad sa kanyang mukha si Daniella Reyes. Then he remembered everything. Ang lakas ng loob nitong hampasin siya ng bote kanina at hindi pa ito nakuntento, iginapos pa ang kanyang mga kamay at paa. Pero bakit? "What do you want from me?" tiim-bagang siyang nagtanong sa dalaga.
"I want your baby,” she announced.
"What? Are you crazy?" dumadagundong sa buong silid ang boses ni Marcus dahil sa kanyang narinig. Anong akala nito sa kanya?
"Of course not! Pakipot ka pa, eh baby mo lang naman ang gusto ko.” Sabi ni Daniella.
Marunong ba itong magbasa ng kanyang isip? Kaya siguro higit na ipinagbabawal na may lalaking makalapit sa babae dahil isa itong baliw. How could she ask for a baby from a complete stranger? She's a lunatic! "You're crazy!" sinigawan niya si Daniella habang pilit na kumakawala sa bagay na iginapos nito sa kanya.
"Nope, desperada lang talaga akong magka-anak.” Hindi na nahiyang umamin si Daniella sa totoo total hindi naman sila magkakilala at imposible na magkita silang muli sa Pilipinas.
"Pero bakit ako?" mukhang seryoso nga ang dalaga. Pero hindi niya pa rin maintindihan kung bakit siya ang natipuhan nito. At bakit kailangan pang magpunta ito sa Hong Kong? Marami namang lalaki sa Pilipinas.
"I like you. You're perfect to be my child's father. You can only blame yourself when you tried to flirt with me,” she said.
No, he couldn’t allow her to use him the way she wanted to! Ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi niya aanakan ang sinumang babae. Dahil kung magkataon, mahihirapan siyang iiwanan ito. At baka may mangyari na namang masama sa magiging mag-ina niya, katulad ng dati. "Teka, hindi ka naman pangit. I'm sure na maraming mga lalaki diyan ang naghangad na maangkin ka at mapangasawa. You don't have to do this!" he tried to persuade her but when he looked into her eyes, he saw her desperation, fear, and distress. Marcus, stop it. Wala ka sa posisyon na tumulong sa kanya. Kailangang makatakas ka, or else!
"Nice try, mister. But no, I'm running out of time and I need you now. Fertile ako ngayon kaya sigurado akong mabubuntis kaagad. I'm sorry but I have to detain you here for the meantime,” humingi siya ng paumanhin kay Marcus.
"Hindi pwede! May trabaho akong tao." pagdadahilan niya. He realized that the most dangerous person was a crazy woman!
"It's okay. How much is your monthly salary? I'll pay you ten times or twenty times. Magkano ba ang gusto mo?" tanong nito sa kanya.
"Hindi ko kailangan ang pera mo. Pakawalan mo ako dito o ipapapulis kita!” Binalaan ni Marcus ang babae.
"Hmmm, I can't let you do that." Sabi ni Daniella.
Nanlaki ang kanyang dalawang mata nang dumungaw sa kanya si Daniela at wala itong suot na pang-itaas. “Ano’ng balak mo?” Tumaas ang kanyang boses habang sinubukan na makawala mula sa tali. "No! Pag-isipan mong mabuti ang iyong gagawin, Dani. Hindi ka ba mahihiya kung magpang-abot tayo sa korte? Pagpipyestahan tayo ng mga media dahil bihira lang ang ganitong kaso."
Inismiran lang ni Daniella ang sinabi ni Marcus dahil wala siyang pakialam. Isa pa, hindi ito gagawin ng lalaki. "I'll cross the bridge when I get there, mister. Now, stay and don't move."
Talaga ngang nahihibang na si Daniella Reyes. Pero teka, hahayaan na lang ba niyang sirain nito ang kanyang pagkatao at p*********i? He's one tough guy and he was a seasoned mercenary. Sigurado siyang matatakasan niya ang isang baliw na gustong pagsamantalahan ang kanyang p*********i.
Nababasa ni Daniella ang nasa isip ni Mr. Blue Eyes. Balak nitong tumakas. She just shrugged of her shoulders. Well, he could try his best to untie himself but he would only be frustrated in the end.
"What do you think you're doing?" tinanong ni Marcus si Daniella.
"Obvious ba? Syempre, huhubarin ko itong mga suot mo para makapagsimula na tayo." Kung naririnig lang siya ng kanyang ama, siguradong kakalbuhin siya nito. Pero hindi naman talaga siya Maria Clara. Oo nga at parang pang Maria Clara lahat ng mga damit niya pero ginawa lang niya iyon upang mapasaya ang kanyang ama. Dapat kasi ay hinubaran muna niya ito bago itinali. Hindi na sana siya mahihirapan. Pero naisip din ni Daniella na maigi na rin yong sisirain niya ang damit nito upang huwag nang mangambisyon na tumakas pa. Unless, makapal talaga ang mukha nito at kayang maglakad sa labas na nakahubad.