Nagkamali si Jessica ng akala dahil inisip niya na aalis si Bettina pagkatapos ng agahan. Gusto niyang ipamukha sa babae na kung may delikadesa pang natira sa kanyang katawan, ito na mismo ang kusang aalis dahil nasa honeymoon period pa sila ni Samuel.
Nainis siya sa lola ni Sam dahil ipinilit nitong mag-stay na muna sa hacienda si Bettina ngunit mas lalo siyang nainis sa lalaki dahil hindi nito sinaway ang kanyang lola. Paano mag-work out ang kanilang relasyon kung nasa hacienda rin ang ex nito?
Sa sobrang inis nya ay hindi niya pinansin ang pagtawag sa kanya ng matanda. Pumanhik siya sa itaas at nag-empake! Nang matapos siya ay nagpa-assist siya kay Nanet sa paglipat ng kwarto. Kung akala ni Sam ay titiklop na lang siya at iiyak sa isang sulok, pwes nagkakamali ito. Ngayon pa ba siya maging meek and demure?
Nunca!
Sa pinakadulong kwarto siya dinala ni Nanet dahil iyon na lang ang bakante sa ngayon. Tig-isang kwarto kasi ang inokopa ng mga kaibigan ng asawa niya pati na rin ang soon to be kabit nito na si Bettina.
“Ano'ng ibig sabihin nito?” Sumigaw si Samuel.
“Alin? Ang paglipat ko ng silid? Ah, ganito kasi ‘yon, hanggang sa hindi mo madispatsa yang kerida mo, we're not going to share a room. Entiendes?”Patuloy pa rin ang pagmamaldita ni Jessica.
“You're overacting as a wife, dear. Oo, asawa nga kita pero pansamantala lang ‘yon, kaya sana wag mo akong pangunahan sa mga gagawin ko.” Ni-remind ni Sam ang babae na may hangganan ang kanilang pagsasama. As much as he wanted their relationship to work out for the best, he couldn’t allow her to mistreat anyone in the family especially his grandmother.
Nasaktan si Jessica sa mga salitang binitawan ni Sam. Alam niya naman na temporary lang ang lahat pero kailangan pa talaga nitong sabihin sa kanya ng harapan? Nag-assume pa naman siya na may patutunguhan ang kanilang pagsasama. Naging mabait naman ito sa kanya nitong mga huling araw. Nag-assume pala siya sa wala. Lesson learned, huwag mag-assume upang hindi ma-disappoint.
“Pero Sam, you made love to me ng paulit-ulit. Wala bang ibig sabihin ‘yon para sayo?” Humirit si Jessica.
“As your husband, I expect you to be ready in bed anytime I want to have s*x with you.” Sam stated.
“Pasensya ka na at nakalimutan ko. I'm sorry. But I hope that it's not too much for you to be discreet in your affairs.” Halos maiyak siya habang sinasabi iyon sa lalaki pero puputi na muna ang uwak bago siya iiyak sa harapan nito kaya pinigilan niyang tumulo ang kanyang mga luha.
“Okay, and I'll expect the same from you.”
Days passed by slowly for a woman with a broken heart. Hanggang sa dumating ang araw na kinatatakutan niya. Hindi siya dinatnan ng kanyang monthly period at alam na niya ang ibig sabihin no’n.
Tuwing umaga ay naduduwal siya at puro laway ang ang lalabas. Tapos, madali na siyang mahilo, lalo na kapag mainit ang panahon. At hindi na siya basta basta nakakakain ng kahit ano. Ayaw niya ng rice dahil hindi niya gusto ang amoy nito. She craved for Jollibee’s chickenjoy pero hindi niya makain iyon dahil nasa probinsya sila at hindi abot ng delivery. Nagiging emotional din siya at moody. Nahihilo siya kapag nakaamoy ng perfume. At ang pinakamalala sa lahat ay namutla siya at pumayat.
For the meantime ay itinago muna niya sa lahat na buntis siya at pinilit niyang makipag-ayos sa matanda habang hindi umuwi ang asawa. Naisipan ni Jessica na kailangan niya ang approval ng matanda upang magkasundo silang lahat sa bahay.
“Lola,” kinibo niya ang matanda nang magpang-abot sila sa terrace upang magpahangin.
“Don't call me that. Kahit kailan ay hindi kita matatanggap para kay Sam!”
“You see, I just want to make peace with you para wala na tayong problema dito sa bahay.” Nagpaliwanag si Jessica.
“Really? Kung ayaw mong magkaproblema tayo dito ay umalis ka!” sinigawan ni Crisilda si Jessica.
Dahil sa narinig ay hindi na nakayanan ni Jessica ang magtimpi pa. Sobra na.”Kahit ayaw mo pa sa akin,hindi pa rin magbabago ang katotohanan na asawa ako ni Sam.”
“Walang modo ka talagang babae ka!” Sumigaw si Crisilda at malakas na sinampal si Jessica.
Halos matanggal ang mga ngipin niya sa gilagid nang dumapo ang kamay ng matanda. Gusto niyang gumanti, pero hindi niya magawa dahil hindi naman siya ganun kasalbahe. “Next time na sasampalin mo pa ako, magsisisi ka.” Sabi niya bago iniwan ang matanda sa terrace.
Umulan ng malakas ng gabing yon. Ayon sa balita, may LPA daw, and it was that night when Samuel came home, with another woman. Bumaba siya upang kausapin ang asawa. Hindi na niya matiis na balewalain pa siya nito dahil una sa lahat hindi naman siya ang nagpumilit na magpakasal silang dalawa. Although, may kasalanan siya kung bakit humantong sila sa kasalan.
“Jess, hindi ka man lang ba mag-effort para makasundo ang Lola?” he asked without preamble. “I want the truth now, totoo bang lahat ng sinasabi ni Lola Crisilda?” Napansin ni Sam na parang pumayat si Jessica at maputla. Gusto niya itong kamustahin pero hindi naman pwedeng baliwalain na lang ang mga sumbong ng kanyang abuela.
“Kung may tao man na higit na nakakilala kay Lola Crisilda ay ikaw yon.” Pagod na siyang ipagtanggol ang kanyang sarili kay Samuel.
“Pero ikaw ang tinatanong ko Jess, kung totoo bang lahat ng binibintang niya sayo?” Mahirap para sa kanya na pumagitna sa dalawang babae.
“Kung sasabihin ko bang nagsisinungaling ang lola mo, maniwala ka ba sa akin?” Hindi siya sinagot ng lalaki. ”Sabi ko na nga ba, walang patutunguhan ang usapang ito Sam kapag tungkol sa lola mo. But wait, bakit hindi si Bettina ang pag-uusapan natin?”
“At anong kinalaman ni Bettina dito?”
“Kailangan ba talagang dalhin mo rito ang kabit mo? I told you to be discreet on your affairs!” she shouted at him.
“Discreet, big word isn't it? Kaya ba hindi ko nalaman kaagad na nakipagsabwatan ka sa ninong mong abogado?” Nakita ni Sam na mas lalong namutla ang babae at kahit hindi ito magsalita, nakumpirma niya ang totoo. She tricked him into marrying her! Akala ba ng babae ay habang buhay siya nitong maloloko? “You manipulated me into marrying you, you scheming b***h!”
“Sam, I'm sorry. Ginawa ko lang yon dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo. Ayokong mawala ka sa akin!” She reasoned out pero hindi natinag ang asawa sa kanyang sinabi. Sam, with all his scowls and heated looks, had never looked at her with such violent loathing. “Alright, it's my fault. I planned to trap you and I did, now both of us are paying for my mistakes. But Sam, we're already married and we just have to make the best of it.” Pahayag ni Jessica.
“Talaga?” hindi makapaniwala si Sam sa sinabi ni Jessica. How could she be so proud of her mistake?
Naramdaman ni Jessica na unti-unting bumigay ang resolusyon ni Sam at iyon ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob upang yakapin ito. He flinched, and she sighed softly as she looked up at him. “Can we ...can we just forget the past and start again...tonight?”
His jaw went taut and his body stiffened. Hinawakan niya ang dalawang balikat nito at itinulak si Jessica. “The very touch of you, disgusts me, Jessica. Just leave me, please!”
Inamin ni Jessica na nagkamali siya kaya humingi na siya ng tawad sa lalaki. Hindi pa ba sapat yon? Nagdadalantao siya, pero hindi niya masabi sa asawa dahil galit ito sa kanya. “Hindi ko na kaya ito,” sabi niya kay Sam at tumakbo siya pababa ng hagdanan. Nakasalubong niya si Bettina sa koridor ngunit hindi pinansin ang babae. Narinig niyang tinawag siya ng babae ngunit hindi niya ito pinansin at dumiretso siya sa hagdanan.
“Jessica, sandali lang!” Tawag ni Bettina at hinawakan ang babaeng parang nawala sa kanyang sarili. “Oh my God!” Napasinghap niya nang hindi niya sinadyang maitulak ang babae at pagulong-gulong itong bumagsak sa may hagdanan. Nanlamig ang kanyang buong katawan dahil sa nasaksihan pero hindi niya naman sinadya ang nangyari.
She was blinded by tears and lost her footing, she thought. Hindi na niya naramdaman ang sakit sa katawan nang bumagsak siya ngunit kaagad niyang hinawakan ang kanyang tiyan at awtomatikong napaiyak sa posibleng nangyari sa kanyang ipinagbubuntis. Ano’ng ginawa niya? Hinayaan niyang may mangyari sa kanyang anak dahil kay Samuel at hinding-hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili sa nangyari.
“I’m sorry, baby. I’m sorry,” paulit-ulit niyang sambit sa mahinang boses bago siya nawalan ng malay.
Nang magising si Jessica ay nasa ospital na siya at nang maalala niya ang nangyari, kaagad niyang dinama ang kanyang tiyan. “Ang baby ko,” sabi niya. Nang lumapit ang doctor sa kanya, nakiusap siya na huwag ipaalam kay Samuel ang tungkol sa kanyang ipinagbuntis. “Marami na siyang iniisip sa ngayon at ayaw kong madagdagan pa yon,” nagsinungaling siya.
“Sige po, Misis. Magpahinga na muna kayo,” sabi ng doctor.
Nang umalis ang doctor, nagtaka si Jessica kung si Sam ba ang nagdala sa kanya sa ospital o isa sa mga katulong. Bumalik sa kanyang isipan kung paano siya nito tiningnan matapos nitong makumpirma na peke ang liham na natanggap nito mula sa kanyang ama.
Muling bumukas ang pintuan at nakita niyang pumasok si Sam. Ngumiti ito sa kanya ngunit wala siyang sapat na lakas upang makipagmabutihan sa kanya. Galit siya sa lalaki dahil muntikan na siyang makunan kagabi!
“I'm sorry about the baby,” sabi ni Sam at hinawakan niya ang kamay ng asawa.
Teka, hindi ba nito alam na muntik lang siyang nakunan? Sabi ng doctor ay nakausap na niya ang lalaki. Di bale. Siguro hindi narinig ni Samuel ang salitang “muntik” kaya nag-assume itong nakunan nga siya. Well, sa taas ng ibinagsak niya kagabi, posible naman talaga na makunan siya. Hindi siya sumagot at tumingin sa kabilang bahagi ng slid.
“Jess, dapat sinabi mo sa akin ang kalagayan mo.” Dagdag pa ni Sam.
Nainis siyang humarap sa lalaki dahil sa tono ng pananalita nito na parang sinisi siya sa lahat. “Paano ko sasabihin? Binigyan mo ba ako ng pagkakataon?”
“Maraming pagkakataon Jess,” sabi ni Sam.
“It doesn't matter anymore. I'm tired, just leave me please.” Then, she closed her eyes, feigning to be asleep. Nang umalis ang lalaki, nakabuo siya ng desisyon para sa kanilang dalawa ng magiging anak niya.