Na-bwisit si Daniella nang ipamukha sa kanya ni Marcus na kailangan na niyang maligo. Pwes,magtiis ito dahil paninindigan niya ang kanyang sinabi kagabi na once a week lang siyang maligo. Kung ayaw nito ang kanyang amoy, eh di takpan niya ang kanyang ilong! Ang arte-arte! Taas-noo siyang bumalik sa kusina at naabutan ang lalaking hinango mula sa kawali ang niluto nitong cornedbeef. Tiniis na lang niya ang amoy ng bawang. "Eh, next week pa kasi ang schedule ko na maligo.” Sabi niya sa malakas na boses. "Are you serious?" Talaga bang burara ito? Inakala niyang nagbiro lang ang babae kagabi. "Yup. Now, please excuse me. I need to prepare my breakfast," sabi ni Daniella at kumuha siya ng isang tasa ng malagkit at pinakuluan ito. Naglabas din siya ng ilang piraso ng Guilang's tableya galin