Kinabukasan, katulad nang palagi kong ginagawa ay maaga akong gumising at nag ayos ng aking sarili. Pagkatapos ay pumunta na kaagad ako sa kusina upang magsaing at pagkatapos ay nagluto ng ulam. Nakalimutan ko pala sabihin kahapon kay Sir Grayson na ako na lang ang bibili ng mga kakailanganin dito sa bahay niya. Katulad ng mga pagkain. Tutal ay ako naman ang nakakaalam ng mga meron at wala rito sa bahay niya. Nang matapos akong magluto ng ulam ay naisipan kong mag sangag ng kanin. Ako lang naman siguro ang kakain nito dahil mukhang hindi naman gusto ni Sir Grayson ang mga ganitong luto kaya kaunti lang ang sinangag ko. "Good morning." Napalingon ako kay Sir Grayson nang magsalita siya. Nakabihis na siya at handa ng umalis. "Good morning." Balik na pagbati ko sa kanya at bumalik ang ti