Pagsapit ng hapon ay agad na akong naghanda ng lulutuin kong sisig at adobong manok. Ito na lang ang natitira sa ref na pwedeng lutuin. May roon namang naghahatid ng mga grocery dito sa bahay ni Sir Grayson. Pero paubos na kasi ang mga pinamili niya at hindi pa siya muli nakapunta rito para maghatid ng mga grocery. Baka nakalimutan niya. Kaya mamaya ay magpapaalam ako na ako na ang bibili ng mga pangangailangan dito sa loob ng bahay. Ang una kong lulutuin ay ang sisig. Kaya sinimulan ko ng hiwain ang baboy nang maliliit. Pagkatapos ay nag sliced din ako ng siling haba at ang iba pang sangkap para sa lulutuin kong sisig. At habang niluluto ko na ay naaamoy ko ang masarap na amoy kaya bigla akong nagutom. Isa ito sa pinaka paborito kong pagkain. Lalo na kapag maraming sili. Nang matapo