Isang malaking katangahan ang nagawa ni Isla. She gave her virginity to a stranger and left the club absent-mindedly. Nawala sa isip niya ang sabi ng estranghero na may taong kakausap sa kanya para asikasuhin ang 5 million na sinabi niyang kapalit ng pagbibigay niya ng katawan.
She felt so low and dirty and stupid!
Nagpakalasing siya at nakipag-s*x sa estranghero. At wala man lang siyang naiuwi ni singkong duling. Malay ba niya kung totoong may planong maglabas ng limang milyon ang lalaking iyon o baka plano lang talagang tikman siya. Limang milyon din iyon! Sino ang tangang maglalabas ng ganoon kalaking halaga para sa isang gabi lang? Sa malamang, inuto lang talaga siya nito.
She recalled the man’s face. Ubod ng guwapo ang lalaki. Mestizo. Hindi na nakapanghihinayang na nadonselya siya nito. Totoo rin namang nasarapan siya. Lasing siya pero malinaw sa utak niya ang nangyari nang gabing iyon. Ipagtitirik na lamang niya ng kandila ang napunit niyang dangal.
Kung babalik naman siya ng Club Axis, baka isipin nito na may plano siyang maghabol. Ayaw na niyang ibaba pa lalo ang sarili niya. She should move forward. Iyon na lang ang dapat gawin.
Sana lang ay hindi siya magdalangtao. Sa tingin niya ay hindi naman magbubunga ang nangyari sa kanila. She remembered that he squirted his semen on her stomach.
Nakahinga nang maluwag si Isla. Nagbihis na siya para pumasok sa trabaho. Horrifyingly, she was also an employee of Sandrid Ventures. Bago pa man mag-propose sa kanya si Marcus, nagdesisyon na siyang subukang mag-apply sa Sandrid. She was on the real estate side of the business. Ganoon din ang lalaki. Real estate agent siya, supervisor naman ang nobyo sa kabilang team.
Huminga siya nang malalim at kinuha ang long mailing envelope na naglalaman ng kanyang resignation letter. Ayaw na niyang makita pa si Marcus. He’s married now to her snake of a bestfriend.
Pagtapak na pagtapak palang niya sa lobby ng Sandrid ay pinagtinginan na siya ng mga tao. Nagbulungan ang iba sa mga ito.
Hah!
Pinag-uusapan ng mga ito kung paano siya ipinagpalit ng kanyang long-term boyfriend sa ibang babae na pinakasalan nito kaagad kahit na siya ang pinangakuang ihaharap sa atlar.
She wanted to vomit. She felt no love for Marcus now. Kung kakapain niya ang dibdib ngayon, galit lang ang nararamdaman niya.
She stepped inside the elevator. Walang ibang tao. Magpapasalamat na sana siya kung hindi lang biglang sumulpot si Marcus at sumakay din ng elevator. The doors of the lift were installed with mirrors. Kitang-kita niya tuloy ang pagngisi ng lalaki. Ang pagkakaalam niya ay nag-file ito ng leave. For the honeymoon, of course. Hindi niya nabalitaang nakabalik na pala ito.
“Kumusta ka na, Isla?”
Hindi siya nagsalita. Pinili niyang ignorahin ito.
“You’re obviously bitter about how things ended between us.”
Ang kapal naman ng mukha mo! muntik na niyang ihiyaw sa pagmumukha nito. Imbes na mag-sorry ay pinagdiinan pa talaga nito ang paghihiwalay nila. Bakit ba hindi niya nakita noon na masama ang ugali nito? Sampung taon din iyon. Nabulag siya nito sa loob ng sampung taon.
“The s*x with Frida was mind-blowing, you know.”
Napatingin siya kay Marcus. Lumabas din sa labi nito. Mas pinili nito si Frida dahil ayaw niyang makipagtalik dito. Kung natuloy ang kasal nila, hindi naman niya ipagdadamot ang bagay na iyon kay Marcus. Pero nainip ito, nagalit marahil.
“I hope your hymen can make you happy,” patuloy ni Marcus.
Nakuyom niya ang kamay. Kahit na naghiwalay sila ni Marcus at nasayang ang sampung taon ng buhay niya rito ay hindi siya nagsisising hindi niya ipinagkaloob ang katawan dito. If she were to turn back time, ibibigay niya pa rin ang sarili sa estrangherong nakilala niya sa Club Axis kaysa ibigay ang katawan sa dating nobyo.
“You can be my mistress, Isla. Sa ganoong paraan, makakasama mo pa rin ako.”
“Sino ka ba sa tingin mo? Ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo.”
“Alam ko namang mahal mo pa rin ako. And I must admit, gusto pa rin naman kita.”
Hinayon niya ng tingin ang lalaki mula ulo hanggang paa saka pinukol ito ng hindi makapaniwalang tingin. Ito ba talaga ang lalaking minahal niya? He used to be so sweet and caring.
“Naririnig mo ba ang sarili mo? Makita ko lang ang pagmumukha mo, nasusuka na ako. Please lang, huwag na huwag mo na akong kakausapin ulit, tapos na tayo.”
Mabuti na lang at bumukas na ang pinto ng elevator. Wala siyang sinayang na segundo at humakbang agad palabas. Dinig na dinig pa niya ang halakhak ni Marcus.
“If you change your mind, just call me!” pahabol nito.
Nagkiskisan ang mga ngipin niya pero hindi siya nag-abalang lingunin pa ang lalaki. How the heck did Marcus turn into a monster? Naging ibang tao na ito.
Pagdating niya sa opisina ay pinagtinginan siya ng mga katrabaho niya.
“Kawawa naman.” Narinig niyang sabi ng isa.
“Mas bagay naman talaga si Sir Marcus at Ms. Frida. Parehong mayaman at nanggaling sa kilalang mga pamilya.”
“Baka napagsawaan na kasi kaya naghanap ng bago. Nalaspag na siguro. Ten years ba naman. Kaya siguro naghanap ng sariwa.”
She clenched her fists. Nagtitimpi lang talaga siya. Alam niyang maraming naiinggit sa kanya noong sila pa ni Marcus. Pero siya ang biktima rito. Hindi niya maintindihan kung bakit may mga kumakampi pa sa walang kuwentang lalaking iyon.
Hawak ang resignation letter ay nilapitan niya ang kanilang bisor. Nasa early 30s lang ito. He was also charming. “Sir Ethan, good morning. I am formally submitting my resignation letter today.”
Napatingin sa mukha niya ang lalaki. “Because of Marcus?”
“No, Sir. I would like to pursue a different career.”
“Maupo ka muna, Isla.” Iminosyon nito ang upuan. “Ang totoo niyan, noong isang araw pa talaga kita gustong kausapin. Your performance is below Company standards. I’ll be very frank with you, you are a disaster in this field.”
Napayuko siya, nag-iinit ang mga mata. Aminado naman siya, hindi talaga siya magaling kumumbinsi ng tao.
“Why did you apply here in the first place? Dahil kay Marcus ba?”
Tumango siya. There was no use in denying it.
“I can see so much potential in you, Isla. You are smart and brilliant. Mali lang talaga ang trabahong pinasok mo. Listen, I reviewed your resume. You’ve completed a 4-year degree course - Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management. Summa c*m laude.”
Patuloy lang siyang nakinig.
“Nagbitiw na sa trabaho ang Manager ng Housekeeping department. I want you to try and apply for the position. The management has opened the position to all employees. Your academic background is impressive. Kulang ka lang sa work experience. I believe your relationship with Marcus has held you dull and sluggish for a long time."
Totoo iyon. Maraming oportunidad ang pinakawalan niya dahil kay Marcus. He didn't even want her to work overseas. Gusto raw nito na magkasama lang sila palagi. Dahil tanga siya, naniwala siya rito. She was so ready to devote and spend her whole life with him. Sa huli pala ay basta na lamang siyang iiwan nito.
"Ipinadala ko na sa HR ang resume mo at ang recommendation letter.”
Namilog ang mga mata niya. “Sir Ethan, managerial po ang posisyong sinasabi mo. I don’t think I am capable of assuming the role of a manager at this point.”
“I beg to disagree, I think this is the best time for you. Para hindi mo na maisip ang mga nangyari. Keeping your head busy is the most effective way to forget.”
Sabagay tama naman ito. Pero kakayanin ba niya?
“Go home, Isla. You don’t look well. Magpahinga ka. HR will contact you anytime within the week.”
Wala siyang nagawa kundi ang tumango na lang.
_____
NATATANAW ni Alpheus ang mga nagtatayugang gusali mula sa marangyang opisina niya. His office was one if not the biggest of all offices of the CEO from different companies in Asia. His office occupied the entire two floors of the tallest building in the city. Ang gusali ay pag-aari rin ng pamilya nila.
He sat on his chair made of authentic leather and carefully sipped his coffee. Lumilipad ang isip niya sa babaeng nakasama niya sa Club Axis. She was the first woman who had awakened his interest.
Alpheus was a very hard man to please. Lalo na sa babae. He was not easy to arouse. Nang lumapit sa kanya ang babae at mainit siyang hinalikan sa labi, nagulat siya sa naging reaksyon ng katawan niya rito. His insides quivered so hard he barely controlled himself from devouring the woman right at that very moment.
Aaminin niya, he enjoyed her little body too much. Ano kaya ang ginawa nito sa limang milyon? Huminga siya nang malalim. Wala na siyang pakialam kung saan man nito gustong gamitin ang pera. It was her money now. Did she take it? For sure. Kung hindi ay nag-report na dapat sa kanya ang taong inutusan niyang magbigay ng pera rito. Or, she would have come back screaming at Club Axis if she didn’t get the money.
Kung tutuusin ay napakalaking pera ng limang milyon para sa isang gabi lang. At isipin pang isang beses niya lang itong inangkin. Pero kagaya nga ng sinabi niya, hindi niya pinanghihinayangan ang limang milyon. Maliit na halaga lang iyon sa kanya at sa makapangyarihang angkang pinagmulan niya.
Ang magiging problema niya ay ang estado ng babaeng ikinama niya. She was a hooker. A very expensive hooker. It pleased him though that he was her first customer. But their paths shouldn’t cross again. He didn’t know a single thing about her. What if she was a gold digger? Paano kung gamitin nito ang namagitan sa kanila para manghingi pa ng pera?
Of course, she wouldn’t stand a chance. Sa kulungan ang kababagsakan nito. Still, he didn’t want to go through all that hassle. It was better to prevent than resolve.
Pinatawag niya ang head of the security unit.
“Yes, Sir?”
“Kyle, check the CCTV footage in Club Axis.” Ibinigay niya rito ang eksaktong petsa at oras. “The woman I was with that night, get a clear copy of her image and make sure she does not come anywhere near me, you understand?”
“Yes, Sir.”
Nang maiwang mag-isa ay muli niyang naalala ang magandang mukha ng babae. And his gut tightened just by thinking that another man would hold her like he did. Possessiveness surged in his pupils. It was insane.
Hindi pa niya kailanman naramdaman ang ganoong pakiramdam. He was always not interested and aloof.
To his friends and acquaintances, he was mysterious. A paragon of neatness and efficiency. Pero ang sarili lang niya ang nakakaalam kung ano talaga siya.
He can be really cold-blooded.