CHAPTER 4

870 Words
Some of the most beautiful days come completely by chance, but even the most beautiful days have their sunsets.   * * * * * *      Lexie       NATAPOS ko din sa wakas lahat ng inventory ko. I went into the beyond - tiny office behind the restaurant. Pagpasok ko pa lang nakita ko na ang mga naka-piled up na mga papel at mga bills. Napabuntunghininga na lang ako.       "Ang dami ko pa palang gagawin." I murmured. Habang lulugo-lugo akong napaupo at umpisahan ang mga dapat tapusin. Ilang oras pa ang nakalipas, napainat ako at napahikab, as I looked at the wall clock, almost two hours na pala din akong nakaupo dito.       "Tired, boss?" Jairus said from the doorway.       Nagulat akong makita siya dito sa restaurant. Mula kasi ng matapos ang burol at libing ni Uncle Rick. Hindi kami nakapag usap. Para bang, nagkaroon kami ng mutual decision na isang-tabi muna namin ang hindi namin napagkakasunduan at suportahan muna namin ang aming mga kaibigan.       Nakaka-miss din yung ginagawa ni Jairus for me, yung halos halughugin niya yung buong Pilipinas makita lang ako. At kahit nung umalis ako after na mailibing si Uncle Rick. Hindi siya nag tanong or humabol man lang.       "Not a chance. Kamusta ka, Jai?" tanong ko sa kanya habang isa-isa kong pinag patung-patong ang mga papel na pinirmahan ko.       "Buti naman at nagpakita ka na?" batong tanong niya sa akin while he makes himself comfortably seated on a chair next to my desk.       "Pano mo naman nasabi yan, hindi naman ako nawawala ah," I mumbled. I always cracked a joke whenever I saw his mad face - and this time is the right time.       "Hindi nga ba, ha? Alexandra? You went away when your bestfriend needed you most! Tapos darating ka sa burol as if nothing happened? Ganyan ka ba ka-immatured?" maktol na sumbat niya sa akin.       His words pissed me na parang wala na akong nagawang mabuti. Na parang ako ang pinakamasamang tao sa mundo. Pero in some ways, may mali din ako. Pero hindi rin naman nila maiintindihan ang dahilan ko kung sabihin ko man ito sa kanila. Hinamig ko ang galit na nagbi-build up sa puso ko.       "I...I had my reason, Jairus." I said flatly. Habang iniwasan ko ang titig niya sa akin.       He chuckled.       "No, Lexie. Whenever your reason, it's not acceptable. Ano bang inililihim mo sa amin? San ka ba talaga pumupunta?" para itong imbestigador kung magtanong sa akin. I have nothing to say, so I shut my mouth.       "Hindi ka makasagot ngayon? Kasi kahit saan banda mo tignan, mali ka." Jairus accused me kaya nag escalate ang inis ko sa ulo.       "FYI lang Jairus, hindi ko kailangang magpaalam sa'yo kung saan ako pupunta! Kung yung daddy ko nga hindi ako tinatanong, ikaw pa kaya? At kaibigan lang kita at wala kang karapatan para pag sabihan ako ng kung anong dapat kong gawin sa buhay ko!" sigaw ko sa kanya na hindi ko na inisip kung ano ang mararamdaman niya.       Natigilan ito na para bang nagulat sa inasal ko.       "Great," he said in a sarcastic tone. Para namang binuhusan ako ng malamig na tubig sa guilt at sa lungkot na nakikita ko sa guwapo niyang mukha. He stood up and walked towards the door.       "J-Jai, I'm s-sorry...I didn't-" pero hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng putulin niya ang pag sasalita ko. Nilingon niya ako at sobrang pinagsisisihan ko kung bakit ko pa siya nasagot.       All I saw in his eyes was hurt. At para yung kutsilyo na tumarak sa puso ko.       "Yeah, your right when you said that I am only your friend. Pero noon pa man Lexie, hindi yun ang nararamdaman ko para sayo." his words cutting through my soul.       I froze.       "Gusto kita, Alexandra Louise Morales. Noon pa. Pilit kong isinantabi yon dahil kaibigan lang ang tingin mo sa akin pero habang tumatagal lalo ka pang napapalapit sa puso ko. Iniwan mo ako noon, at iniwan mo ulit ako sa pangalawang pag kakataon. Pero iba na ngayon, sasabihin ko na kung ano ang nararamdaman ko. Para at least naman makahinga naman na ako ng maluwag sa pag kim-kim ko nito ng matagal na panahon." he retaliated. "Pero wala naman ako magagawa kung kaibigan lang ang turing mo sa akin." malungkot siyang napangiti.       Hindi ako makasagot. Naumid na ata ang dila ko.       "Hindi ka ma-contact ni Miranda. Pinapasabi niya na may lakad ang barkada. Sa dati daw, 9 pm." Matapos noon para lang akong hangin na iniwanan niya sa loob ng office.     * * * * * *     Jairus       HALOS mapilas ang pinto ng sasakyan ko sa lakas ng pag kakasara ko. Dito ko ibinuhos ang galit at sakit na nadarama ko.       Finally. I told her that I love her, pero wala man lang akong narinig na sagot mula sa kanya. Bagkus, sinabihan niya ako na wala akong karapatan na pakialaman siya dahil kaibigan lang niya ako. It burned a lot right through my chest wall. Parang gusto nitong sumabog.       I inhaled sharply just to loosened a bit. Obviously, wala siyang nararamdaman para sa akin. It sucks! Pero mainam ng nalaman niya kung gaano siya ka-importante sa akin. Makakalimutan ko din tong sakit na ito.       I dialed Blake's number.       "Mali-late lang ako, bro. Nasabihan ko na si Lexie pakisabi kay Mira, bye," pinatay ko yung tawag habang hinahamig ko ang sarili ko.       Kaya ko bang harapin si Lexie na parang walang nangyari?       Bahala na nga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD