Ep.14

589 Words
Masayang kumakain sina Nayah ng hapunan ng nagtanong ang kanyang ina tungkol sa kanyang nalalapit na kaarawan. "Anak,sa biyernes na ang debut mo maghahanda tayo kahit kaunti nasabi ko na din sina Aling Dolores at himala pinayagan daw sila ni Sir Liam na pumunta dito tutal sa susunod na Linggo pa naman daw dadating sina Donya Editha kaya pwede daw sila tumulong",nakangiting pagbabalita nito sa kanya. "Ayos!ate pwede ko rin bang imbitahin sina Marco at Lilybeth dito na pumunta?sabad naman ni Nikko. "Aba,oo naman anak,mas maraming bisita mas masaya ang birthday ng ate mo,wika naman ng kanilang papa. Nagkatawanan sila at masayang tinapos ang kanilang hapunan. Excited na siyang dumating ang kanyang kaarawan dahil panigurado siyang makakasama nya din ang binata. Nag-aayos na siyang matulog ng magring ang kanyang cellphone.Nagtext sa kanya ang binata at nasa harapan daw ito ng bahay nila.Tiningnan niya ang orasan pasado alas onse na ng gabi.Ano kaya ang naisipan nitong puntahan siya at maghahating-gabi na ay nasa labas pa ito. Tiningnan muna niya ang kanyang mama at papa pati si Nikko kung mahimbing na ang tulog ng mga ito,nang masigurong tulog na tulog na nga tsaka siya dahan-dahan na lumabas ng bahay.Ingat na ingat siyang makalikha kahit konting kaluskos man lang. Nilapitan agad niya ang binata ng makalabas sa bahay."Bakit ka nagpunta dito?Hatinggabi na Liam,sita niya sa nobyo. Niyakap siya nito at hinalikan sa noo." I can't get enough of you Nayah.Ang totoo niyan I want to give you my birthday present and my surprise to you. Hope you like it,"anito. May kinuha ito sa driver set ng kotse nito na ferrari 488. Isa itong kahon na kulay pink with glitters,maganda din ang pagkakabuhol ng ribbon na parang ayaw mo nang buksan. "Liam,ano ito?Sana hindi kana nag-abala pa..pero thank you sa gift mo,aniya sa binata.Niyakap niya ito at gumanti din ng yakap sa kanya ang binata habang tumatawa. "It's okay sweetheart that is a small gift.Masanay kana sakin dahil hindi ako titigil na bigyan kita ng regalo hmm.?" "Salamat Liam." Pinakatitigan niya ang binata at lubos ang kanyang saya dahil narealize niya talagang mahal na mahal niya ito. "Sa friday sana wag kang mawawala kase..kasi may sasabihin ako sa'yo Liam,sensirong wika niya dito.Tinitigan siya ng binata at curious na nagtanong. "Why on friday?You can tell me right here sweethaert." Napangiti siya alam niyang mag-iisip na naman ang binata kaya pinanatag niya ang kalooban nito. "Hindi pwede Liam,sa friday na para special.Tsaka ilang tulog nalang." Napabuntong-hininga ito at niyakap siya. "Okay,okay just make sure you tell me okay?No more secrets Nayah." "Sige..promise." Ilang minuto pa bago niya napilit na umuwi ang binata ang gusto nga nito ay sa kotse lang sila tatambay at kapag madaling-araw na tsaka sila maghihiwalay.Hindi naman iyon pwede kasi nga 4a.m gising na ang kanyang papa at panigurado na makikita sila nito. Kinabukasan,maaga siyang gumising para tingnan ang regalo ng binata sa kanya at namangha siya sa lamang ng kahon.Kinuha niya ang maliit na note na nalagay sa loob at binasa niya ito. "Wear this on your birthday sweetheart!" A simple nude color v-neckline chiffon dress,spaghetti straps and a delicate criss-cross straps in the back are ultra-flattering and feminine,while the column silhouette adds a touch of tailored sophistication.The full lenght pleated skirt elevates the classic design,giving it an effortless and elegant appeal.May kasama din itong 2 inches na sandals at nude color din ito. Alam niyang mahal ang presyo nito pero susuotin niya ito dahil regalo iyon ng bf niya bahala na kung magtanong ang kanyang magulang kung saan galing iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD