Ep.15

546 Words
Galit niyang hinagis ang kanyang cellphone nang makita ang pinasang mga larawan sa kanya ng kanyang pinsan na si Shirley. "No!!!!!pasigaw niyang sabi.Bahala na kung sino ang makarinig.Hindi niya nabuksan ang mga messages sa kanyang cellphone ng dalawang araw kaya ng magkaroon ng time ay naisipan niyang icheck ito. Yeah..alam niyang siya na lamang ang tumatawag sa binata pero hindi niya alam na may kinahuhumalingan na pala itong iba. Lumapit naman sa kanya ang kanyang manager at pinakalma siya. "Shhhh...Charlotte lower your voice!Ano ba ang nangyayari sa'yo?sita nito sa kanya ng pabulong. "I'm going to the Philippines Mamshie,and don't stop me from doing what I want.!"Humanda kang babae ka maling-mali ka ng kinalaban!galit na wika niya. Pinasadahan pa niya ang larawan at kitang-kita niya ang mga titig ng binata na kahit kelanman ay hindi siya binigyan ng ganung mga titig. "Charlotte it's just a guy.Paano ang career mo?histerikal na wika ng manager niya. Binalingan niya ito. It's just a guy?Mamshie it's Liam De Madrid the one and only at hindi ako papayag na mawala siya sakin!Akin lang siya No one can have him but only mine!aniya. Napailing-iling na lamang ang kanyang manager.Alam nito na hindi talaga siya mapipigilan sa kanyang gustong gawin alam na kasi nito ang ugali niya. "Bumalik kalang kung kelan mo gusto Charlotte,the modeling career is still yours." Bago nilisan ang agency ay tinawagan na agad niya ang pinsang si Shirley at pinaalam dito ang balak niyang pag-uwi. Hindi na siya nagpaabot pa ng buwan at nagpaschedule na siya ng flight pauwing Pilipinas sa byernes,sabado ng gabi ang dating niya sa Pinas at ang pinsan niya ang susundo sa kanya sa airport. ***** Sumapit ang byernes at abala ang lahat sa paghahanda sa kanyang birthday,konting salo-salo lang naman iyon ng mga malalapit nilang kamag-anak at mga kaibigan niya. "Anak, happy birthday!dalaga kana Nayah at pwede kanang magpaligaw,bati ng kanyang mama na may kasamang biro. Maya-maya lamang ay lalabas na siya para mabati ng kanyang mga kaibigan at kakilala.Inimbitahan din niya si Doreen ito pa nga ang nag-ayos sa kanya. "Wow!ate mukha kang tao ngayon..maganda ka ngayon lang dahil birthday mo,"wika ni Nikko. Inirapan niya ito at kinutusan. "Heh!maganda na ako dati pa ngayon mo lang napansin." "Hep,hep!tama na yan at lalabas na tayo.Anak ang ganda mo ngayon at sana matupad mo lahat ng pangarap mo sa buhay,maluha-luhang turan ng papa niya. Niyakap niya ito pati na din ang kanyang ina na pinipigilan lamang na tumulo ang mga luha pati si Nikko. "Salamat po sa pagpapalaki niyo samin ni Nikko papa,mama,"wika niya. Naunang lumabas ang kanyang mga magulang at kapatid,kasama niya ngayon si Doreen. "Let's go Nayah..super ganda mo talaga ngayong gabi.And take note hah,nagtataka ako bakit nandito iyong anak ng amo ng papa mo?Si Liam? tanong nito. Matagal bago siya nakasagot. "Baka naman nainvite ni papa..alam mo naman nasa poder kami ng lupa nila Doreen,pagdadahilan niya.Napatango tango ito bilang pagsang-ayon. Nagpatiuna na itong lumabas at sumunod siya.Konting decoration lamang ang ginawa sa kanilang bakuran at maganda naman ang kinalabasan nito. Una niyang hinanap ang bulto ng binata,hindi naman siya nabigo at nakita nga niya itong nakatayo kasama din sina Daniel at Keith. Ngumiti siya dito,gumanti din ito ng ngiti sa kanya.Mamaya na niya lalapitan ang nobyo at aasikasuhin muna niya ang mga bisita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD