Ep.7

545 Words
"Are you done reading already?"tanong ng binata. "Sa bahay ko na po tatapusin sir,baka po gabihin ako masyado dito,sagot niya.Tumayo na din ito at hinintay pa siyang matapos sa pagliligpit. Mabuti na lamang konti nalang ang mga studyante sa library kasi ang karamihan ay nagsiuwian na. Kung hindi baka marami na ang nagtataas ng kilay sa kanya dahil kasama niya ngayon si Liam. Hinintay lamang siya nitong matapos magsulat sa logbook ng libro na iuuwi at sumabay din ito sa kanya sa paglabas. "Hatid na kita sa inyo..okay lang ba?wika nito. Hindi muna siya nakapagsalita at tinitigan muna ang binata kung seryoso ba ito o hindi. Tila alam nito na nagdadalawang-isip siya sa pagsagot. "Look I'm serious ihahatid kita kase one way lang naman ang daan natin eh tsaka gabi na din.No more buts okay?wika nito at kinuha agad sa kanya ang dala-dalang libro at nagpatiuna na sa sasakyan nito na nasa parking lot ng school. Bago siya sumunod nagpalinga-linga muna siya sa paligid kung wala ba talagang makakita sa kanilang dalawa. Nang masigurado na wala ngang tao mabilis siyang naglakad patungo sa kotse nito at nakasakay na ito sa loob. "Hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto,.Hay sabagay hindi naman niya ako isa sa mga kafling niya makikisabay lang ako sa pag-uwi." Pagkapasok niya agad na pinaandar ang kotse nito. "Put your setbelt,"wika nito. Kinuha naman niya ang setbelt pero hindi naman niya alam kung paano ikabit kaya hirap na hirap siya. Nilingon niya ang binata. Tahimik naman na kinuha sa kanya ang setbelt at ito ang naglagay sa kanya.Ang kaso halos hindi na siya humihinga dahil sa sobrang lapit nito sa kanyang mukha at kulang na lang ay maghalikan na sila sa sobrang lapit. Tumingin sa kanya ang binata na malapit na malapit na ang mukha nito sa kanya.Napalunok ang binata ng dumako sa kanyang lips ang mga mata nito. Napapikit na lamang siya at kung ano man ang gawin sa kanya nito halikan man siya nito ay payag siya dahil lihim naman niya itong mahal! "Can I k....kiss your lips?kandautal na tanong nito sa kanya.Hindi siya nagsalita bagkus mas lalo pa niyang pinikit ang kanyang mga mata. Ngayon lang siya binigyan ng pagkakataon ng tadhana na makasama ito baka sa isang araw ay hindi na kaya lulubusin na niya ang oras. Marahan siyang tumango dito hudyat na payag siya sa gusto ng binata na gawin sa kanya.Dahan-dahan na bumaba ang mukha ni Liam sa dalaga at masuyo itong hinalikan sa labi.Malambot ang labi nito at parang nakakaadik.Tinted naman ang kotse niya kaya walang makakakita sa kanila sa loob. Dahan-dahan niyang hinalikan ang dalaga alam niyang siya ang first kiss nito kasi hindi ito marunong gumanti ng halik sa kanya. "Open your mouth sweetheart,"bulong niya dito.Binuka nga ng dalaga ang bibig nito at doon na siya nawalan ng kontrol,sinibasib niya ng halik ang dalaga kahit hindi ito marunong humalik. "Kiss me back,ungol niya.Sa lahat ng mga nahalikan niyang babae dito pa lamang siya nasasarapan ewan niya kung bakit kahit kay Charlotte hindi niya nararamdaman ang pagkasabik. Unti-unti nga itong gumanti ng halik sa kanya at mas lalo pa siyang nahibang ng natuto na ito humalik. "Oh God just stop me Nayah dahil kung hindi baka kung saan tayo mapunta!,nahihingal na wika niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD