Ep.6 Nayah

597 Words
Maaga natapos ang last subject nila sa franchising kaya maaga ang labasan nila. Nagliligpit na siya ng mga gamit dahil balak pa niang pumunta sa library para sa advance study niya sa susunod na mga lessons. Ganun ang ginagawa niya para hindi na siya mahirapan sa susunod kapag nadidiscuss na sa kanila. "Oy Nayah,uuwi kana ba?Sabay na tayo,lapit sa kanya ni Doreen. "Naku..hindi pa pupunta pa kase ako sa library at may hihiramin lang akong libro at may babasahin." "Ganun ba,sige sasabay nalang ako sa pinsan ko pauwi. 5pm na kase baka abutin pa ako ng gabi kapag hihintayin pa kita.Buti yung bahay nyo medyo malapit lang sa school sakin kase dalawang sakay pa. May motor kasi yun kaya makikiangkas nalang ako,wika nito. "Oo sige ingat kayo,kaway niya sa kaibigan.Gumanti din ito ng kaway sa kanya at nagflying kiss pa. Tumingala siya sa langit at maganda naman ang panahon kaya pwede niyang lakarin ang pauwi ng bahay kung madilim na siyang makauwi pwede naman siyang magtricycle mamaya. Habang pumipili ng kanyang librong babasahin may dala-dala na din siyang dalawang libro para sa kanyang subject bukas na pag-aaralan iyon ang hihiramin niya. Hindi niya napansin na may makabanggaan pala siya dahil tutok na tutok siya sa mga libro. "Ayy..!tili niya Madulas ang tiles ng library medyo napalakas pa ang kanyang pagkakabunggo.Mabuti na lamang nakahawak siya sa braso nito at ito naman ay nahawakan ang kanyang beywang kaya naligtas siya sa pagkakahulog sana. Amoy na amoy niya ang pamilyar na pabango ng lalaki at hindi nga siya nagkakamali si Liam ang nakabanggaan niya. Dali-dali niyang inilayo ang sarili at yumuko dito. "Sorry po Sir Liam." "It's okay. Ako naman ang hindi tumitingin sa dinadaanan eh,"wika nito. Pinulot din nito ang nahulog na mga libro niyang dala dala. "Here." Kimi niyang tinanggap ito at tiningnan.Ngumiti siya sa binata. "Ang pogi pala niya kapag hindi seryoso.I love you my love."naisaloob niya. Ang swerte nga naman niya at ito pa ang nakasalubong niya sa loob ng library. "Thank you po,wika niya at kinuha ang mga libro na iniabot sa kanya. Tumango lamang ito sa kanya. Para hindi siya mahalata ng lalaki na kinikilig siya na mismo ang unang nagpa excuse dito. Doon siya pumuwesto sa dulo ng mesa para hindi siya maistorbo sa kanyang pagbabasa. Habang nasa kalagitnaan na siya ng kanyang pagbabasa ng may umupo sa harapan niya. Curious na tiningnan niya ito and guess what si Liam! "Hi!Pwde bang makiupo I guess wala ka naman kasama dito.Sanayah right?" Tumango lamang siya dito.Nahihiya pa rin siyang kausapin ito kasi nga hindi siya sanay dahil kontento na siyang makita ito sa malayuan.Luminga-linga pa ito sa paligid. "Are you alone here?Wala ka bang kasama pauwi mamaya?tanong nito. "Oh my gosh!baka ihahatid niya ako sa bahay!lihim na sambit niya. Halos lumuwa na ang kanyang puso sa tuwa ngayon pero pinipigilan niya. Kung halos pa nga lang pwede na niyang landiin ang binata kaso alam niyang kapag ginawa niya iyon ibig sabihin kabilang na din siya sa mga babae nito na nagkakandarapa mapansin lamang nito. "Wala po Sir eh.Pero sanay na po ako at ngayon lang po ako walang kasama.Si Doreen po lagi ko ring kasama pauwi." "Doreen is your bestfriend right?" Tumango siya. "Bakit po pala kayo mag-isa ngayon Sir?"naitanong niya. "Well...nauna na sina Daniel at Keith pauwi may kinuha lang ako dito sa library,wika nito at itinaas ang makapal na libro. Sa Architecture din yata yun kase yun ang nabasa niya. Tumango-tango na lamang siya at kapagkuwan ay niligpit na niya ang mga dadalhin at hihiramin na libro. Uuwi na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD