Chapter 6

2530 Words
Zhea Nandito ako ngayon sa opisina ni Ms. Thorn para personal na mag-report sa kanya tungkol sa aking nalaman kahapon. Hindi ko pwedeng ipagpabukas ito dahil nakapasok na mismo sa kompanya ni Kysler ang babaeng iyon ng hindi man lang nila napapansin at nabibigyan ng background check. “I’ve received your report yesterday Rosa.” May pinindot si Ms. Thorn sa kanyang laptop at pinakita ito sa akin. “Her name is Harper Cassidy. She’s working as a spy for so many years. She’s been hiding for a decade after the disapperance of her own family. According to our source, she was sold to Knoxx during an auction.” “So, she’s a victim?” tanong ko kay Ms. Thorn. “Not quite.” May pinindot ulit si Ms. Thorn sa kanyang keyboard at pinakita sa akin ang isang litrato kung saan magkahawak kamay sila ni Knoxx. “This was a recent photo last year during the murder of a Chinese businessman. According to witnesses they were seen leaving the premises before the police came and found the victim’s body.” Bigla kong naalala iyong dala niyang baril kahapon. “In short she’s also an assassin like you Rosa.” Medyo nagulat ako sa aking nalaman dahil meron pa pa lang ibang katulad ko. “But where did she learn how to become an assassin? Hindi ba tayo lang naman yata ang organisasyon na may mga trini-train na assassins?” “Nope, and you should re-learn your history Rosa. Kapag narinig ka ng Dominus natin baka pabalikin ka niya sa pagiging Legiones.” Tumango naman ako dahil hindi lang kami ang organisasyon na nagtra-train ng mga katulad ko. Nagkataon lang talaga na napunta ako sa pinakamalaking organisyon ng mga assassins. “Kinausap ko kahapon ang mga IT department natin para gumawa ng system para hindi makopya ang buong system ni Sir Valmeros.” “Okay.” “And then you need to install this into the system.” May binigay siya sa aking isang usb at isang ID kung saan ang pangalan ko rito ay Audrey Finley. “Wait, magpapanggap akong empleyado sa kompanya ni Kysler?” “Yup! Not just any employer but you will be the temporary security head of the department. Wag kang mag-alala dahil naka-leave ang orihinal na Security manager at alam na nilang ikaw ang bagong head doon,” paliwanag ni Ms. Thorn. This is not good. “Ms. Thorn wala bang ibang paraan para makapasok ako sa mismong kompanya nila ng hindi nagpapanggap na empleyado?” Taas kilay akong tinignan ni Ms. Thorn. “Well, if you will be able to get pass through their security in just one second then be my guest. As we all know the security of SYKON was installed and made by the security genius, Jethro Nam. Kahit nga security department natin ay walang makatalo sa talino niya. Our Dominus is still trying to negotiate with him to have his full service.” Nanahimik ako bigla dahil totoo nga ang sinabi niya tungkol sa security genius. “If you have a better idea then please tell me.” Nanlumo naman ako bigla sa sinabi ni Ms. Thorn. “I don’t have any idea.” Humugot ako ng hangin at kinuha ang ID at USB at saka ibinulsa ito sa aking pantalon. “May tanong ka pa ba?” Umiling naman ako. “Kung wala ay makakaalis ka na.” Nagpaalam na ako kay Ms. Thorn bago ako lumabas ng opisina nito. Paglabas ko ng mismong entrada ng HQ ay huminga ako ng malalim at saka tumingala sa langit. Ngayon kailangan ko tuloy magpanggap bilang isang Audrey at kailangan ko ring magtago para hindi ako makita ni Kysler. Grabe namang parusa itong natanggap ko. Sumakay na ako sa aking motor at sinusian ito nang makatanggap ako ng tawag kay Kysler. Agad ko naman itong sinagot at pinaalala niya sa akin ang mamayang gabi. “Nasaan ka? Nasa bahay ka na ba?” “Yup.” Tinignan ko ang aking orasan at napalaki ang aking mga mata nang makita kong alas singko na ng hapon. “Good. I’m on my way bud. See you there.” Napamura ako ng mahina at mabilis na pinaandar ang aking motor. I estimated the time that I will come home. Kung galing ako sa HQ at walang traffic ay mga dalawampung minuto lang ay nakarating na ako pero kung si Kysler ay galing sa mismong kompanya niya at traffic ay labinlimang minuto lang ay nakarating na siya sa bahay ko. Kung ganoon ay makakarating siya roon ng sampung minuto kung walang traffic. Sh*t. I need to be 15 mins ahead of him. Iniisip ko kung may shortcut ba papunta sa aking bahay. Wala. Kailangan kong dumaan sa iskinita kung kailangan ko talagang makauwi ng maaga. Lalo na at hindi alam ni Kysler na may motor ako. Iyong sasakyan ko pa lang kasi ang nakikita niya kaya sigurado akong magtataka iyon kapag nalaman niya na may motor ako. Liniko ko ang aking motor at ipinagpasalamat ko na walang mga tao sa mga oras na ganoon lalo at alas-singko naman na ng hapon. Sa bilis na 100 km/hr ay tatlong minuto pa at makakarating na ako sa aking bahay kaso bigla akong napapreno nang biglang may bata na lumabas ng kanyang bahay. Agad akong bumaba at tinignan kung nasaktan ba ang bata pero ipinagpasalamat kong hindi naman. Nang masiguro ko na ayos lang siya ay pinagpatuloy ko ang aking pagda-drive at nakalabas na ako mismo sa main street papunta sa aking bahay. Nagulat ako nang makita ko ang sasakyan ni Kysler sa mismong guard papasok ng subdivision. Hindi ko siya pwedeng i-over take dahil makikita niya ako. Hinintay ko siyang makapasok bago ako sumunod at mabilis na pinaharurot ang aking motor. Nang tumigil siya sa harapan ng aking gate ay agad kong ipinarada ang aking motor sa isang malaking bush upang matakpan ito. Tinignan ko ang aking sarili kung may sugat o galos ba ako at kung maayos ba ang aking buhok dahil sa pagsuot ko ng aking helmet. Nang masiguro kong wala naman ay nakita kong papunta na si Kysler sa aking pinto. Akmang kakatok na sana siya ng lumapit ako sa kanya at kinalabit siya sa kanyang likod. Napalingon siya sa akin at nagtaka kung bakit ako nasa labas. “Zhea akala ko ba nasa loob ka na?” “Ahm, bibili sana ako ng kakainin natin mamaya pagkatapos nating mag alam mo na kaso wala akong nakita e kaya bumalik na lang ako.” Tumango naman siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa bago tumingin sa akin ng matalim. “Wearing that?” Napatingin ako sa aking suot at isang maikling dress ang aking suot na above the knee. “Oo. Wala namang makakakita sa akin dahil alas-singko na ng hapon noh. Isa pa walang masyadong tao ang lumalabas sa subdivision na ito.” Akmang bubuksan ko ang aking pinto nang maalala ko na nasa comparment ng aking motor iyong aking mga susi. Napapikit ako ng mariin at napamura ng mahina dahil sa aking katangahan. Huminga ako ng malalim at napangiti kay Kysler na nakahalukipkip na nakatayo. “May problema ba?” tanong niya. “May hairpin ka bang dala riyan o kaya kahit na anong matulis na bagay? Na-i-lock ko kasi iyong pinto at naiwan ko roon iyong susi.” Pagsisinungaling ko. “No, I don’t have.” Kinapa ko ang aking buhok at nakapa kong may hairpin akong dalawa sa aking buhok. “Wait, I think I might have some hairpin.” Hinili ko ang dalawang hairpin mula sa aking buhok at saka ginawa itong mahabang alambre pagkatapos ay sinusian ang aking door knob. Nang magbukas ito ay manghang nakatingin sa akin si Kysler. “I didn’t know that you have a talent for opening closed doors. How did you learn to do that?” “Y-Youtube,” simpleng sagot ko at tinulak pabukas ang aking pinto. Pagpasok ko ay napatili ako nang bigla akong buhatin ni Kysler papunta sa aking kwarto at saka ibinagsak sa aking malambot na kama. “Hoy, para kang nagbabagsak ng sako.” Nakita ko siyang nagtatanggal na ng kanyang suit. “T-Teka hindi pa ako naliligo.” “I really don’t care bud. I just want you right now.” Napalunok na lang ako dahil sa halong kaba at kilig na aking nararamdaman. Kahit kailan talaga ang lalaking ito hindi man lang niya alam pigilan ang pagiging malibog niya. Oh well, bahala na si Batman. Nang gabi na iyon ay hindi tinupad ni Kysler ang sinabi ko sa kanya na isang round lang kami. Umabot pa kami ng apat na round at halos mamaga nanaman ang aking p********e dahil sa sandata ng lalaking ito. Geez, ilang beses na kaming nagtatalik pero hanggang ngayon hindi pa rin ako nasasanay sa sandata ng lalaking ito. Parang araw-araw ay may dala siyang viagra na hindi kumakalma. It’s already three in the morning. I looked at the handsome guy soundly sleeping beside me and smiled weakly. Inabot ko ang kanyang malambot na buhok at saka tinitigan ang gwapo niyang mukha. I would do anything to save you Kysler, even if it means killing your brother. Hinalikan ko ang tungki ng kanyang ilong at saka ipinikit ko ang aking mga mata. Bukas na bukas ay kailangan ko nang gawin ang unang hakbang para mailayo ko sa kahit na anong kapahamakan si Kysler. Nagising ako at nakita kong wala na si Kysler sa aking tabi at tanging isang maliit na note ang kanyang iniwan sa ibabaw ng kanyang unan. ‘I enjoyed last night bud. Sorry it’s not just one round.’ Natawa ako sa kanyang iniwan at napailing na lang sa kalokohan niya. Bumangon na ako at dumiretso sa aking banyo upang maligo. Bago ako umalis ng aking bahay ay sinigurado ko na handa ako sa kahit na ano’ng mangyari at dala ko ang mga kailangan ko. I have one mission today, and that is to install the program that was given to me by my Ingenium. Kailangan siguraduhin ko na hindi nila makuha ang mga impormasyon na balak nilang nakawin. Gamit ang aking Ducati na iniwan ko sa isang malaking bush ay mabilis kong tinahak ang daan papunta sa SYKON. Pinarada ko ito na malapit sa mismong entrada ng parking lot para kapag may emergency ay mabilis akong makalalabas. Dala ko ang aking maliit na bag pack saka ko clinip ang aking pekeng ID sa aking dibdib at huminga ng malalim bago ako pumasok sa mismong entrance. Agad akong dumiretso sa main system ng SYKON na nasa pinaka-rooftop nito. Kailangan kong iwasan si Kysler kahit na ano’ng mangyari dahil mahirap na ang mabulilyaso. Nakasuot ako ng black na damit all over para hindi ako masyadong mapansin. Pagdating ko sa mismong opisina ng Security Department nila ay agad akong nagpakilala bilang si Audrey Finley. “Glad to be of service,” iyon ang huli kong sinabi at tumango naman sila na parang normal na araw lang. Napangiti naman ako dahil mukhang hindi masyado mababantayan ang aking mga galaw dito. Bago ako pupunta sa mismong main system ay kailangan kong aralin ng kunti ang papasukan at lalabasan ko. Kailangan kong alalahanin na time sensitive ang main system at maling galaw ko lang ay maaalarma sila. Ang main system ay may isang malaking computer na napapaligiran ng maraming laser at nawawala lang ito tuwing cool down. Napailing na lang ako dahil sobrang komplikado ng mga vents at shortcuts papunta rito. Makikita mo pa lang na talagang ang gumawa nito ay super talino. Totoo nga ang sabi ni Ms. Thorn kung sakaling maging parte ng organisasyon itong security genius na ito ay maaaring mapadali lalo ang aming mga misyon. It took me an hour to review everything. The main system needs to cool down every three minutes for the system not to over heat. The longest cool down is five minutes which happens every lunch time. Doon kasi tirik ang araw kaya kailangan talaga nitong magpahinga lalo na at isang malaking system ito. Nang sumapit ang lunch time ay agad akong dumiretso sa mismong pinto ng main system. Pagdating ko roon ay nakita kong may dalawang guard na nakabantay. “Ako na ang bahalang magbantay dito. Ang mabuti pa ay mananghalian na muna kayo total hindi pa naman ako gutom.” Nagtingin ang dalawang guard at saka naglakad paalis. The CCTVs are very sensitive as well and there are no blind spots. Kasabay ng pag-cool down ng main system ay iyon din ang pag-cool down ng mga CCTVs. Doon ko kukunin ang pagkakataon para pumasok sa main system. I looked at my watch and counted to 3, 2, 1. "Ok here we go." Huminga ako ng malalim at biglang namatay ang mga ilaw na nakapalibot sa buong lugar. There are sensors everywhere ceilings, walls and the most sensitive part is the floor. All I need to do is not to stay in one place for 5 seconds. Huminga ako ng malalim. Okay kailangan kong mag-tumbling papunta roon. Zhea kaya mo ito. Tumayo ako ng diretso bago ako nag-tumbling. Buti na lang talaga nag-practice ako noong tinuturuan pa lang nila ako. Hindi ko alam na magagamit ko pala talaga siya. Nang last na tumbling ko na ay nakarating na ako sa wakas. Kinabit ko na ang dala kong USB para mabilis kong ma-install ang binigay nila sa akin. I look at my watch and there’s still a couple of minutes left. “Come on,” sabi ko at nang matapos ko itong ma-install ay nakahinga ako ng maluwag at mabilis itong hinugot sabay nag-tumbling pabalik sa pinto ng main system. Pagkatapos ng limang minuto ay napangiti ako dahil mission success ang nangyari. Tamang-tama namang bumalik ang dalawang guard at pinalitan ako. Sobra akong pinagpawisan sa ginawa ko kaya naman dumiretso na muna ako sa cr ng mga babae para magpalit ng damit. Habang nagpapalit ay narinig kong nagbukas ang pintuan at pumasok ang isang babae na mukhang nakasuot ng high heels. Bubuksan ko na sana iyong pinto ng aking cubicle nang marinig ko ang boses ni Neesha. Shit! "Hello. Bad news. Looks like someone came in the systems room. Yes, someone knows about our plan sir. Looks like they’ve sent someone to protect your brother." Napakuyom ang aking kamay sa aking narinig. Confirmed. It’s Knoxx. That asshole I’m going to kill him. "Yes sir! Don’t worry malalaman namin agad kung sino siya. ‘Di bale we are on the move sir." Lumabas na siya at agad akong lumabas rin ng cubicle saka ako napatingin sa salamin. Pwes hindi ako papayag na malaman niyo kung sino ako at mas lalong hindi ako papayag na patayin niyo si Kysler. Sisiguraduhin kong mauuna muna kayo bago niyo magalaw si Kysler. Inayos ko ang aking sarili at lumabas na sa banyo. Paglabas ko ay may nabunggo ako at pag-angat ko ay halos mabuhusan ako ng malamig na tubig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD