Chapter 5

1875 Words
Zhea Today is already Monday at nakalimutan ko tuloy sabihin kay Kysler na payag na ako sa offer niya. Actually, siya lang naman ang may gusto kaya pabor din lang sa kanya ang lahat. Kung hindi ko lang siya kailangang bantayan hindi ako papayag sa gusto niya dahil makasasagabal lang ito sa aking trabaho bilang assassin. Sigurado ako sa gagawin kong ito malalaman at malalaman niya na hindi ako normal na babae. Nandito ako ngayon sa labas ng kompanya ni Kysler para ipaalam sana sa kanya na payag na ako sa kanyang deal. Gusto ko siyang i-text pero oras na ginawa ko iyon ay hindi naman niya ako titigilan na tumawag kaya mas mabuting sabihin ko na lang sa kanya ng personal. Bago ako pumasok ng kompanya ni Kysler ay humugot ako ng hangin at saka ito pinalabas saka naglakad papunta sa security guard. May kung ano’ng device ang nag-scan sa akin para makita kung may dala akong fire arms. Kung sino man ang gumawa ng security na ito ay isang henyo. Kysler mentioned to me before that one of his friends is the one who made the whole security of his building. Hands down to him. Pagpasok ko sa mismong building ay agad kong nakita ang mga sensors at CCTV na mukhang hindi mga pangkaraniwang cameras lang. Lahat ng gadgets dito ay puro touch screen pati mismong elevator nila ay touch screen din. Wow! Pinindot ko ang 30th floor dahil naaalala kong dito ang opisina niya. Pagdating ko sa mismong palapag ay marami akong nakitang mga sekretarya sa labas ng opisina ni Kysler. Lahat may kanya-kanyang cubicle at may mga kausap pa ang mga ito. Kung ako siguro ang may-ari ng ganitong kompanya ay mababaliw ako dahil sobrang abala ng mga tao rito. Lumapit ako sa isang babae na mukhang hindi na busy. “Excuse me. Nandyan ba si Kysler?” tanong ko sa babaeng nakatungo at mukhang abala sa kung anuman ang kanyang ginagawa. “Yes? May appointment po ba sila kay Sir Valmeros?” magalang na tanong ng babae. “Wala—” “Kung wala ma’am hindi po kasi kami pwedeng magpapasok ng kahit na sino unless may appointment po sila.” Ngumiti pa siya na akin namang naintindihan. “Pero pwede bang pakisabi na nandito si Zhea Sanchez? He’s my bestfriend at super close kasi ako sa kanya kaya kapag sinabi mo siguro na nandito ako ay pwede niya akong papasukin,” pakiusap ko sa kanya. “Okay tatanungin ko lang po.” May pinindot siyang kung ano sa kanyang telepono at linaro-laro ko ang aking cellphone habang hinihintay siyang matapos. Habang nagmamasid ako sa kabuuan ng buong palapag ay napansin ko ang isang babae na nakasuot ng pula at kulang na lang ay lalabas na ang kanyang dibdib dahil parang iyong n*****s lang niya ang natatakpan. That kind of dress should be inappropriate in an office environment. Nakita ko siyang tumayo at napansin ko na parang may nakatago sa kanyang bandang likuran. Natatakpan kasi ito ng kanyang cardigan kaya hindi ko maisilip pero nang may kunin siya sa kanyang bulsa ay nagulantang ako nang makita ko ang handle ng isang baril. Pumasok siya sa elevator at akmang susundan ko sana siya nang tawagin ako ng sekretarya ni Kysler. “Ma’am Zhea, pwede na ho kayong pumasok,” sabi niya. “Excuse me miss. Sino iyong babaeng pumasok sa elevator kanina lang? Iyong nakasuot ng red na dress?” Napatingin naman iyong sekretarya sa elevator at parang may hinahanap ito sa opisina. “Baka ho ang tinutukoy niyo ay iyong bagong Finance Head ho na si Ma’am Neesha Valdez. Nawiwirduhan nga ho ako sa kanya dahil sobrang tahimik niya at parang may palaging hidden agenda.” Sh*t! Iyon na lang ang pumasok sa isip ko noong mga oras na iyon. Kaya naman bago pa makalayo ang Neesha na iyon ay mabilis akong tumakbo sa may elevator. Bago ako pumasok ay nagbilin ako sa sekretary ni Kysler. “Kindly tell to Kysler to meet me downstairs.” Pagkatapos ay pumasok na ako sa may elevator at pinindot ang Ground floor kung saan siya pumunta. Pagbukas ng elevator ay lumabas ako sa mismong parking lot. Tamang-tama ay nakita ko ang likuran ni Neesha papalayo. Agad ko siyang sinundan at nagtago ako sa likod ng isang sasakyan habang pinagmamasdan ko ang bawat kilos niya. Kinuha ko ang aking camera at agad siyang kinuhanan ng litrato pati ang plate number ng kanyang sasakyan ay kinuhanan ko ng litrato. Pagsakay niya ng kanyang sasakyan ay humarurot siya paalis pero ang ipinagtataka ko ay kung nagtratrabaho siya bakit siya aalis ng ganitong oras? Saan siya pupunta at bakit hindi man lang siya nagpaalam kay Kysler? “Zhea?” Napalingon ako sa tumawag ng aking pangalan at nakita ko si Kysler. “What are you doing here at the parking lot?” “Ahm.” Napatingin ako sa papalayong sasakyan ng Neesha na iyon at saka lumingon ulit kay Kysler sabay lumapit dito. “May tinignan lang ako kaso mukhang wala pala rito.” “Akala ko nga nasa mismong labas ka na ng kompanya dahil iyon ang binilin mo sa sekretarya ko pero nandito ka lang pala. Hinanap kaya kita.” Napasimangot naman siya. Napangiti naman ako. “Sorry. Anyway, I came here to tell you that I agree with your proposal.” Nagulat siya at nakita kong napamaang siya sa aking sinabi. “O bakit parang gulat na gulat ka sa sinabi ko e ikaw naman ang nag-propose sa akin niyan ‘di ba?” Nakita kong napalunok siya sa aking sinabi. “Ahm, I was expecting it, but I just can’t believe that you would really agree to it.” I rolled my eyes at him. “O sige e ‘di bawiin ko na lang. Ayaw mo namang maniwala,” sabi ko sa kanya at sabay lalagpasan na sana siya nang pigilan niya ako sa aking braso. “Zhea, wait lang. Sorry it’s just a shock for me.” Ngumiti siya na parang na-realize niya na rin sa wakas na umuo na nga ako sa sinasabi niya sa akin last week. “So ano magce-celebrate na ba tayo?” tanong ko sa kanya at malawak ang ngiti niyang tumango. “You do realize that once you’ve agreed to this deal of mine hindi ka na pwedeng makipagkita sa iba o sa kahit ni sinong lalaki ‘di ba?” Napakunot naman ang aking noo sa kanyang sinabi. “Hmm, I thought it was just s*x?” tanong ko sa kanya. “Paano kapag gusto kong makipag-date o paano kapag may manligaw sa akin?” Biglang lumukot ang kanyang mukha sa pagkairita. “Bakit hindi ba pwedeng ako na lang ang kasama mo sa date?” “Kysler remember the no strings attached relationship?” tanong ko sa kanya at napansin ko na para siyang nasaktan sa aking tanong. “I am suppose to have s*x with you because you are broken hearted, right? Kaya kung may matitipuhan ka na iba ay ayos lang naman sa akin iyon basta sabihin mo sa akin.” That is a lie. “Bahala ka nga,” sabi niya sabay nauna nang maglakad. Hala, ano’ng problema ng taong iyon? Totoo naman iyong sinabi ko sa kanya ‘di ba? Paano kapag may magustuhan siyang iba? I am just guarding my heart and myself just in case mas lalo akong mahulog sa kanya. Sinundan ko siya at naglakad kami papunta sa malapit na fast food kung saan kami pwedeng kumain ng lunch. Simula nang pumasok kami sa fast food na iyon at nang umorder na kami ay hindi na siya umimik pa. Nanatili lang siyang tahimik at mukhang iritado. “Kysler.” Napatingin naman siya sa akin. “Oo na hindi na ako makikipagkita sa iba. I was just bluffing you. Isa pa hindi ko ugali ang makipag-s*x sa isang lalaki tapos magpapaligaw pa ako sa iba.” Nakita kong lumawak ang kanyang ngiti at masaya nang kumakain. “Thanks bud. I really appreciate it.” Inikot ko na lang ang aking mga mata. “Pwede ka ba mamayang hapon?” Napatingin naman ako sa kanya at nakita ko ang pagnanasa sa kanyang mga mata. “Really? As in tonight?” Tumango naman siya. Sh*t. I was supposed to look into Neesha Valdez, but I can’t also say no to this guy. Oras na ginawa ko iyon ay baka magtampo nanaman ang lalaking ito. Hays. “Okay, but let’s do it one time only. Maaga ang pasok ko bukas at ayokong mapuyat.” Noong una ay parang ayaw niya pa na makakaisang round lang kami pero noong kalaunan ay pumayag din siya. Pagkatapos ng lunchtime ay agad na akong umuwi ng aking bahay para doon na lang gawin ang aking research. Mukha kasing aabutin kami ng ilang rounds mamaya at kailangan kong mag-ready mamaya. Kausap ko ngayon sa telepono si Ms. Thorn at kinukumusta niya kung may mga nalaman na ba ako sa aking target. “Hello Rosa, kumusta ang mission? Is everything good?” “Not really, though kailangan kong i-search pa ang babaeng nagngangalang Neesha Valdez. I think she is somewhat connected with Knoxx. I’m not yet sure, but my instinct is telling me she is.” “Okay. Just make sure that whatever happens Knoxx should be dead as soon as possible bago pa niya mabiktima ang kanyang kapatid.” Napatango naman ako sa kanyang sinabi. “Got it Ms. Thorn. I have to go. I still need to do a lot of digging.” “No problem.” Pagkababa ko ng aking telepono ay hinanap ko ulit sa aming search engine si Neesha Valdez kaso ang problema walang ganoong pangalan. That’s weird. Sinearch ko siya ulit pero wala talagang lumalabas na Neesha Valdez. She’s using a fake name. Paano ito hindi nakita ng kompanya ni Kysler gayong sobrang higpit naman ng security nila? I need to go back there and follow that woman. Who knows what she’s doing behind our backs? Agad kong kinuha ang aking susi at drinive ang aking Ducati na motor papunta sa kompanya ni Kysler. Pinarada ko ang aking motor malayo sa mismong parking lot ng SYKON dahil baka makita ako ulit ni Kysler doon. Tamang-tama nga namang pagdating ko sa SYKON ay nakita ko ang paparating na kotse ni Neesha o kung anuman ang kanyang pangalan. Agad ko siyang sinundan at nagtago ulit sa isang sasakyan nang marinig ko siyang nakikipag-usap. “Yes, everything is according to plan. I already saw their main system and it would be hard to steal all the information. It might take time for me, but I’m already checking all the possibilities.” Napanganga ako sa kanyang sinabi. Sinasabi ko na nga ba at masama ang hangin na dala ng babaeng ito. Sigurado ako na kung sino man ang kausap niya ay si Knoxx ito. Wala na akong pwedeng ibang paghihinalaan kundi siya lang. Kung sino mang Neesha ka hindi ako papayag sa gusto mong mangyari. I need to do something and fast.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD