Zhea
Pagpasok ko sa mall ay agad kong tinawagan ang aking boss na si Ms. Thorn. Nag-ring ang kanyang cellphone na agad niya namang sinagot.
"Hello Ms. Thorn nasaan ka?" tanong ko.
“Buti naman at nakarating ka na. Akala ko matatagalan ka pa roon sa kaibigan mo eh.”
"Sorry Ms. Thorn. Nawili lang kasi ako kasi ang tagal kong hindi nakita iyong kaibigan kong iyon." Pagrarason ko pero ang totoo naman ay isang beses sa isang linggo kami kung magkita.
"Whatever you say, Rosa." Rinig ko ang pagkairita sa boses ng aking boss.
"Ahm, nandito ako sa may food court, Ms. Thorn."
"10 o'clock girl."
Nakita ko naman siya at kasama niya si Vernice na prenteng nakaupo sa upuan sabay naka-sunglasses pa. Lumapit ako rito sabay yinakap si Vernice.
"What's with the sunglasses? Wala namang araw dito sa loob ng mall?" takang tanong ko kay Vernice.
"Kanya-kanyang trip duh!" Napansin ko na naka-order na ng food ang kaibigan at may apat na pinggan.
"Tatlo lang naman tayo ah. Sino iyong isa pa?" Tinuro ni Vernice si Krysta na papalapit na at isa ring naka-sunglasses. What is with them and sunglasses?
"Ano’ng meron at parehas kayong naka-sunglasses?" tanong ko kay Vernice pero hindi niya ako pinansin.
Maya-maya ay nakalapit na si Krysta sa amin. Agad niya naman akong yinakap ng mahigpit na parang hindi niya ako nakikita every day.
"OMG! Bakla miss na miss na kita," masaya niyang sabi. Kumawala siya at yinakap din ang kanyang ina na si Ms. Thorn at sunod si Vernice.
“Kung ganoon bakit nandito kayong dalawa?” Umupo na ako pero hindi ko ginalaw iyong mga pagkain dahil busog pa ako sa kinain kong pancake kanina.
"Well, sinabi kasi sa akin ni Ms. Thorn na magme-meet kayong dalawa kaya sinabi kong sasama na rin ako total ang tagal tagal na kitang hindi nakikita." Tinaasan ko si Krysta ng kilay.
"Ano’ng namiss e sa iisang bubong lang naman tayo tumitira?" mataray kong sagot at nakita kong napasimangot siya.
"Zhea," simula ni Vernice na kumakain na ng pagkain. “You have your own house remember? Kapag wala ka sa condo mo ay nandoon kang nagtatago sa lungga mo. Kaya hindi mo masisisi si Krysta kung namimiss ka nga niya.”
"Eh ikaw namiss mo ba ako?" Baling ko kay Vernice at agad siyang umiling. "Baliw ka talaga."
We both laughed.
"So anong meron ngayon at nagkita kayong dalawa? May bagong mission ba?" tanong ni Krysta.
"Kinda, and para kay Zhea ito,” sagot ni Ms. Thorn na kanina pa tahimik.
"Really? Why?" tanong ko at ilalabas na sana ni Ms. Thorn ang folder nang pigilan siya ni Krysta.
"Hep! Before you do that kumain na muna tayo please. I’m starving at sigurado ako kayo rin ay gutom na." Umorder na sila pero sinabi ko sa kanila na hindi pa ako gutom kaya habang kumakain sila ay nakipag kwentuhan na lang ako.
Pagkatapos nilang kumain ay binigay na sa akin ni Ms. Thorn ang isang folder na may nakalagay na Classified. Binuksan ko ito at nakita ko ang isang litrato ng isang gwapong lalaki na akala ko ay nasa twenties pa lang pero ang edad niya ay nasa trenta na. May scar siya sa kanyang left cheek na mas lalo sanang nagpagwapo sa kanya pero sad to say na kailangan ko siyang patumbahin. Habang binabasa ko ang dahilan kung bakit ko siya kailangan patumbahin ay nasamid ako sa sarili kong laway at halos agawin ko kay Krysta ang baso ng iced tea na kanyang hawak.
“O-kay,” sabi niya at nagtatakang napatingin sa akin. “Chill girl hindi ko naman ipagdadamot sa iyo iyong tea noh.”
"Hmmm...what is it about?" Vernice asked and was about to get the folder from me but I pulled it instantly away from her. “Fine, hindi ko na titignan.” Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy na lang nila ang kanilang pakikipagkwentuhan.
According sa file ay isang nagngangalang Knoxx Valmeros ang kailangan kong patumbahin sa lalong madaling panahon. Marami na kasi siyang pinatay na mga multi-billionaire na businessman at kinukuha niya ang mga pera ng mga ito. Hindi ko alam kung paano niya ginagawa ito ng hindi pa siya nahuhuli. Sa totoo lang boring ang aking misyon at hindi na siya bago dahil marami na rin naman akong pinatay na mga gwapong lalaki pero ang nakakuha ng atensyon ko ay kung kaninong kamag-anak siya. Kysler Valmeros. Nakakalungkot isipin na sarili niyang kapatid ay gusto niyang pagtangkaan ang buhay para lang sa pera. Habang binabasa ko ito ay narinig kong nagpapaalam na si Ms. Thorn at akmang tatayo na siya para umalis nang bigla ko siyang pigilan.
"Yes, Rosa? May tanong ka ba regarding sa mission mo?" Gusto kong ibalik ang folder sa kanya dahil ayokong patayin ang kapatid ng lalaking mahal ko.
Napahawak ako ng mahigpit sa folder na aking hawak habang hinihintay ni Ms. Thorn ang aking sasabihin. Ayokong gawin ang misyon pero kung hindi ko naman ito gagawin ay maaaring ikapahamak ito ni Kysler. Pinilit ko na lang ngumiti at saka umiling.
“Sorry, Ms. Thorn. I was about to say that I hate the mission because it’s boring, but I’m going to do it anyways because the suspect is handsome.” Natawa naman sa akin sina Krysta at Vernice.
“Okay. Good. You know the drill my dear. Protect, kill and everyone will be happy.” Ngumiti siya sa akin.
"Geez, you make it sound so easy,” sabi naman ni Krysta sa kanya.
"Well, that’s Ms. Thorn for you,” sagot naman ni Vernice. “Hindi siya magiging magaling sa field na kinuha niya kung hindi ito madali sa kanya."
“Thanks for the compliment Vernice.” Sabay bumaling siya sa akin at sinabing, “Kung wala ka ng tanong ay babalik na ako sa opisina para mag-report.” Isinukbit niya ang kanyang bag at saka naglakad na paalis.” Tumango na lang ako at nagpaalam sa kanya.
“My mom is a badass, right?” tanong ni Krysta sa aming dalawa sabay sumipsip sa kanyang iced tea na hindi niya maubos-ubos.
"Sinabi mo pa. I saw her move in the field, and you might wish that you didn’t make bad things. She’s like a killing machine, and she finishes her missions smoothly. No trace." Bigay ni Vernice ng papuri sa aming Ingenium.
"Paano iyan girl since may mission ka naman na ay magiging busy ka na ulit? Isa pa kayang-kaya mo iyang gawin ng pikit-mata ‘di ba?” Ngumiti na lang ako sa tanong ni Krysta at tumango.
Kung ganoon lang sana kadali sana ay hindi ako kinakabahan ng ganito. Bakit ba naman kasi itong kapatid ni Kysler ay napili ang ganitong daan? Hays. Ang nagagawa nga naman ng pera sa mga tao. Totoo nga ang sabi nila na ‘Money is the root of all evil.’
"Well, goodluck girl. Remember ingat ka lang palagi kasi kung ano pa iyong madaling mission ay doon pa nagkakaaberya." Paalala ni Vernice.
"I know."
"This is so fun! Paano iyan we'll see you when we see you, okay?" Nagbeso-beso kami at sabay-sabay na kaming lumabas sa mall. Linagay ko naman sa aking bag ang folder at bumuntong hininga. Iniisip ko na lang na isa akong Veteran sa pagiging assassin para kahit papaano ay mawala ang takot at kaba ko sa aking gagawin.