Zhea
Katatapos ko lang maligo at dumiretso sa aking malaking kusina para kumuha ng isang can ng soda. Mag-isa ko lang sa aking sobrang luwang na bahay na may dalawang palapag. May landscape garden pa ito sa labas na aking ipinaayos ng mabuti dahil medyo may sira na ito. May binili rin naman akong condo kung saan nakikitira sina Krysta at Vernice pero bumili na rin ako ng sarili kong bahay para kung gusto kong mapag-isa ay may pupuntahan ako. Minsan sa yaman ko ay tinanong pa ako ni Kysler kung anong klaseng trabaho meron ako at sinabi ko na isang computer analyst ako at malaki lang talaga magpasahod ang aking employer. Hindi lang nito alam na triple o higit pa sa sahod ng isang computer analyst ang nakukuha ko buwan-buwan.
I’ve been working with OA for like eight years now that’s why I have a lot of savings for me to be able to buy my own house and condo. Sumali ako sa Order of Assassins dahil nakitaan ako ng talento ni Ms. Thorn. I’m good with close combat, but I also like playing guns when I need to. Sa galing kong gumamit ng baril at umiwas dito ay naging isa akong Veteran sa loob lang ng dalawang taon.
I’m currently reading the file of Kysler when someone knocked on my door. Nagtaka ako dahil wala naman akong naaalalang bisita ko. Usually, kasi may tatawag muna sa akin na guard at sasabihing may bisita ako bago may mag-doorbell sa aking pintuan. Ganoon ka-secure ang kinuha kong tirahan dahil nga sa environment ng trabaho ko. Naging alerto ako at kinuha ko agad ang aking baril na nasa ilalim ng kitchen table ko.
Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan at mahigpit na hinawakan ang aking baril. I slowly opened the door when Kysler appeared in front of me while he’s holding a paper bag with food and two starbucks coffee. Agad kong tinago ang baril ko sa aking likuran.
"K-Kysler? Anong ginagawa mo rito?" kabado kong tanong sa kanya.
"Obvious ba? Eh di binibisita ka. I also bought food in case hindi ka pa nagbre-breakfast." Napalunok ako dahil hawak-hawak ko pa ang baril.
"Halika pasok ka. Bakit hindi ka man lang tumawag? Akala ko pa naman kung sino na." Gumilid ako para papasukin ang binata at para hindi niya mapansin na may tinatago akong baril sa aking likuran.
"Syempre gusto kitang i-surprise.” Linabas niya ang dalawang coffee sa paper bag at mga pagkain saka linagay sa ibabaw ng mesa. “Buti na lang talaga at kilala na ako ng security guard mo kaya sinabihan ko siyang huwag ka nang tawagan dahil gusto kitang i-surprise. Akala ko nga hindi siya papayag pero pinapasok niya pa rin ako. Seriously napaka-strikto mo naman sa security mo."
I laughed nervously. "Nag-iingat lang naman ako." Nang makapasok si Kysler ay agad-agad kong tinago ang baril sa may cabinet ko kung saan ang mga pinggan ay nakalagay saka sumunod ako sa kanya. Nagulat na lang ako dahil paglapit ko ay hawak na niya iyong folder na binigay sa akin ni Ms. Thorn. s**t! Bakit ba kasi nakalimutan ko itong itago?
"Hmmm...Classified A? What is this?" Nakita kong bubuksan na sana ni Kysler iyong folder nang takbuhin ko ito at hablutin. "What the..."
"S-sorry...Classified A kasi. Galing kasi sa trabaho kaya hindi ko pwedeng ipakita." Palusot ko na lang.
"O-k?" Nagtataka siya pero mukhang naniwala naman siya na ipinagpasalamat ko.
"Ahm, ano iyang dala mo?" Pag-iiba ko sa usapan para lang hindi na siya magtanong pa tungkol sa folder.
"Ah, ito ba? I bought your favorite cheesy eggdasal sa Mcdonalds, and I also bought some chocolate mousse, some chocolate muffin and chocolate cake." Natakam naman ako sa aking mga nakita dahil hindi pa ako nag-aalmusal.
"Really? You really know my favorite." Masaya siyang tumango.
"Now where are your plates para mailagay ko na itong mga ito." Nakita kong papunta si Kysler sa dish cabinet kung saan ko tinago ang baril pero agad ko siyang pinigilan.
"Ahm, a-ako na lang. Besides bisita kita ako dapat naghahanda para sa iyo." Pigil ko sa kanya.
"Tss, nonsense. What are friends are for? Isa pa sanay na rin naman ako." Pilit niya pero hindi ako nagpatalo.
"Ang sweet pero this time ako na. Maghintay ka na lang doon." Nguso ko sa may dining table ko.
"Okay," sagot niya at pumanhik papunta sa hapag-kainin.
Nakahinga ako ng maluwag nang mapapayag kong bumalik si Kysler. Agad-agad kong binuksan ang cabinet at kinuha ang baril ko sabay tinapon ito sa basurahan kung saan hindi na iyon makikita. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko nang marinig ko ang telephone recording galing kay Vernice. Ang akala ko kasi galing kay Ms. Thorn ito.
Pumunta ako sa kusina at nakita kong nakatayo sa may telepono si Kysler at pinapakialaman ang telepono ko. Buti na lang noong mga oras na iyon ay iyong napakinggan niyang recording ay noong magkakasama kami nila Vernice sa isang bar. Kadalasan kasi kapag may tumatawag ay tungkol lang palagi sa mga missions. Minsan galing palagi kay Ms. Thorn.
"Zhea what the hell?!" Nagulat ako nang marinig kong sumigaw si Kysler at humarap ito sa akin na masama ang timpla ng kanyang mukha. "Ano’ng ibig sabihin nun ha?"
Hala, may hindi ba ako na-erase na tawag galing kay Ms. Thorn?
"Have you been seeing that guy?"
"Ha?" Nagtaka ako bigla sa tanong ni Kysler. "What guy?"
"Iyong nasa telephone recording mo. Vernice said na may irereto siya sa iyo na isang businessman at kung gusto mo siya ay payag iyong lalaki sa one-night stand?"
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil ang akala ko naman ay tungkol na sa mission niya na galing kay Ms. Thorn.
"Zhea answer me. Did you sleep with that guy?" Kita ko ang galit sa kanyang mga mata.
Kaso ang problema iyong narinig niya ay iyong time na nag-bar hopping kami nila Vernice at sinabi nito sa akin na may ipapakilala itong businessman. Noong time kasi na iyon ay frustrated ako dahil ayaw sa akin ng taong mahal ko. Kaya bilang isang mabait na kaibigan ay hinanapan niya naman ako ng isang lalaki.
"Ha? N-n-no!" nauutal kong sagot pero noong time na iyon ay muntik ko na talaga pinatulan iyong suhestiyon ni Vernice. Buti na lang matino pa ako noong time na iyon kaya natanggihan ko pa ito. "Muntik lang naman kaso hindi ko tinuloy."
"What?!" sigaw niya.
"Aray! Bakit ka ba sumisigaw?! Geez, masisira ang eardrums ko sa iyo eh,” inis kong sabi sa kanya. “Saka noong time na iyon hindi pa naman tayo nagse-s*x kaya I’m free to do what I want."
"Kahit na Zhea!” galit niyang sita sa akin. “Paano kung pinilit ka ng gagong iyon at hindi ka nakapalag ha? Eh di nagahasa ka na sana niya!"
That won’t happen dahil oras na ginawa iyon ng lalaking iyon noon baka magsisi siyang nakilala niya ako dahil mawawalan siya ng future. Teka nga bakit ganito makareact ito? Nagseselos ba siya? Imposible. He’s just being a concerned friend.
"Kysler chill ka lang okay? Kahit naman gahasain niya ako noong time na iyon kung talagang ginusto ko wala kang magagawa dahil nga busy ka rin sa girlfriend mo ‘di ba?" Hiniwa ko na iyong cake sa ilang piraso at hindi na lang siya pinansin.
Palihim akong napangiti nang medyo masama na ang timpla ng mukha niya. Ang cute niya tuloy asarin lalo. Ma-try nga. "Now, I was actually thinking kung nasaan na ang businessman na iyon? Minsan nga naiisip kong ituloy iyong naudlot na meeting namin noon eh. I want to taste something new ba."
Bago pa ako makasubo ng piece of cake ay namalayan ko na lang na nakasandal na ako sa pader at nasa harap ko ngayon ang isang Kysler na galit na galit.
Napalunok ako nang makita ko ang intensidad ng mga dark brown eyes niyang nakatitig sa akin. Hindi man lang siya kumukurap at bumilis nanaman ang t***k ng puso ko. Everytime na ganyan siya tumingin ay kinakabahan ako. Hindi ko alam pero siya lang talaga ang nakapagpaparamdam sa akin ng iba’t ibang klaseng emosyon.
"Well let me remind you Zhea who you belong to."