Kysler Dalawang linggo na ang nakalilipas simula nang hindi ko makita si Zhea. Noong unang gabi na hindi ko siya nakasama ay sobra akong nalungkot at umabot sa punto na umiyak ako buong gabi. Oo lalaki ako at hindi dapat ako umiyak pero matagal ang pinagsamahan namin ni Zhea kaya gulat na gulat ako sa mga nalaman ko. Hindi ko matanggap na ang taong pinagkatiwalaan ko ay siya ring magtataksil sa akin. Katulad ng sinabi ng aking kuya ay nagbakasyon lamang kami sa Spain ng isang linggo pero sinabi niya na lumipat muna kami ng barko dahil ayaw niyang manakaw ito ng kung sino lalo na at ito ang tanging ipinamana sa kanya ng aming ama. Pagkatapos ng isang linggo ay pumunta naman kami sa France ng isang linggo bago kami bumalik sa ‘Pinas dahil kailangan ko ring asikasuhin ang nalalapit ng ann