Kabanata 15 HINDI maipaliwanag ni Kenna ang inis niyang nararamdaman kay Greyson ngayon. Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang ‘yon sa kanya ay pakiramdam niya ay siya pa ang may kasalanan kung bakit sila nag-aaway. Marry her again? Is he insane or what? Ito mismo ang nagtanong sa kanya kung nawala ba talaga niya ang singsing at nang sinabi niya ang totoo na nakalimutan niya lang at hindi talaga nawala ay ito pa mismo ang may gana na magalit. Hindi niya maintindihan kung ano ba talaga ang ikinapuputok ng butsi nito. She knew for a fact that she has to wear the ring because they are on act and Greyson don’t like Raven since then. Pero alangan namang magsinungaling pa siya para sa singsing diba? Kaya inamin niya ang totoo dahil wala naman siyang nakikitang mali roon. Totoo na