SABAY na ibinaba ni Octavia ang mga paa sa semento bago tumayo galing sa backseat ng kotse. Inayos niya ang pagkakalagay ng sunglasses sa tungki ng ilong at isinukbit ang isang kamay sa braso ni Daxton bago maarteng naglakad papunta sa VIP tent. “Good morning, everyone!” masaya niyang bati sa mga nandoon. Lumapit sa kanya si Mr. Chen at nakipagbeso-beso siya rito. “This is such a nice day for a shoot, no?” “Yes, yes,” masayang sang-ayon ng may-ari ng Lovely Laces, isang lingerie line na tinaguriang Victoria’s Secret of Asia. Isa ito sa pinakamalaking kliyente ng Luxe Legacy kaya naman tuwing may photoshoot or fashion show ang Lovely Laces ay pumupunta talaga si Octavia. Lahat kasi ng kinukuha ni Mr. Chen na modelo ay galing sa kumpanya niya. This time, sa isang beach resort an