GUMISING si Maldita na parang binibiyak ang ulo. Nang dumilat siya, nagsalubong pa ang mga kilay niya dahil hindi pamilyar sa kanya ang silid na kinaroroonan. “Good morning, dzai!” Agad siyang napalingon kay Marie na nakangiting nakaupo sa two-seater sofa. “B-bakit tayo nandi—“ Ngunit naputol niya rin ang sasabihin nang biglang maalala ang nagdaang gabi. Pumunta siya sa dating bahay ng pamilya ng Papa Jason niya, tapos ay nalasing, tapos dinala siya rito ni Daxton. Pagkatapos— “S-saan si Dax?” mahinang tanong niya kay Marie na nagsimula nang tumayo at tinungo ang telepono sa tabi ng higaan. “Umuwi na kagabi. Ipapa-deliver ko lang ang in-order kong soup para sa ‘yo. Andiyan na ang breakfast pero hindi ko muna pinasali ang sabaw para hindi lumamig.” Dahan-dahan siyang umupo at sum