MARAMI nang bansa at tourist spots na napuntahan si Maldita, ngunit hindi niya pa rin maiwasang mamangha sa kagandahan ng Villa Brillante. Hindi na siya nagtataka kung bakit ginusto iyong kunin ni Octavia noon, gaya ng sabi ni Marie sa kanya. It was a paradise on earth. Napaka-peaceful ng lugar. Maraming iba’t ibang klase ng mga puno at halaman at tanaw din halos ang kalahati ng Fuente Clara. Sa ibaba ay ang napakalaking Hacienda Salvatorre. Nakaawang ang bibig ni Maldita habang pinapagala ang paningin sa lawak ng lupain na pag-aari ni Kairos. Hindi siya makapaniwala na ang lalaking nakilala niya lamang noon na si Daxton ay isa palang napakayamang bilyonaryo. Gusto niya tuloy matunaw sa hiya tuwing naaalala niya kung ilang beses niya itong kinumbinsi na sumama sa kanya dahil kayang-k