FUENTE CLARA was one of the Philippine’s richest municipalities which was located in Mindanao. Maliban sa malaking mining site sa isang bahagi ng Fuente Clara na pagma-may-ari ng pamilya Salvatorre, mayroon din itong malawak na forest and farming area. Kadalasan ay tubuhan ang produkto ng mga farm doon. Ang may pinakamalaking lupain ay ang pamilya pa rin ng mga Salvatorre. In fact, kapag sinabi mong Fuente Clara, ang pinakaunang iisipin ng mga tao ay ang pamilya Salvatorre. Halos sila na ang may-ari ng buong munisipalidad. Nang idilat ni Maldita ang mga mata nang araw na iyon, nasa hindi siya pamilyar na lugar. Ilang beses pa siyang kumurap-kurap upang masigurong hindi lamang iyon parte ng panaginip niya. Pero hindi. Wala talaga siya sa kanyang silid sa mansion. Hindi ang pamilya