CHAPTER 15 PAGPASOK pa lang nila kanina ni Daxton sa SighMoan Cosmetics factory, binigyan na silang dalawa ng VIP guest ID kaya naman malaya si Maldita na nakakapunta kahit saang gusali sa loob ng planta. Alam niyang wala halos nakakakilala sa kanya doon na anak siya ni Octavia dahil first time niya pa lang pumunta sa factory. Sinundan niya ang dalawang babae na pumunta sa canteen. Mukhang magla-lunch na ang mga ito. Tinawagan niya si Dax. “Matagal ka pa ba?” aniya rito nang sagutin nito ang tawag. “Patapos na kami ng lunch dito sa office ni Mr. Zaragosa,” sabi nito na ang tinutukoy ay ang operations director ng factory. “Well, bilisan mo. Punta ka dito sa canteen ASAP.” “Kumain na na lang diyan kung nagugutom ka. Tapos na kami ritong kumain.” “No! Punta ka dito. Bilisan mo.