“MA’AM, positive. Nasa Davao del Norte ang dating personal assistant ni Simon Alcanter.” Napahigpit ang hawak ni Maldita sa cellphone. Halos hindi siya makahinga sa ibinalita sa kanya ng private investigator dahil sa excitement na sa wakas ay nahanap nila ito matapos lamang ng mahigit isang linggo. “Nagpalit siya ng pangalan at namumuhay mag-isa dito sa Samal Island. Hindi alam ng mga tao dito kung saan talaga siya galing dahil hindi siya mahilig makipag-halubilo sa mga tao. Pero hundred percent sure, Ma’am. Siya talaga ito.” “Good.” “Gusto mo bang dalhin namin siya diyan sa Manila, Ma’am?” “No,” agad niyang tutol. “Ako mismo ang pupunta diyan. Just make sure na walang ibang makakalapit sa kanya.” Nang ibaba niya ang tawag, may ngiting sumilay sa mga labi niya. Hindi niya alam kung