PAKIRAMDAM ni Maldita ay para siyang sinampal ni Atty. Corales sa sinabi nito. Sunod-sunod lamang ang pagkurap niya habang tinitingnan ang nakangisi nitong mukha. “A-Ano po ang ibig niyong sabihin?” tanong niya sa nanginginig na boses. Kahit anong pilit niyang huwag magpakita ng kahit na anong weakness ay hindi niya mapigilan ang sarili. After all, this man had been in practice for almost four decades. Alam na alam nito kung paano mang-intimidate ng kaharap lalong-lalo na kapag nasa korte ito. “You heard me, Maldita. Pakasalan mo ako, at tutulungan kitang pabagsakin si Octavia.” Kinuyom niya ang mga palad. “So you’re still after the wealth.” Tumawa ito. “No, no, you misunderstood me, Maldita. If you want, puwede naman tayong mag prenuptial agreement. Kahit pisong duling ay wala a