Chapter 2

1953 Words
AGAD na pinakalma ni Maldita ang sarili. May parte niya ang sobrang nadismaya. Parang nalaglag ang puso niya na hindi niya maintindihan. Pero napagdesisyunan niyang magkunwari na parang walang nangyari. She squared her shoulders and plastered a sweet smile on her face. Lumapit siya sa kinaroroonan ni Octavia at ng lalaking kasabay niya na pumunta dito sa party. “Nice to see you again, mother,” sarkastiko niyang sabi sabay beso-beso rito. Ang totoo ay mas sanay siyang tawagin ito sa first name nito simula noong sixteen years old siya. “What are you doing here, Maldita?” blanko ang mga mata nito. Ni hindi ito nag-effort man lang na magkunwaring natuwa itong makita ulit ang anak. “Hindi mo man lang ba kukumustahin ang prodigal daughter mo?” nakangising tanong niya saka binalingan ang lalaki sa tabi nito na nagpakilala kaninang Dax. “Is this the new boy toy?” Walang reaction sa guwapong mukha ng binata. Hindi kataka-taka na na-attract dito ang mommy niya. May kakaiba talaga sa lalaki na kahit pa napapaligiran ito ng iba pang mga modelo, angat na angat ang presensiya nito. Ang pagkakaalam niya, isa itong poolboy sa mansion. Pero malakas ang dating nito lalo na ngayong nabihisan ng tuxedo. He exuded a powerful and strong aura kahit ganoon lamang ang estado sa buhay. Kaya nga hindi man lang sumagi sa isipan niya kanina na ito na pala ang fiance ng mommy niya. She was expecting someone totally different—guwapo pero mukhang kayang utus-utusan ng kahit na sino. Pero ang lalaking kaharap niya ngayon ay iba. “Daxton is your future stepdad, Maldita,” wika ni Octavia sa malamig na boses. “He’s not just a boy toy.” “Oh.” Ipinilig niya ang ulo at tiningnan ang binata saka mapang-asar na nginitian. “Hello, Daddy.” Ang paraan ng pagkakasabi niya ng daddy ay hindi iyiong tipong tinatawag niya ang kanyang ama. It was something more seductive. “Bakit ka umuwi?” tanong ni Octavia habang pinapasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Nagkibit-balikat si Maldita. “I heard you’re getting married again, Octavia. I couldn’t miss it for the world, could I?” Sasagot sana ito nang may lumapit sa kanilang matandang lalaki na malagkit ang tingin kay Maldita. “Enjoying yourself in this party, Mr. Go?” malambot ang boses na tanong ni Octavia rito. “Yes, yes.” Dinilaan ni Mr. Go ang ibabang labi habang nakatingin kay Maldita. “And who is this? Parang hindi ko siya nakita kanina sa mga pinakilalang new faces ng Luxe Legacy.” “That’s Maldita,” simpleng tugon ng mommy niya. Ni hindi siya pinakilala bilang anak. “Maldita? Hmm.. what an interesting name.” Halos hubaran na siya nito sa tingin. “Very exciting.” Pinaikot ni Maldita ang mga mata at walang paalam na tumalikod at iniwan ang mga ito. Tinungo niya ang table kung saan may nakahandang mga champagne glass at lumagok siya ng isang inumin. Damn. Hanggang ngayon, naaapektuhan pa rin talaga siya tuwing kaharap ang mommy niya. Sinubukan na niyang maging manhid pagdating sa mga bagay na may kinalaman kay Octavia pero hindi pa rin niya maiwasang mahiling na sana ay ipinanganak siya sa isang normal na pamilya. Sa mata ng publiko, Octavia Romano was a perfect, accomplished woman. She did not even look like a 36-year-old widow with a 20-year-old daughter. Maganda ang maamo nitong mukha at may petite na pangangatawan. Madalas itong ihambing kay Heart Evangelista. Ngunit sa mata ng sarili nitong anak, Octavia was all rotten inside. Hinding-hindi niya ito mapapatawad kahit kailan. Kumuha ulit siya ng isa pang champagne at halos inisang lagok iyon. Habang tinitingnan niya ang ina at ang bago nitong fiance, aminado siya na bagay tingnan ang dalawa. Hindi niya alam kung ilang taon na si Dax pero sigurado siyang hindi pa ito aabot sa edad na trenta. Maldita gritted her teeth. Siguro kung lumaki lamang siya sa normal at masayang pamilya, awtomatikong gagawin niyang off-limits si Dax nang malaman niyang ito ang pakakasalan ng ina. But she’s not normal, and she never would be. Her trauma was far too deep-rooted. Kaya imbes na umatras, mas lalo pa tuloy nabubuhay ang excitement sa puso niya na akitin si Dax. Sa puntong ito ng buhay niya, gagawin niya ang lahat, makapaghiganti lang sa kanyang ina. ……. SINENYASAN ni Octavia ang isang staff saka may binulong dito. “...make sure na tama ang makukuha niyang wineglass.” Iyon na lamang ang tanging nasagip ng pandinig ni Dax sa pag-uusap ng mga ito. Mayamaya ay humarap ulit sa kanila ang babae. “She’s all yours, Mr. Go.” Matamis ang ngiting sabi ni Octavia. “In about 30 minutes, I’ll have my men deliver her to your room.” Ngumisi ang manyak na matanda saka masayang tumango-tango at umalis. “Anong ginawa mo?” kunot-noong tanong ni Dax. Octavia shrugged. “Giving my long-time client what he wants.” Napatiim-bagang siya. “Anak mo si Maldita.” “Oh, come on, Dax.” Pinaikot ng babae ang mga mata. “She’s not a minor. She’s already twenty years old and who knows ilang lalaki na ang nakatikim sa kanya sa iba’t ibang panig ng mundo. Besides, Mr. Go is really good in bed. Baka pasalamatan pa ako ni Maldita ‘pag tapos na sila.” Matagal niya itong tinitigan, hindi siya makapaniwalang kaya nitong gawin iyon sa sariling anak. Kunsabagay, dati pa man ay alam na niyang walang puso si Octavia Romano. “At ba’t mo naman nasabi na magaling si Mr. Go sa kama? Natikman mo na rin ba?” Tumawa ng malakas si Octavia. “That’s not a question I expect from you.” Dinikit nito ang katawan sa kanya at marahang hinaplos ang malapad at matigas niyang dibdib. “Don’t tell me you’re jealous?” “Iniisip ko lang kung ang mga modelo mo lang ba ang kaya mong ibugaw sa mga kliyente mo o pati ang sarili mo?” “I don’t enjoy this conversation, Dax.” May kaunting pagbabanta sa mga mata ng babae pero masuyo siya nitong hinalikan sa labi pagkatapos ay iniwan siya para i-entertain ang iba pa nitong mga bisita. Mukhang hindi talaga ito nababahala kahit kaunti para sa anak nito. Sinulyapan niya si Maldita. Kinuha na nito ang kopitang in-offer ng staff ni Octavia. Mayamaya lamang ay sumasayaw na itong mag-isa sa gitna ng dance floor. Napatiim-bagang si Dax. Aaminin niya sa sariling unang kita niya pa lang sa dalaga ay naakit na agad siya rito. Dati pa lang ay alam na niyang may anak na dalaga si Octavia pero hindi niya ito masyadong pinagtuunan ng pansin. Ni hindi niya tinitingnan ang social media profile nito kahit pa ang sabi ng iba ay kilala ito na influencer. Ngayong nakita na niya si Maldita sa personal, hindi maikakailang napaka-hot nito. Lalong-lalo na kapag naaalala niya ang ginawa nito kanina sa kotse. Parang gusto niya itong hubaran doon mismo sa dance floor. Pero si Octavia ang kailangan niya para sa mga plano niya. Wala siyang balak na magpa-distract sa kahit na sino pa man. Nakita niya ang paghinto ni Maldita sa pagsasayaw. Naging malikot ang mga kamay nito na senswal na humahaplos sa leeg nito pababa sa gilid ng dibdib. Mukhang may kakaiba na itong nararamdaman. May lumapit na dalawang lalaki sa dalaga. Hindi naman ito pumalag nang akayin ito ng mga iyon palabas ng events hall. Kinuyom ni Dax ang mga palad saka tumalikod. Hindi niya kailangang ma-involve sa sitwasyon na iyon. Hindi na niya problema kung ano man ang gawin ni Mr. Go kay Maldita. Mas kailangan niyang mag-focus kung paano mas lalong makuha ang tiwala ni Octavia sa kanya. Pero parang nginangatngat siya ng konsensiya. Na-i-imagine niya ang magandang mukha ni Maldita. F*ck! Sinulyapan niya si Octavia na malakas na tumatawa sa di-kalayuan habang kausap ang iilang VIP. Mukhang wala na talaga itong pakialam kung ano man ang mangyari sa anak nito. Aliw na aliw ito sa kung ano man ang pinag-uusapan ng grupo nila. Kaya naman nakapuslit siya paalis ng hall na hindi nito napapansin. Sinundan niya ang tatlo na papunta sa hilera ng mga elevator. Hindi diretso ang paglalakad ni Maldita. Nakasukbit ang isang braso nito sa siko ng isa sa mga lalaki habang panay ang paghaplos ng kabilang kamay sa kung saan-saang parte ng sarili nitong katawan. Isinandal pa nito ang ulo sa balikat ng lalaki at malanding tumawa. Papasok na sana ang tatlo sa isang elevator nang maabutan niya. “Saan n’yo siya dadalhin?” “Kay Mr. Go.” “Ako na magdadala sa kanya,” aniya. Tiningnan siya ng isang lalaki mula ulo hanggang paa. “Hindi puwede, malilintikan kami kay Ms. O,” tanggi nito. Siniko ito ng kasamahan nito saka binulungan. “Gago, boyfriend ‘yan ni Ms. O.” “Ay, sorry, Boss!” gulat na sabi ng lalaki. “Bago pa lang kasi ako. Hindi ko kayo nakilala agad. Pasensiya na talaga.” Tumango lang siya. Madilim ang mukha. Nang umalis na ang mga ito, inalalayan niya sa braso ang dalaga. “Maldita!” Umungol ito at mapupungay ang mga matang tumingin sa kanya. “Well, hello, handsome.” Napang-akit itong ngumiti at hinawakan siya sa pisngi. “Ihahatid na kita pauwi.” Ngunit umungol ito at pinulupot ang mga braso sa batok niya at inilapit ang mukha. “Ayaw.” “Kailangan mo nang umuwi.” “But you make me feel so hot,” paos nitong bulong. “Ba’t hindi kaya tayo mag check-in dito?” “Umuwi na tayo.” Hihilahin na sana niya ito papunta sa parking lot pero biglang bumigay ang mga tuhod nito at tila nawalan ng malay. Maagap naman niya itong nabuhat. Tiningnan niya ang mukha ng nakapikit na babae. Napakaganda talaga nito. Napabuntong-hininga si Dax saka pumasok sa elevator. Binigyan siya ni Octavia ng sarili niyang suite for two nights dito sa Azura Hotel dahil siya ang pinaasikaso nito sa party. Doon na muna niya iiwan ang babae hanggang sa humupa ang epekto ng medisinang pinainom dito ni Octavia. May isang bedroom sa loob ng suite na nakahiwalay sa sala. Pagpasok na pagpasok nila sa loob ng kuwarto, dumilat si Maldita at senswal na umungol. Mukhang nagkunwari lang itong nawalan ng malay kanina. Buntong-hiningang nilapag niya ito. “Dito ka muna magpalipas ng gabi. Huwag kang lumabas. Babalik lang ako sa party.” Tatalikod na sana siya pero bigla siya nitong niyakap. “Don’t leave me please, Daddy,” masuyo nitong pakiusap na parang bata. Hinalik-halikan pa siya nito sa leeg. Napalunok siya. “Maldita…” Inalis niya ang mga kamay nitong nakapulupot sa baywang niya pero mabilis din nitong ginamit ang pagkakataon na iyon para alisin ang pagkaka-insert ng suot niyang white long-sleeve polo shirt. Ipapasok sana nito ang mga kamay sa loob para kapain ang dibdib niya nang pigilan niya ito. “Maldita, tama na. Wala ka sa tamang pag-iisip ngayon. May nainom kang stimulant.” Huminto ito saka mapang-akit na ngumiti sa kanya. Inilapit nito ang mukha sa kanyang pisngi. “Let me tell you a secret, Daddy,” bulong ng babae. Mukhang sinasadya talaga nitong idikit ang mga labi sa balat niya habang nagsasalita kaya naman damang-dama niya ang init ng mabangong hininga nito. “Iniluwa ko ang pinainom ni Octavia kanina sa dance floor. I’m not stupid and I’m not under the influence of that f*cking drug.” Nahigit ni Dax ang hininga. Tiningnan niya ang mukha ng dalaga. She looked back at him seductively. Bahagya pang namumungay ang mga mata nito na ngayon ay bumaba ng tingin sa mga labi niya. “Kiss me,” mahinang utos nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD