Chapter 1

3108 Words
❌STOP❌ If you are: 1. A minor 2. Sensitive This story is SSPG. EROTICA po ito. Maraming s*xual scenes and explicit words, so read at your own risk! Kung gusto mo ng Erotic Romance, please read my other story The Billionaire's Slave. Kung gusto mo naman ng erotica na may halong romance, pasok na pasok ka rito! Baon na baon pa. ••••• PROLOGUE HINDI na mabilang ni Maldita kung ilang beses siyang lumunok habang binabagtas ang daan galing sa kubo papunta sa main house ng Villa Brillante. Kabadong-kabado siya. Madilim na ang paligid maliban sa mga solar-powered garden lights na nakalagay sa gilid ng makipot na daan. Tumawid siya sa wooden bridge ng malaking natural pool kung saan ang tubig ay nanggagaling sa mainit na bukal. Dinaanan niya rin ang hardin na may malalagong halaman at mga bulaklak. Nang marating ang malaking bahay na gawa sa kahoy, humugot muna siya ng malalim na hininga bago pumasok. Maging ang sliding door niyon ay gawa sa kahoy na parang katulad ng mga ginagamit sa traditional Japanese and Chinese houses. In fact, the whole house was inspired by the east asian architecture. Tahimik ang paligid. Tanging mga kuliglig sa labas lamang ang naririnig niya. Ang loob ng bahay ay naiilawan lamang ng dim yellow light at batid niyang dalawa lamang sila sa loob ng mga sandaling iyon. Pumunta siya sa kanan na pasilyo at naglakad hanggang sa dulo. Nang marating ang isa pang sliding door na kahoy, kumatok muna siya. “Come in,” ani ng isang mababang boses. Napakagat-labi si Maldita nang marinig iyon. It sounded familiar, yet so strange. Nang pumasok siya, nanatili siyang nakayuko habang naghihintay sa tabi ng pintuan. “Come closer.” Napakapit siya sa sarili niyang kamay. Hindi niya pa rin magawang iangat ang ulo para tingnan ang lalaking nakaupo sa malaking higaan. Hindi niya kaya. Ramdam niyang pinapasadahan siya nito ng tingin. Gustong-gusto niya ring tingnan ang lalaki pero natatakot siya. Natatakot siya sa kung ano man ang makita niya sa mga mata nito. Pakiramdam niya, wala na siyang mukha pang maihaharap sa lalaki. “You’re staying at my villa, so you will be my chambermaid while you’re here. Minsan lang naman ako dito. Usually weekend lang ako pumupunta para mag-relax. But every time I’m here, I expect you to clean this room, prepare my food, and give me massages. In short, you will do everything that I ask you to do. Do you understand?” Tumango siya. “Do you understand?” ulit nito sa mas mariin na boses. “Y-Yes, Sir.” “And another thing…” saglit itong huminto at muli siyang tinitigan. “I also expect you to make me happy in bed. Magagawa mo ba iyon?” Saglit lang siyang natigilan bago muling tumango. Ini-expect naman na niya iyon. “Yes, Sir,” aniya sa mahinang boses. Narinig niya ang mahina nitong pagtawa. “I never expected I’d see you like this, Maldita. Saan na ang tapang at kamalditahan mo noon?” Kahit naman si Maldita ay hindi in-expect na makikita niya ang lalaki na ganito. Kailan niya lang naman ito huling nakita pero pakiramdam niya hindi na niya ito kilala. Maging ang paraan nito ng pananalita ay ibang-iba. Hindi siya madaling ma-intimidate pero pakiramdam niya ngayon ay ang liit niya sa harapan ng lalaki. “You are free to go anytime. Hindi kita pinipilit na manatili rito. Kung ayaw mo ng mga ipinapagawa ko–” “No!” maagap niyang putol at sa wakas ay nag-angat ng mukha para tingnan ang lalaki. F*ck! Parang gustong tumalon ng puso niya sa kaguwapuhan nito. He looked more confident, more handsome, more powerful, sexier, hotter, and… Angrier. Lumunok si Maldita at muling napayuko. “I-I’ll stay.” May sumilay na ngiti sa mga labi ng binata. “Good.” Bigla itong may tinapon sa harapan niya na pang-tali. “Tie yourself on the bed and take off all your clothes.” Napasinghap siya at namimilog ang mga matang tiningnan ito. Natatakot siya sa kung ano ang gawin nito sa kanya ngayon. She knew he could be very rough in bed. May kailangan itong malaman. Pero paano niya ba sasabihin iyon kung tiyak niyang mas lalo lamang iyong ikagagalit ng lalaking kaharap? “S-Sir Kairos, hindi mo naman ako kailangang itali…” Ipinilig nito ang ulo at amused na tiningnan siya. “Why do you look so scared, Maldita? Nakalimutan mo na ba? Minsan mo na rin akong itinali sa kama noon at sapilitang inangkin ang katawan ko. So why are you acting like a virgin now?” Napayuko na lamang siya ulit. Paano nga ba siya dumating sa puntong ito? Paano ba siya dumating sa puntong kinasusuklaman siya ng buong mundo at ni wala siyang ibang malapitan kundi ang lalaking ito na may galit din naman sa kanya? ••••• NAKARAAN... AFTER travelling around the world for two years, buong akala ni Maldita ay hindi na siya tutuntong ulit sa bansang Pilipinas. Pero heto siya ngayon, ready to ruin her own mother’s wedding engagement to a total stranger. Humalukipkip si Maldita nang bumaba galing sa taxi na sinakyan at tiningnan ang mala-palasyong mansion kung saan nakatira ang kanyang ina. Nakakatawang isipin. Ito na lamang ang nag-iisang pamilya niya pero kahit kailan ay hindi niya ito nakasundo. Ang mala-palasyong bahay na iyon ay kahit kailan hindi naging tahanan para kay Maldita. Nag mistula iyong isang malaking kulungan sa loob ng labing-tatlong taon na tumira siya roon. Mapait na ngumiti si Maldita habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ng mansion. Hindi siya nasabik na makita iyon ulit. At mas lalong hindi siya nasabik na makita ulit ang mommy niya. Kahapon lang, natanggap niya ang balita na ikakasal na ito sa ikatlong pagkakataon. Una ay sa ama ni Maldita. Pangalawa ay sa isang matandang business tycoon na siyang orihinal na may-ari ng mansion na ito, at ngayon naman ay sa poolboy daw nito. Kung hindi pa siya pinadalhan ng chat message ng kaibigan niyang si Marie na nagtatrabaho roon sa mansion bilang katulong ay hindi niya pa malalaman ang tungkol doon. Dzai, uwi ka na. Ikakasal daw mommy mo next month sa dating poolboy dito. Tsaka may nasagap akong tsismis na gusto ka daw alisan ng mana. Pati ang lupa n’yo sa Laguna, gusto pa yatang ibigay sa boy toy niya. Baliw talaga mommy mo. Dahil magkaiba sila ng time zone at hindi naman palaging nakakapag-online si Marie ay hindi kompleto ang balitang nakuha niya rito. Hindi na niya hinintay na masagot nito ang iba pa niyang mga katanungan. Dumiretso na agad siya sa airport at doon na bumili ng ticket pauwi ng Pilipinas. Sa totoo lang ay wala naman siyang pakialam sa mamanahin niya sa mommy niyang si Octavia. In fact, ayaw niya talagang makakuha kahit isang sentimo man lang dahil hindi naman originally sa kanila ang pera na iyon at isa pa, alam niyang karamihan sa pera nito ay galing sa masama. Pero ibang usapan ang lupa nila sa Laguna. Pag-aari iyon ng namayapa niyang ama. Wala itong karapatang ibigay iyon sa kahit na sino. Kahit one hundred square meters lamang iyon at hindi naman prime lot, ipaglalaban niya iyon. Hinila ni Maldita ang luggage bag papasok sa loob ng bahay at agad siyang sinalubong ng nakangiting si Marie. “Welcome home, dzai!” agad siya nitong niyakap. Sa lahat ng katulong sa mansion ay ito lamang ang bukod-tanging nakasundo niya noon. Hindi kasi ito sipsip sa mommy niya. Matanda lamang ito ng tatlong taon sa kanya kaya kahit one year niya lang itong nakasama bago siya lumayas ay close niya pa rin niya ito hanggang ngayon. “This is not my home. Alam mo ‘yan,” agad niyang tutol at ginantihan ito ng yakap. “Oops! Sorry.” “Where is she?” tanong niya. “Nasa Azura Hotel sila Ma’am Octavia. Nagpa-party siya para sa new faces ng Luxe Legacy Modeling.” “Right now?” Tumango ang kaibigan. Ang Luxe Legacy Modeling ay isa sa mga naiwang negosyo ng pangalawang asawa ni Octavia na si Simon Alcanter. Isa ito sa pinakamalaking modeling agency ng bansa at alam ni Maldita na malaking event iyon tuwing nagla-launch ang kompanya ng bagong models taon-taon. “Do I still have my evening gowns in my closet?” tanong niya. Muli itong tumango. “Nandoon pa rin lahat ng mga gamit mo kasi hindi naman pinagkaka-interesan ng mommy mo ang mga ‘yon.” Ikinumpas niya ang isang kamay. “She doesn’t care about any of my things. Baka nga nakalimutan na niyang may kuwarto ako dito. O baka nakalimutan na talaga niyang may anak pala siya.” Natatawang sumang-ayon ang kaibigan. Mabilis na pumanhik si Maldita sa second floor ng bahay kung nasaan ang dati niyang ginagamit na kuwarto. Malawak iyon at mukhang kuwarto ng isang prinsesa. Pero hindi na mabilang ni Maldita ang mga gabi na umiiyak siya roon. Pumasok siya sa walk-in closet na halos kasing laki ng boutique shops sa mga mall. May binuksan siyang isang cabinet at natuwa siya nang makitang nandoon pa rin ang ilang bote ng alak na ninanakaw niya noon sa cellar ng mansion. Kumuha siya ng isa at binuksan iyon gamit ang corkscrew na kasamang nakatago ng mga bote. Tinungga niya ang alak na parang softdrinks lamang ang iniinom niya. She needed something to numb her pain sa muling pag-uwi niya sa bahay na ito dahil bumabalik sa kanya ang mga masasakit na alaala. Isa pa, kailangan niya ng pampalakas ng loob sa muling pagkikita nila ng ina. Namili siya ng gown na susuotin habang patuloy sa pag-inom ng alak. Nang may magustuhan ay nag-shower na siya at inayusan ang sarili. Galing pa siya sa mahigit 13 hours niya na flight galing Paris, France pero wala siyang pakialam sa jet lag na nararamdaman. Gusto niyang pumunta sa party ni Octavia para surpresahin ito. Tiyak na maggagalaiti ito sa galit at natutuwa siya sa isiping iyon. Nang bumaba siya ay naghihintay na sa kanya si Marie sa malawak na foyer ng bahay. “Sabihan ko lang si Manong Jun na ihatid ka sa Azura Hotel,” sabi nito. Tatango na sana si Maldita nang may magsalita sa kanyang likuran. “Hindi na kailangan. Doon din ang punta ko.” Agad siyang lumingon at nakita ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng tuxedo. Awang ang bibig na pinapasadahan niya ito ng tingin. Bakit may ganoon ka-guwapong lalaki doon? Ito ang tipo ng lalaki na mangangatog ang tuhod mo kapag nakaharap mo ito. Nang maka-recover sa pagkabigla ay nginitian niya ang binata. “And you are?” Tumingin ito kay Marie saka ibinalik ang tingin sa kanya. “Isa sa models ng mommy mo.” “Oh…” Bahagyang tumaas ang isang kilay niya pero hindi pa rin nawawala ang ngiti. Hindi niya alam kung epekto ba iyon ng alak pero kilig na kilig siya rito. Itatanong niya pa sana kung bakit ito nasa bahay pero tumalikod na ang lalaki at lumabas sa main door kaya mabilis siyang napasunod. “Dzai!” Sinubukan siyang tawagin ni Marie pero hindi na rin siya lumingon pa. Marami pa silang oras para makapag-usap mamaya pagkatapos ng party. Nakaabang na ang midnight blue sports car ng lalaki nang lumabas sila sa driveway. Nang pumasok ito ay pumasok na rin sa loob si Maldita. “So, what’s your name?” “Dax,” sagot nito saka pinaandar na ang makina ng kotse. “Why are you here in the mansion? I bet kanina pa nagsisimula ang party.” “May pinakuha lang si Ms. O,” anito na ang tinutukoy ay ang Mommy Octavia ni Maldita. “Oh, okay.” Hindi na siya nag-usisa pa dahil mas gusto na lamang niya itong titigan nang titigan habang nagmamaneho. Napaka-guwapo naman kasi talaga nito! “Ilang taon ka nang nagmo-model?” Natigilan ito saka humugot ng malalim na hininga. “Sandali pa lang.” “So, isa ka sa new faces na ila-launch?” Umiling ito. “You don’t like talking much, do you?” Hindi ito sumagot. “It’s okay. I can just stare at you the whole night, Mr. Handsome,” hindi nahihiyang deklara niya. Dala na rin siguro ng ininom na alak. Gusto niya itong akitin ngayon dahil gusto niyang kapag pumasok siya mamaya sa party, may escort siya bilang props sa pang-iinis sa mommy niya. Gusto niyang pagtitinginan sila ng lahat ng tao roon habang nakasukbit ang mga kamay niya sa braso ng guwapong lalaking ito na sobrang lakas ng dating. Her conceited mother could never stand it when she’s being upstaged by her own daughter. Siguradong maiinis ito kapag na kay Maldita ang lahat ng atensiyon. Tiningnan siya ng lalaki pero hindi pa rin ito nagsalita. Hindi niya alam kung natatakot ito dahil alam nitong anak siya ni Octavia, o sadyang manhid lang ito sa effort niyang makipag-flirt. Maldita decided to take it to the next level. Mas lalo niyang binaba ang sleeves ng off-shoulder gown na suot at pinaypayan ng kamay ang dalawa niyang malulusog na dibdib na ngayon ay halos sumilip na ang magkabilang ut*ng. “Ang init pala ng gown na ‘to. Hindi na ako sanay sa klima ng Pilipinas.” Nilakasan ng lalaki ang aircon. Napalingon siya rito. Mukhang hindi effective ang subtle moves niya. Kailangan yata talagang diretsahan itong akitin. Pinatong niya ang kaliwang kamay sa hita ng lalaki at napangiti siya nang marinig ang mahina nitong pagsinghap. Good. May pakiramdam din naman pala ang lalaking 'to. “Hindi ako nakakuha ng driver’s license noon," malambing ang boses na sabi niya. "Ngayon naman, paiba-iba ang bansa na pinupuntahan ko kaya hindi na rin ako kumuha pa ng license. I don’t even know how to drive. Puwede mo ba akong turuan?” Marahan niyang hinimas-himas ang hita nito habang nagsasalita. “Magiging busy ako sa mga darating na araw. Pero madami namang driver si Ms. O. Puwede kang magpaturo sa kanila.” She pouted her lips. “Paano kung ikaw ang gusto ko?” Unti-unting umaakyat ang kamay niya. Pinukulan siya nito ng napakalamig na tingin. “Anong klaseng pagda-drive ba ang gusto mo? Drive sa kotse o drive sa kama?” She was taken aback. Hindi niya inasahan na didiretsahin din siya nito pero mukhang hindi ito natutuwa sa kanya. Ngumiti siya ng nakakaakit kahit nakatuon na ulit ang atensiyon nito sa kalsada. Kinagat niya pa ang ibabang labi. “Puwede namang both.” “Gaya ng sabi ko kanina, magiging busy ako sa mga darating na araw. Malay mo, available din sila Manong mapa-kotse man o mapa-kama.” Inis na tuluyang dinaklot niya ang p*gkalalaki nito. “Ikaw ang gusto ko,” mariin niyang deklara. Napaigtad ang lalaki pero hindi man lang ito tumingin sa kanya. “Tama nga ang sabi nila. Spoiled brat pala talaga ang anak ni Ms. O.” “Yes, tama nga ang narinig mo,” pagsang-ayon niya saka kinuha ang kanan nitong kamay at mabilis na dinala iyon sa loob ng gown niya papunta sa mainit na bagay sa pagitan ng kanyang mga hita. Madali lamang niyang nagawa iyon dahil halos aabot na sa balakang ang slit ng damit na suot. Gusto sana niya itong gulatin sa ginawa pero parang siya pa tuloy ang nagulat nang tuluyang dumapo ang kamay nito sa p*gkababae niya. Ang init ng kamay nito. Ang sarap sa pakiramdam. Nakakakiliti. Hindi niya alam na ganito pala kasarap ang mahawakan doon. "Ugghhh..." Hindi niya napigilan ang mapaungol ng mahina. “Anong ginagawa mo?” tanong nito. Halata niyang hindi na rin normal ang paghinga ng binata. Alam niyang naaapektuhan din ito kahit papaano. “A-ang sarap,” parang wala sa sarili na usal niya habang dahan-dahang kinikiskis ang kamay nito sa kanyang hiyas. Napasinghap ulit siya nang maramdaman naman ng kaliwa niyang kamay ang pag-react ng ari ng lalaki. Nagulat siya dahil parang sobrang laki niyon ngayong nagagalit na ang alaga nito. Kaya siguro Dax ang pangalan ng lalaki. Literal na daks talaga ito! Hinawi niya ang suot na panty at ipapasok sana ang kamay ng lalaki doon pero mabilis nitong binawi ang kamay. “Malapit na tayo,” sabi nito. Shit! Bakit ba kasi ang lapit lang ng Azura Hotel galing sa mansion? Nag-iinit na sana siya eh. Nang pumasok ang kotse sa indoor parking lot ng hotel, muli niyang kinausap ang lalaki. “Sabay na tayong pumasok sa party.” Umiling ito. “May gagawin pa ako.” Napabuga siya ng hangin. Gusto na niyang isipin na bakla ito kung hindi niya lang naramdaman ang pag-react ng alaga nito kanina sa kanya. Nawala na tuloy ang mood ni Maldita. Mainit ang ulo niya nang pumasok sa loob ng hotel. Hindi na niya pinansin ang pagbati sa kanya ng guard. Dire-diretso siya sa rest room para i-check ulit ang itsura niya. Nang makuntento sa nakita ay nagtungo na siya sa events hall ng naturang hotel. Familiar na sa kanya ang lahat ng facilities doon dahil isa din iyon sa mga negosyong namana ni Octavia sa pangalawa nitong asawa. Maraming tao sa loob. Ang iba ay mga modelo, ang iba naman ay mga naimbitahan na VIPs. Mayroon ding iilan na galing sa press. VIPs were there for two different reasons. Ang iba, nandoon para makilala ang Luxe Legacy models na puwede nilang kunin sa advertisements and promotions ng kanilang kompanya. Ang iba naman, nandoon para makilala ang mga bagong modelong puwede nilang bayaran para maikama. Batid ni Maldita na hindi lamang simpleng model agency ang negosyo ng ina. In fact, front lamang ang pagiging model agency nito. Dahil ang totoo, mas kumikita sila sa mga mayayamang tao na willing magbayad ng malaki para lamang makatikim ng magaganda at guwapong modelo. Medyo nawala ang inis ni Maldita nang magtinginan ang mga tao sa kanya. Sa dami ng magagandang model ng kanyang ina, hindi pa rin maikakaila na kaya niyang pagmukhaing katulong ang mga ito with little effort. Mas lalo niyang itinuwid ang pagkakatayo at mas lalong ikinembot ang mga balakang habang naglalakad. Lihim siyang nagdidiwang sa atensyong binibigay sa kanya ng mga tao roon. Nang makita niya sa wakas si Octavia, ngumiti siya ng malapad. Ngiting tagumpay habang ito naman ay halos hindi na maipinta ang mukha. Nakabusangot ito. Halatang inis na inis sa pagdating niya at sa atensiyong binibigay ng mga tao sa kanya. Pero ang malapad na ngiti ni Maldita ay unti-unting nawala nang mapansin ang lalaking lumapit kay Octavia. Hinapit nito sa baywang ang babae at hinalikan sa mga labi. Sh*t! Iyon ang lalaking pinahawak niya ng p*gkababae niya kanina!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD