Chapter 17 -Truth Revealed

1662 Words

UNTI-UNTI kong iminulat ang aking mga mata nang magising ako. Hindi ko namalayan na napahaba ang tulog ko. Marahil ay sa sobrang pagod. Pumaskil ang mga ngiti sa aking labi nang maalala ko ang nangyari sa amin ni Terrence at mga katagang lumabas sa kanyang bibig. Ramdam ko na mahal niya talaga ako. Akmang babangon na ako nang bigla kong maramdaman ang kirot sa pagitan ng aking mga hita. "Ahh!" daing ko at mariing napapikit. Nilibot ko ang mga mata sa paligid. Ngayon ko lang napansin na ako na lang ang mag-isa at wala na akong kasama. "Nasa'n kaya si Terrence?" bulong ko habang pilit na bumabangon. Nagkalat pa ang mga damit ko sa sahig. Nakaramdam na rin ako ng lamig dahil sa nakatutok na electricfan sa akin. Isa-isa ko iyong pinulot kahit na hirap na hirap ako dahil sa sakit ng bu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD