Chapter 14 - Choose

1930 Words

"TERRENCE, bitawan mo ako!" sigaw ko sa kanya nang mapansin kong sa lumang building niya ako ng school na ito dinala. Medyo madilim dito dahil hindi na abot ang ilaw sa poste at wala ring taong dumaraan. Pilit kong kinukuha kanina pa ang kamay ko na hawak niya ng mahigpit. Masakit na rin ang mga paa ko dahil sa sandals na suot ko. Nang makapasok kami sa loob ng building ay saka niya ako hinarap ng madilim at galit niyang pagmumukha. Nakaramdam tuloy ako ng takot dahil sa itsura niya. Malakas na rin ang pagkabog ng puso ko. Pinaghalong kaba at takot ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. "Bakit kasama mo si Edward?" galit niyang tanong. Halos sumigaw na siya pero may pagpipigil lang sa boses niya. Napakunot tuloy ang aking noo. Alam naman niyang anak ng amo ni Nanay si Sir Edward.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD