Chapter 1

1322 Words
Alessia   Assassin Name: Mystique Disposition: Ingenium   “Vincent!” rinig ang aking sigaw sa buong hallway ng Order of Assassins at halos lahat yata ng tao ay napatingin sa akin. “Ang aga-aga nakikipaglandian ka nanamang malandi ka!” Hinabol ko siya at mabilis siyang tumakbo papalayo habang gulat na nakatingin sa amin ang babaeng linalandi niya kanina.   “Cupcake, sorry na. Hindi naman ako nakikipaglandian sa kanya e. I was just being friendly.” Depensa niya sa kanyang sarili habang hinahabol ko siya.   “Just being friendly? Hinahalikan mo iyong kamay ng babaeng iyon tapos sasabihin mo na nakikipagkaibigan ka lang?” galit kong sigaw sa kanya. “Oras na mahabol kita magdasal ka na hindi ko dudukutin iyang nguso mo!”   “Cupcake naman.” Naririnig ko ang tawanan ng ibang empleyado na nanunuod sa amin na naghahabulan.   Hindi naman na bago ito sa mga empleyado ng Order of Assassins dahil ito kasing si Vincent Accardi a.k.a Reaper ay ang high school sweetheart ko. Isa kasi siyang malanding nilalang na walang ginawa kundi ang makipaglandian sa mga babae na makita niya. Matagal na kaming nasa relasyon at kahit noong nasa high school pa lang kami ay iyon na ang aking problema sa kanya. Para kaming aso’t pusa na palagi na lang nag-aaway dahil sa pagiging malandi niya. Hindi ko nga alam kung bakit pinagtiisan ko siya ng ilang taon kahit na alam kung isa siyang flirt.   Noong sumali kami sa Order of Assassins ay may nag-recruit sa amin noon at sinabi niya na may talento raw kaming dalawa sa pagiging assassin. Hindi ko naman alam kung ano ang ibig sabihin nun dahil nasa high school pa lang ako noon at ang tanging iniisip ko lang ay makasama ko si Vincent. Nang matapos kaming mag-aral ng high school ay tinanggap namin ang pagiging assassin at pinag-aral kami ng OA sa kolehiyo. Ito na ang naging permanent job naming dalawa at hindi na kami naghiwalay ni minsan.   Kaso sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos ay ang paninita at panghahabol kay Vincent ang ginawa ko. Hindi naman lingid sa kaalaman ng iba na may relasyon kami sa isa’t isa. Kaya lang ito kasing lalaking ito ay parang hindi nawawalan ng kalandian sa katawan. Hindi ko nga alam kung bakit naging Manus Dextra ito at nauna pa siyang na-i-promote sa akin. Nang mapagod ako kahahabol sa kanya ay napaupo ako sa sahig. May tumulong naman na lalaki sa akin na isang kapwa ko assassin din at tinulungan niya akong makatayo.   “Miss Alessia, ayos ka lang ba?” tanong niya habang tinutulungan akong tumayo.   “Ay, ayos lang naman ako. I just need to catch my breath.” Hinagod niya ang aking likod at binigyan pa ako ng bote ng tubig na hawak niya. Mukhang hindi niya pa naman yata ito binubuksan kaya tinanggap ko na lang ito at nagpasalamat. “Thank you.”   Pagtanggap ko ng bote ng tubig ay bigla na lamang may nang-agaw nito sa akin at parehas pa kaming napatingin sa lapastangang kumuha nito. Nakita ko na masama ang tingin ni Vincent sa lalaking assassin kaya naman bigla na lang nagpaalam ito sa akin. Tinaasan ko ng kilay si Vincent sabay humalukipkip at nawala ang pagiging seryoso niya.   “O ano? Ano’ng pakiramdam na may nanglalandi sa akin? Nakakainis ‘di ba?” Inikotan ko siya ng aking mata at akmang maglalakad paalis nang pigilan niya ako.   “Sorry na. Hindi ko na uulitin, promise.” Binawi ko ang braso ko na hawak niya.   “Ilang beses ko nang narinig iyan sa iyo pero ginagawa mo pa rin naman. Bahala ka sa buhay mo, Vincent. Pupuntahan ko na lang iyong lalaking tumulong sa akin kanina baka sakaling single pa iyon at hindi malandi.” Pang-aasar ko sa kanya nang bigla na lang umangat ang aking mga paa sa ere dahilan para mapatili ako. “Ibaba mo ako!” sigaw ko sabay suntok sa kanyang likuran.   “Hindi ka pupunta sa kanya dahil oras na ginawa mo iyon ay pasusukuin ko siya hanggang sa bumalik ka sa akin.” Binaba niya ako at kita ko ang paghaba ng kanyang nguso. “Sorry na kasi, Alessia. Hindi ko na uulitin basta huwag ka nang pumunta sa kanya.”   Pinaningkitan ko siya ng aking mga mata at saka gamit ang payong na aking hawak kanina ay ipapalo ko sana ito sa kanya nang parehas kaming mapatingin sa sekretarya ni Dominus.   “Sir Reaper, Mystique, Dominus is calling the both of you in the office,” sabi niya at nagtinginan naman kaming dalawa.   Ibinaba ko na ang hawak kong payong sabay sumunod kami sa sekretarya ni Dominus at pumunta sa opisina niya. Pagpasok namin doon ay agad kaming pinaupo ni Dominus at nagbigay sa aming dalawa ng folder. Tumayo siya at saka naglakad papunta sa harapan ng kanyang mesa at humalukipkip.   “The both of you are going to go in a mission in San Francisco, California tomorrow.” Binuksan namin ang folder at isang mukha ng lalaki ang tumambad sa amin. Nang makita ko siya ay halos napahawak ako ng mahigpit sa hawak kong folder. Nakaramdam ako ng galit nang makita ko kung sino ang lalaking nakikita ko ngayon. Muling bumalik sa aking alaala ang mga nangyari noong mga panahong iyon. Napaangat ako ng tingin nang marinig kong muli ang boses ni Dominus. “His name is Sean Miller who was detained at Alcatraz prison.”   “Was?” tanong ko at tumango naman si Dominus.   “Yup!” sagot ni Dominus sa aking tanong. “Sean escaped from the prison last night wherein in a week’s time he is about to have his death sentence. FYI Alcatraz prison is one of the most secured prisons in California where notorious criminals are held. I don’t know how he managed to escape there, but according to them Sean needs to be silenced immediately. He’s one of the smartest drug lords of California. If he escaped then that means that he’s going to continue transacting drugs again and that is not good. He needs to be taken down as soon as possible.”   Binuklat namin ang sunod na parte ng papel at agad kong binasa ang impormasyon bago siya nakulong. Matagal na siyang tinitiktikan ng mga pulis noon pero wala lang silang makuhang sapat na ebidensya at noong may nangyaring ship dealing sa isang kapwa niyang drug lord ay doon siya hinabol ng mga pulis. That time that incident happened.   “He is a walking bomb. Hindi nanaman natin alam kung ano ang kanyang binabalak.” Sabay kaming napatango ni Vincent. “Now your mission is to look for Sean and kill him. That’s it. You guys can go now.”   Tumayo kaming dalawa ni Vincent at akmang lalabas na ng opisina ni Dominus nang may ipahabol siya sa amin.   “The both of you, kindly tone down your petty fights because I can’t concentrate listening to the both of you running around like children.” Nagtinginan kaming dalawa ni Vincent at saka sabay na tumango. “Good thing the both of you will not be here for a few weeks, so I will have a lot of peacefulness.”   Lumabas na lang kaming dalawa ni Vincent at sabay nagtuturuan kung sino ang may kasalanan. Piningot ko ang kanyang tenga at halos mapasigaw siya kaya naman tinakpan ko ang kanyang bibig.   “Ouch,” bulong niya sa akin habang hinahaplos ang kanyang tenga pero inirapan ko lang siya sabay nagpatiuna nang maglakad. “Alessia! What the hell is your problem?”   “Ano galit ka? Kasalanan ko ba kung bakit tayo maingay kanina? Sino ba sa atin ang nagsimula ha?” Ngumuso siya sa sunud-sunod kong tanong sa kanya.   “Sorry na nga eh.”   “Bukas na bukas ay maaga ka kundi ako mismo ang hihila sa iyo papunta sa airport bukas.” Tumango naman siya at saka naglakad na ako palayo.                                                                                                                                       
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD