Alessia
Kinabukasan ay maaga kaming nakarating sa airport at nandito na kami ngayon sa loob ng eroplano. Ang OA ay may sariling eroplano na ginagamit para lamang sa mga empleyado nila. Malawak ang sakop ng OA dahil worldwide na ito kaya naman pwede na kaming pumunta kahit saan at madali na lang ang back-up dahil may mga branches na ang OA sa bawat bansa.
Inaayos ko ngayon ang aking gamit dahil itong katabi kong lalaki ay nakikipaglandian nanaman sa stewardess ng mismong airplane. Oo sikat na kung sikat si Vincent dahil isa nga naman siya sa Manus Dextra ng OA pero sa sobrang sikat niya ay ginagamit niya ito para lumandi. Masama akong napatingin sa babae na nakikipagtawanan din kay Vincent nang mapansin niya akong binibigyan siya ng death glares.
Nang mapansin ito ng stewardess ay tumikhim siya at saka inayos ang kanyang damit sabay nagpaalam na kay Vincent. Ito namang si Vincent ay tinawag pa talaga ang pansin ng stewardess na kaaalis lang. Napatingin naman siya sa akin pero imbes na sitahin ko siya ay inirapan ko siya at saka tumingin na lamang sa bintana. Sawa na akong sitahin ang lalaking ito dahil mas matigas pa ang ulo niya kaysa sa bata. Kung hindi kita makuha sa sigaw pwes subukan natin ang silent treatment. Tignan ko lang kung manglandi ka pa.
“Cupcake? Galit ka ba?” tanong niya sa akin pero hindi ko siya sinagot. “Cupcake?” Huminga ako ng malalim at saka kinuha ang earphones sa aking pouch at saka isinaksak ito sa aking cellphone sabay nakinig na lamang ng music.
Manigas ka riyan dahil hinding-hindi kita papansinin hanggang sa makarating tayo sa California. Sa buong byahe namin papunta sa California ay hindi ko kinausap o inimik man lang si Vincent. Ilang beses na niya akong kinukulit kaso ay hindi ko siya kinakausap. Kahit noong nagkunwari akong natulog ay isang buntong hininga lang ang narinig ko mula sa kanya at saka tumigil na siya sa kakukulit sa akin.
Pagkatapos ng labing tatlong oras na byahe namin mula Italy hanggang California ay sa wakas nakarating na rin kami. Nag-inat-inat na muna ako at saka kinuha ko ang aking mga bag sabay lumabas na ng eroplano.
“Good morning, cupcake. How’s your sleep?” masayang bati sa akin ni Vincent pero ang ginawa ko lang ay lagpasan siya.
Paglabas ko ng eroplano ay dumiretso na ako sa airport baggage counter upang kunin ang aking mga gamit. Nakasunod naman si Vincent sa akin na kanina pa tinatawag ang aking pangalan pero hindi ko siya sinasagot.
“Cupcake pansinsin mo naman ako.” Pagmamakaawa niya pero nanatili akong tahimik at parang walang naririnig.
Minsan ko nang ginawa noon ang silent treatment kay Vincent dahil sa pagiging malandi niya. Noong mga panahong iyon ay nagsisimula pa lamang kami noon sa Order of Assassins. Marami kasing magagandang mga babae noong mga panahong iyon at dahil nagsawa na ako sa paninita sa kanya ay hindi ko siya pinansin ng buong araw. Ang nakatutuwa ay sinuyo ako ni Vincent hanggang sa mapagsalita niya ako. Umabot din siguro ng anim na buwan na hindi siya lumandi ng iba kaya naman gano’n ulit ang aking gagawin. Iniisip ko kung gagawin ko bang dalawang araw na huwag siyang pansinin at baka sakaling isang taon siyang hindi lumandi ng ibang babae.
Natatawa na lamang ako sa sarili ko dahil ayaw ko naman sanang gawin kay Vincent ang silent treatment na iyon pero kailangan niyang matuto. Nang makuha ko na ang aking mga gamit ay nauna na akong lumabas ng airport at saka sumakay sa naghihintay na sasakyan sa amin. Sumunod naman si Vincent na parang maiiyak na sa pagpipilit na mapasalita ako pero hindi gumagana. Pagkasakay namin ay agad na pinaandar ni mamang driver ang sasakyan upang pumunta sa hotel kung saan kami titira ng ilang araw para sa aming misyon.
“Cupcake, please naman kausapin mo naman ako. Sigawan mo na lang ako o kaya ay saktan mo ako. Please? I just want to hear your voice.” Hinawakan niya ang aking kamay pero iwinaksi ko lang ito sabay napalatak.
Tumigil ang aming kotse sa Fairmont San Francisco Hotel kung saan kami mananatili ng ilang araw o linggo. Pinagbuksan kami ng driver ng pinto at saka lumabas upang kunin ang aming mga gamit. May mga bellboy naman na agad na tinanong kami kung may reservation ba kami sa nasabing hotel. Pinakita namin ang card ng OA at agad na iginiya kami papasok sa aming kwarto na isang Presidential Suite.
Habang nasa loob kami ng elevator ay ilinabas ko ang aking cellphone at saka tinignan kung may mga messages ba ako? Habang chine-check ko ang aking cellphone ay ramdam ko ang hininga ni Vincent sa aking likuran. Sigurado ako ay sinisilip niya kung meron ba akong ka-text na iba o wala. Binalik ko ang aking cellphone sa aking bulsa at lumabas na kami ng elevator nang makarating na kami sa Presidential Suite.
“This way Ma’am, Sir.” Giya sa amin ng bellboy sabay pumasok na kami sa kwarto. “If you need something Ma’am, just press this button and someone will be at your door immediately.”
“Thank you.” Binigyan ko ng tip ang bellboy at saka lumabas na siya ng aming kwarto.
Nag-inat ako ng aking mga kamay sabay binisita ang bawat kwarto na nandito sa suite. The best talaga ang OA na magbigay ng accomodation dahil sobrang garbo. May mini bar, jacuzzi, movie room at dalawang malalaking kwarto ang nandito. Hinila ko ang aking bag upang ayusin sana ang aking mga gamit nang bigla na lang buhatin ni Vincent ito. Siya na ang naglagay ng aking trolly bag sa loob ng kwarto pero hindi ko siya pinasalamatan. Lumuhod ako sabay binuksan ang aking bag at isa-isang linabas ang aking mga damit. Linagay ko ito sa closet na naroon sa aking kwarto nang bigla na lang akong hilain ni Vincent. Magrereklamo sana ako kaso ang unang sumalubong sa akin ay ang mga labi niya sabay yinakap ako ng sobrang higpit na hindi na ako makawala sa kanya. Nang humiwalay siya sa akin ay nagtitigan kaming dalawa bago siya nagsalita.
“Look, I’m sorry,” simula niya. “Kung ayaw mo akong pansinin ng buong araw ay hindi ako magrereklamo pero sana naman ay huwang mo akong ituring na parang hangin. I can’t take it.”
Huminga ako ng malalim at saka kumawala sa kanyang yakap. “I was planning to not talk to you for two days.” Ngumuso siya na aking ikinatawa. “Paano kasi nangako ka sa akin tapos nakikipaglandian ka ulit sa stewardess na iyon. Sa susunod na makipaglandian ka pa hindi na kita papansinin ng isang linggo. Kahit lumuhod, umiyak, at manuyo ka hindi kita papansinin.”
Sumaludo siya at bigla na lamang akong yinakap na aking ikinagulat. Yinakap ko rin siya at saka binigyan niya akong muli ng halik sa aking mga labi.