MASAYANG-MASAYA ang pakiramdam ni Raven, lalo na nang mapasakamay niya ang kaniyang mga personal na dokumento ng kaniyang pagkakakilanlan. Hindi na siya mahihirapan sa pagkuha ng mga ID na kailangan niya. Makakakuha na rin siya ng passport gamit ang totoo niyang pangalan. Maging ang lumang litrato nila ng kaniyang ama ay nabawi rin niya na masaya niyang ipinakita kay Lhorde. Ganoon din ang lumang litrato ng kaniyang ina. “Kamukha mo nga talaga ang mama mo,” pansin pa nito sa larawan ng kaniyang ina noong kabataan pa nito. May ngiti pa rin sa labi na tumango si Raven. “Iyon din ang palaging sinasabi ni Papa sa akin noong nabubuhay pa siya. Hanggang sa isang araw ay makilala niya ang aking madrasta. Ang rason niya kaya nag-asawa siya ulit ng bago ay dahil sa akin, lumalaki kasi ako na wa