“‘YONG PINTO,” mariing saway ni Raven kay Lhorde nang isara lang nito iyon basta. “Love, walang basta-basta papasok dito sa silid ko,” assurance pa ni Lhorde kay Raven. “Kahit na. ‘Wag kang pakampante. Mamaya, ipa-check ka ng mommy mo sa maid ninyo. Tapos ano? Makikita tayong…” nahilakbot siya sa kaniyang na-i-imagine. “Okay po. I-lo-lock na,” ani Lhorde na maingat muna siyang ibinaba sa may kama bago muling hinayon ang pintuan para i-lock iyon. “Okay na po ba?” nakangiti pa nitong wika habang papalapit kay Raven. Hindi lang iyon, isa-isa pa nitong hinuhubad ang saplot sa katawan at hinahayaan lang nitong mahulog sa sahig. “Okay na,” aniya habang nangingiting pinagmamasdan si Lhorde sa ginagawa nitong paghuhubad. He’s really liked God. Napakaperpekto ni Lhorde sa kaniyang paningin. At