NANG magising si Raven kinabukasan ay ikinahinga pa niya nang maluwag na mamulatan niya si Lhorde na naroon pa rin sa tabi niya. Buong akala niya, magigising siya sa umaga na nakaalis na ito. Tulog pa rin ito sa tabi niya. Kung bakit pagmulat niya ng kaniyang mga mata ay nakahiga na siya paharap sa binata. Hindi lang iyon, siya pa mismo ang nakayakap dito. Kaya naman matapos itong sandali na pagmasdan ay minabuti niya na bumangon na. Ngunit ang akma niyang pagbangon ay hindi natuloy nang ipatong ni Lhorde ang isa nitong kamay sa may tiyan niya. Kapag kuwan ay hinapit pa siya nito palapit muli sa katawan nito. Saka lang unti-unting iminulat ni Lhorde ang mga mata nitong nakapikit. Lihim tuloy na napalunok si Raven. It was their first morning together after ten years. “Saan ka pupunta?