NANG mapagod kaiiyak sa banyo si Raven at makaramdam na ng antok, naghilamos lang siya ng mukha at nagbawas ng panubigan na halos isumpa niya dahil sa kirot na dulot ng pag-ihi niya sa kaniyang kaselanan. Pagkuwan ay ipinasya na rin niya na lumabas na ng banyo. Tahimik na sa labas niyon kaya akala niya ay umalis na rin si Lhorde katulad ng kaniyang gusto. Ngunit natigilan pa siya nang makita ang pagmumukha nito sa labas ng banyo pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto. Akmang isasarang muli ni Raven ang pinto nang mabilis namang iharang ni Lhorde ang kamay sa may hamba ng pinto kaya halos hindi niya naituloy ang balak na pagsasara. “Let’s talk, Raven.” Bakas na bakas sa guwapo nitong mukha ang pagsusumamo sa kaniya. Bagay na lihim na ikinainis ni Raven dahil para bang gusto niyang pumaya