HIMBING AGAD sa pagkakatulog si Raven nang makarating sila Paris, France. Hindi na nito kinaya ang pagod mula sa mahabang biyahe. Hinayaan lang itong matulog agad ni Lhorde pagkarating na pagkarating nila sa pinag-check-in-an nilang hotel. Habang siya, kahit pagod din at may jet lag pa ay hindi naman magawang matulog ng mga sandaling iyon. Nasa malalim pa rin siyang pag-iisip tungkol sa sinapit noon ni Raven mula sa kaniyang ina. Para kay Lhorde noon, ten years ago, isa sa pinakamasaya ring nangyari sa kaniya noon ay nang magkaroon ng oras para sa kaniya ang kaniyang ama’t ina. But it turns out na sa kabila pala ng masayang bakasyon na iyon ay may pinaplanong iba ang kaniyang Mommy Berenice. At ang bagay na iyon ay hindi niya matanggap kahit na sampung taon na ang nakalilipas. Na sang