#BetweenYouAndHim EPISODE 29 “Wow! Improving ka na talaga sa pagluluto huh… Ang sarap ng mga ito…” masayang sabi ni Howard ng matikman ang menudong iniluto ni Khiro. Nakaupo ito sa upuan na nasa kanang bahagi ng mesa na punong-puno naman ngayon ng pagkaing iniluto at inihain ni Khiro na nakaupo naman ngayon sa upuan na nasa kaliwang bahagi, katapat ng kay Howard. Bukod sa menudo, nagluto rin ito ng kalderetang manok, pochero at pork steak. Napangiti naman si Khiro. Syempre, masaya siya na nagustuhan ni Howard ang mga niluto niya. “Talagang pinag-aralan ko ang lahat ng pwedeng lutuing pagkain…” “Para sa akin?” tanong kaagad ni Howard na ngayon ay nakatingin kay Khiro at pangiti-ngiti. Tumango si Khiro. “Oo naman… Lahat ng ginawa ko… Para sayo… Para maging masa