#BetweenYouAndHim EPISODE 27 “Mamasyal tayo Khiro...” biglang sabi nang nakaupo sa sofa na si Howard habang nakatingin ng may ngiti sa labi kay Khiro na kasalukuyan namang nasa kabilang sofa at nagbabasa ng magazine. Napatigil naman sa pagbabasa at napatingin ng may gulat na expression sa mukha si Khiro kay Howard. “Huh? Mamasyal? Saan naman?” pagtatakang tanong nito. Nagkibit-balikat si Howard. “Ewan… Kahit saan lang…” sagot nito. “Bakit naman bigla mong naisip na mag-aya na mamasyal? Nabobore ka na ba rito sa loob ng condo?” tanong pa ni Khiro. “Uhmm… Medyo…” sabi ni Howard. “Saka isa pa… Gusto rin kasi kitang makasama na mamasyal ngayon… Parang… Date ganun…” sabi ni Howard sabay ngiti at pataas-baba-taas-baba pa ng magkabilang kilay. Napangiti