SINADYA pang puntahan ni Markus sa munisipyo si Mayor Hunter Villareal upang makibalita kung ano na ang balita sa kanyang kaso. Wala na siyang iniisip tungkol sa pagkamatay ni Patrick dahil kaya niyang patunayan na set up lamang ang nangyari kung bakit naroon siya sa bahay na yun. Ang inaalala niya ngayon ay ang bangkay na natagpuan sa kanyang bahay. Ayon kay Mark ay iyon ang mahirap niyang malusutan kung sakali. Pakiramdam niya nga minsan ay hindi naniniwala si Mark na wala siyang kinalaman sa pagkamatay ni Cristina. Hindi niya naman ito masisisi dahil sa mismong silid niya natagpuan si Cristina. “Markus!” tawag ni Hunter sa kanya. Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan. “Anong balita?” tanong ni Hunter sa kanya. Nakipagkamay siya sa lalaki. “Have a seat,” wika ni Hunter sa kanya ka