MASAMANG balita ang kaagad na bumungad may Markus paggising niya. Tunog ng cellphone niya ang gumising sa kanya. Dahan dahan niyang inalis ang kamay ni Patricia sa kanyang bewang upang abutin ang cellphone. "What?" bulalas niya sa natanggap na balita mula kay Hunter. "Paano nangyari na nakatakas si Samuel at sino ang nasa likod ng kanyang pagtakas?" tanong niyang napalakas ang boses. Makalimutan niyang may katabi siyang tulog sa kama. "Pupuntahan na lang kita mamaya," paalam niya kay Hunter. Napabuntong-hininga siya pagkatapos niyang ibaba ang cellphone. "Tama ba ang narinig ko? Nakatakas si Samuel?" tanong sa kanya ni Patricia. Pumungas-pungas itong bumangon. Biglang bumangon ang kaba sa puso niya. Paano kung balikan nito si Patricia at patayin? Hindi niya hahayaan na mangyari yun.