HINDI MAKALIMUTAN ni Patricia ang naging mag-uusap niya at ng mga magulang ni Markus. Pakiramdam niya ay isa siyang pulubi dahil sa panghahamak ng mga ito. Nabigla pa siya nang dumating ang mga ito at ipinakilala siya ni Mark. Hahalik sana siya sa pisngi ng ina ni Markus nang itulak siya nito. "Huwag mo ng idikit ang marungis mong mukha sa balat ko. Baka mahawa pa ako," wika sa kanya ng ina ni Markus na nakataas ang kilay. Mabuti na lamang at nasa tabi niya si Mark. Nakaalalay ito sa kanya. Hindi niya inaasahan ang ipinakita nitong ugali. Kahit man lang kaplastikan ay wala ito. Ganito nga talaga siguro kapag mayayaman. Puro pagdududa sa kapwa. Tuloy-tuloy na pumasok ang mga ito sa loob ng bahay. Maging ang ama ni Markus ay masama ang tingin sa kanya na akala mo ay isa siyang kriminal.