GALIT NA GALIT si Mark sa inasal ng kanyang Mama Stella kay Patricia. Hindi niya man lang maipagtanggol ang babae. Ayaw niya namang kontrahin ang ina at baka ipahiya pa siya nito kay Patricia pero ang ginawa nito at ni Papa Calvin ay sobra naman yata. Hindi makatarungan. Walang nagawa si Patricia kundi ang tanggapin na lamang ang lahat ng sinasabi ng mga ito. “Sana man lang nagpasabi kayo na darating kayo. Paano pa ako pagkakatiwalaan ni Markus kung bigla-bigla ay darating kayo? Hindi niya nga pinapasabi ang address niya sa inyo,” galit niyang wika sa ina. “Pwede Mark ‘wag mo akong pinapangaralan dahil wala ka sa posisyon. Ina niya pa rin ako. Pupunta ako rito sa ayaw at gusto mo,” galit na sagot sa kanya ng ina. Pasakay na ang mga ito sa sasakyan. “Nakita niyo naman ang nangyari? Pina