Chapter 42

1256 Words

“GIRL! SAANG LUPALOP NG MUNDO KA GALING?” Gulat at sabik na sabi ni Tess nang madatnan nito si Athena sa pantry noong umaga ng Lunes. Sinulyapan lang ito ni Athena at pinagpatuloy na ang paghigop ng kapeng tinimpla niya para sa sarili. Hindi maganda ang pakiramdam niya. Parang naaalibadbaran siya na masakit ang ulo na ewan. “Uy, alam mo ba?” Tumabi ito ng upo sa kanya, halata na agad sa mukha na na-e-excite ito sa kung anong tsismis na naman ang nasagap. “Ang tagal kong nawala, paano ko malalaman?” Humagikgik ito saka siya tinampal sa braso. “Loka! Eh ikaw mismo ang topic ng buong floor last week.” “Bakit na naman?” Wala naman yatang bago doon sa pinag-tsi-tisimisan siya sa office. “Eh pa’no, may nakakita daw sa inyo ni Sir Tom na sabay na umalis galing Starbucks tapos hindi ka na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD