“SAAN KA BA PUMUPUNTA TUWING LUNCH TIME? Bakit bigla ka na lang nawawala?” Tinapunan ni Athena ng tingin si Tess nang lumapit ito sa kanya habang nag-o-organize siya ng mga folder sa filing cabinet. “Sa labas ako kumakain,” alibi niya. Ang totoo ay simula pa noong Lunes hanggang ngayong Biyernes ay doon siya nag-la-lunch sa office ni Jeric. Siyempre, hindi lang simpleng lunch ang ginagawa nila doon. Pero hindi naman na kailangan pang malaman iyon ni Tess. “Saan?” pangungulit nito. “Nagkikita ba kayo ni Sir Tom sa labas?” Pinaikot niya ang mga mata. “Hanggang ngayon ba hindi pa kayo natatapos sa isyu na ‘yan? Bigla akong nagka-sakit last week, okay? ‘Yon ang dahilan bakit ako umuwi nang hindi nagpapaalam nang maayos kay Ma’am Alcantara.” Humalukipkip ito saka pinag-aralan ang mukha