Chapter Seven

1185 Words
“MA’AM, KAILANGAN na nating bumaba. Baka maabutan pa tayo ng ulan sa daan,” wika ni Jeric nang mapansin ang makapal na ulap sa di-kalayuan. Sa totoo lang ay kanina pa nababagot si Jeric sa labas dahil tila wala nang balak umuwi ang dalagang anak ni Don Alvaro. Nakaupo lamang ito sa mahabang upuan na gawa sa iron wood habang nagse-cellphone. “Ang init-init sa baba, eh. Hindi pa nalalagyan ng aircon ang kuwarto ko,” nakangusong sagot ni Athena. “I told dad that I was coming today. Hindi man lang niya naisip na palagyan ng aircon ang kuwarto.” “Nakalimutan siguro ni Sir dahil marami siyang inasikaso nang mga nakaraang linggo. Wala naman kasing natutulog doon dati kaya siguro hindi na niya naisipang palagyan.” “Hmp!” Umismid lang ito. Hindi pa rin tumatayo ang dalaga. Hanggang sa inabot na lang sila doon ng alas singko y medya. “Ma’am, kailangan na talaga nating umuwi. Aabutan tayo ng dilim sa daan.” “Fine!” Nang lumabas si Athena, pinasadahan niya ng tingin ang motorsiklo ni Jeric. “You know, I always wanted to ride a motorcycle. But Nana won’t let me.” Mayamaya ay unti-unting may sumilip na ngiti sa mga labi ng dalaga. “Palit tayo. Ikaw mag-drive ng ATV and at ako sa motorcycle.” “Naku, hindi puwede, ma’am. Sabi mo nga ay hindi ka pa nakakapag-drive ng motor dati. Mamaya ay madisgrasya ka pa, ako ang sisisihin ng don.” “Oh, c’mon!” She groaned and rolled her eyes. “I have a driver’s license. May sarili akong kotse sa States.” “Iba pa rin ang motor, ma’am. At saka hindi maganda ang daan dito. Doon ka na lang sa baba mag-practice kung gusto mo.” Athena stomped her feet. “No! I’m driving the motorcycle. Get off.” Pakamot-kamot ng ulo si Jeric nang bumaba. Hindi niya alam kung maiinis o matatawa siya sa pagiging hard-headed ng babae. “How do you start this?” Tanong ni Athena nang makasakay na sa motorsiklo. “Kita mo na, hindi mo pa pala alam paano magpaandar ng motor!” “Just tell me how to operate this!” She snapped. “Kaya kong mag-drive ng car at bike. This will be easy for me. Just tell me how this works.” “Ikaw may sabi niyan ma’am ha.” Tinuruan niya ito kung paano paandarin ang motorsiklo at kung paano mag-change gear. Hindi pa man siya natatapos sa pagpapaliwanag, bigla na nitong pinaandar ang makina at humarurot ng andar. “Ma’am! Ma’am!” Napatakbo siya nang dumire-diretso ito papunta sa isang puno. Just a couple of feet away from the tree, Athena managed to steer the handle and slowly brought the motorcycle to a full stop. Nilingon siya nito at tumawa ng malakas. “Did I scare you?” Buntong hininga na sinapo ni Jeric ang dibdib. “Maha-heart-attack ako sa’yo, ma’am.” Tumawa lang ulit ito ng malakas at pinaandar na ulit ang sasakyan kaya nagmamadaling sumakay na rin si Jeric sa ATV para sundan ang dalaga. Habang pinagmamasdan ni Jeric si Athena na nagmamaneho ng motorsiklo, hindi niya mapigilang mapangiti. Para kasi itong ibon na nakawala sa hawla. Hindi ito tumitigil sa kakatawa na parang aliw na aliw sa ginagawa nito. Ilang minuto lang ay bumuhos na ang malakas na ulan. Buong akala ng lalaki ay madidismaya si Athena pero tila mas lalo lang itong natuwa at nagsisisigaw pa ito sa saya. Napaka-weirdo naman ng mestisang ‘to. “Ma’am, dahan-dahan lang at madulas ang daan!” Sigaw niya rito nang mapansing bumibilis ang takbo ng dalaga. Narating na nila ang baba ng bundok kaya marahil lumakas ang loob nitong magpabilis. Sinubukan niyang bilisan din ang takbo upang habulin ang dalaga ngunit pareho silang nagulat nang bigla na lamang may tumawid na manok galing sa kung saan. Agad itong iniwasan ni Athena ngunit napunta naman siya sa may gilid ng kalsada kung saan may malalim na lubak at bago pa maka-react si Jeric ay nakita na niyang tumambling ang dalaga. “Ma’am!” Nanglalaki ang mga matang sigaw niya. Mas lalo niyang binilisan ang takbo at nang marating ito ay agad siyang bumaba. “Ma’am, ayos ka lang ba?” Dahan-dahang umupo si Athena ngunit napapangiwi ito sa sakit ng katawan. “Can’t you see I’m not okay?!” She snapped. “May sugat po ba kayo, ma’am? Patingin.” Hinawakan niya ang braso nito ngunit pumiglas ang babae. “Kaninong lecheng manok ba kasi ‘yan?!” “Nakawala yata sa kulungan.” “I’ll kill that b***h!” Pumulot ito ng maliit na bato at tinapon iyon papunta sa pobreng hayop na nakatayo sa di-kalayuan. Agad namang patakbong lumipad palayo ang manok. “Tamang-tama, ma’am, umuulan ngayon. Ang sarap humigop ng sabaw ng tinolang manok.” “Will you shut up?! Just…” She flailed her hands in exasperation. “...shut up!” Napakamot sa ulo si Jeric at tumayo. “Bakit parang kasalanan ko pa’ng tumambling ka diyan?” Mahina niyang bulong. “What did you say?” Athena squinted her eyes. “Wala, ma’am. Sabi ko ang tanga n’ong manok. Hindi tumitingin sa daan.” “Well, don’t just stand there! Help me up.” Kinuha niya ang nakataas nitong kamay at sinubukan itong hilahin ngunit bigla itong humiyaw. “Ow! W-wait.” Muling umupo ang dalaga. “I think I sprained my right ankle.” “Buhatin na lang kita, ma’am.” Hindi umimik si Athena kaya kumilos na si Jeric para buhatin ito. Nilagay niya ang kaliwang kamay sa likod ng mga tuhod ng dalaga at ang kanang kamay naman niya ay sa likuran nito. “Hey!” Agad na reklamo nito. “You’re touching me.” “Eh paano kita mabubuhat kung hindi kita hahawakan, ma’am? Wala naman akong levitating power.” Tumayo ulit siya, bahagyang nainsulto sa kaartehan nito. “Kung gusto mo, mauna na lang muna ako sa mansion at ipapasundo kita dito.” “No!” Maagap nitong tanggi. “Don’t leave me here.” “So dito na lang ba tayo matutulog, ma’am?” Sarkastikong tanong ni Jeric. She glared at him, then looked away, crossing her arms. “Bubuhatin na kita ma’am, ha? Kanina pa ako nilalamig. Basang basa na tayo sa ulan.” Nang sinubukan niya ulit itong buhatin ay wala na siyang narinig na reklamo galing dito. Medyo nangangatog na siya sa lamig ng tubig-ulan pero ramdam niya ang pamumula ng mukha nang hindi sinasadyang mapadako ang tingin niya sa suot nitong puting t-shirt. Manipis lamang iyon at dahil nabasa sa ulan, bumakat ang dibdib ng dalaga. Agad niyang iniwas ang tingin. Binaba niya si Athena sa upuan ng motorsiklo saka siya sumakay sa harapan nito. Ipapakuha na lamang niya ang ATV bukas. Habang nagmamaneho, hindi niya maiwasang mapansin ang init ng hatid ng katawan ng dalaga tuwing napapadikit ito sa kanya. Hindi tuloy niya maiwasang ma-imagine na naman ang nakita niya kaninang nakabakat nitong dibdib. Tumigil ka, Jeric. Anak ni Don Alvaro 'yan. Off limits sa'yo yan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD