MUGTO ANG MGA MATA ni Athena nang pumasok sa opisina kinabukasan. Ngunit umagang-umaga pa lang ay nag-iinarte na si Ms. Alcantara. Gusto raw nitong mag Starbucks kaya’t inutusan si Athena na pumunta doon para um-order ng kape. May kutob si Athena na nakausap na ni Jessica si Mavis upang mas lalo siyang pahirapan sa opisina. Mukhang all-out war talaga ang balak nito sa kanya. Ngayon pa lang ay nanlulumo na siya. Lalo na’t nadagdagan pa ang problema niya sa hacienda. Umaasa siya sa harvest nila next month dahil gagamitin niya iyong pangbayad sa iba nilang mga utang. Pero maging iyon ay mawawala na. “Penny for your thoughts?” Napapitlag si Athena nang marinig ang bulong ni Tom sa tainga niya habang nakapila siya sa counter ng Starbucks. “Tom!” Kinabahan na naman siya. “B-Bakit ka nan