Chapter 39

1805 Words

TIRIK NA ANG ARAW nang magising si Athena kinabukasan. Napabalikwas siya ng bangon pero agad ding napaungol nang maramdaman ang matinding pananakit ng buong katawan. Pakiwari niya ay nakipag-wrestling siya sa sampung tigre buong magdamag. Nang tingnan niya ang kabilang bahagi ng higaan ay wala na roon si Jeric. Marahil ay nasa opisina na ito. Nagpapasalamat na lamang si Athena na hindi siya nito sapilitang ginising dahil sa tingin niya ay hindi niya kayang pumasok ng opisina ngayon. Napangiwi siya nang gumuhit ang hapdi sa gitna ng kanyang mga hita nang ibaba niya ang mga paa sa sahig. Dahan-dahan siyang tumayo at napailing na lamang nang makita ang ebidensiya ng kanyang pagkabirhen sa puting kubre-kama. Nang hanapin niya ang mga damit na suot kahapon, hindi na niya makita ang mga iy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD