KINABUKASAN, MAAGANG NAGISING si Athena. Iniisip niya na baka nagbago na ang isip ni Jeric at papasok na sila ng opisina ngayon. Sa pagkakilala niya sa lalaki ay hindi ito basta-basta na nag-re-rest day maliban na lang kung may mga out-of-town and out-of-the-country appointments ito. He was the most hardworking person she knew. Mabilis na nag-toothbrush at nagshower si Athena. Kahapon kasi ay halos hindi siya tinigilan ng binata. Tuwing nagkakasalubong sila sa bahay ay lagi na lang itong nampipisil, nang-aamoy at nanghahalik sa kung saan-saang bahagi ng katawan niya. Mas mabuti na iyong handa siya ngayon. Alam niyang sa ganoong oras ay nasa gym si Jeric kaya’t nang matapos mag-prepare ay tinungo na ni Athena ang hallway papunta sa gym area ng condo. Nadatnan niya si Jeric na nakahig