“HEY, BOYFRIEND…” Namumungay ang mga mata ni Athena habang pinupulupot ang mga braso sa leeg ni Jeric pagkapasok na pagkapasok pa lamang doon ng binata galing glass sliding door. Mukhang nag-abang talaga ito sa kanya roon. “Hey,” matiim-bagang na sagot ni Jeric. “I missed you,” paglalambing nitong bulong at saka marahang humalik sa kanyang pisngi. Gumapang ang mga kamay nito paakyat sa likuran niya hanggang sa may batok at saka siya siniil ng matamis na halik. Then she gently rubbed her breasts again his chest as if teasing him intentionally. Saglit na natigilan si Jeric. Mukhang may kakaiba sa ikinikilos ng dalaga. Nakainom ba ito? Ngunit nang maalala niya ulit kung bakit siya nandodoon ay biglang bumalik ang galit sa puso niya. Marahas niyang niyakap ang baywang ng dalaga at hi